3

126 5 0
                                    

“And one, two, three... Action!” Sigaw ni Myrrh at kumilos na ang mga tao sa harapan niya.

Music director siya. Matagal na siya sa larangang ito. Bago pa kami magkakilala ay director na siya ng mga short film na madalas na ipinapalabas sa mga eskwelahan at ginagawan ng reaction paper ng mga estudyante. Saka niya lang pinasok ang pagdi-direkta ng music videos noong pinakilala siya sa mga malalaking artist. Kaya naging mas sikat ‘tong mahal ko, e!

Ang hilig namin sa Art ang dahilan kung bakit kami naging magkaibigan at ‘di kalauna‘y naging magkarelasyon.

Hindi ko pa makakalimutang nakiki-sit in siya sa amin noong college days namin. Buti na lang at cool ang mga professors ko sa UP dati.

Sabagay, kilala na siya noon, kaya bilib na bilib na sa kaniya ang mga professors namin. Sobrang sikat niya sa block namin. Kahit ang mga estudyante sa ibang block ay kilala siya. Kahit nga yata sa ibang kurso...

“Wooh! Good old days.” Bulong ko.

Sobrang astig niya habang naglalakad kasama ang Camera Man. Naaalala ko si Director Cee sa kaniya. Magaling na direktor din ‘yon!

Tumalikod siya sa mga kasama at sumigaw ng, “Good take! Everyone, pack your things now! See you tomorrow!”

Lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi.

“Wow naman, girl! Ang galing mo ro’n!” Puri ko sa kaniya.

“Haha. Siraulo! Kailan ka pa naging bakla?”

“Ngayon lang! Mukha ka kasing tomboy ro’n e!” Turo ko pa kung saan siya nanggaling.

“Awit! Haha. Tara uwi!” Yakag niya sabay buhat ng duffle bag.

“Ako na! Akin na ‘yan.” Pilit kong inaagaw sa kaniya pero ayaw naman niyang ibigay.

“Akala ko ba’y tomboy nga ako at ikaw ang bakla?” Tanong niya pa.

“Edi don’t...” Sabi ko. “Charot! Akin na nga!”

Natawa siya at ibinigay na rin sa akin ang bag. Ang dami niya kayang gamit dito! Siraulong babae ‘to. Ang bigat kaya nito!

“Ako ang magmamaneho, a!” Excited na sabi ko.

“O, ‘wag kang excited. Haha. Baka naman bumangga tayo niyan, e. Kakakuha mo pa lang kaya ng lisensya!”

“Kaw! Kaw! Magaling kaya ang nagturo sa akin! Myrrh Cruz ang pangalan.” Pagbibida ko pa.

“Utot mo bilog! Haha.” Hinagis niya sa akin ang susi. Buti at nasalo ko naman. “Siguraduhin mo lang na 'di ka babangga. Haha.”

“Hindi naman talaga! Haha.” Sambit ko pa.

“Kaw! Ewan!” Pang-aasar niya pa.

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon