TULA PARA SA SARILI

2 0 0
                                    

Masaya akong payapa na ulit ang iyong pag tulog
At madalang ko nalang marinig ang 'yong pahalawhaw
Siguro nga'y napagod kana rin sa pagtangis
Sa hindi mabilang na pakikipag
Ulayaw sa sariling kaisipan.

Nakulong ka man sa nakaraan
Batid kong ika'y patuloy  na lumalaban,
Lumalaban para sa sariling kapakanan.
Dumating man ang bagyo at ulan
Nawa'y gawing payong ang sarili at gawing sandalan.

Ako nga talaga'y iyong napahanga,
Sa pagiging malakas at matyaga
Natuto kana rin mag bigay at mag palaya
Sa mga bagay na nais mo nang mawala
Mahirap man ngunit  AKING ginawa.

THE TRUTH OF LIFEWhere stories live. Discover now