8

87 5 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit ito pa rin ako at hindi gumagaling. Ang laki ng ipinayat ko. Unti-unti na ring nalalagas ang mga buhok ko. Ang laki ng ipinagbago ng katawan ko simula nang magkasakit ako.

Tinotoo nga ni Myrrh ang pangako niyang hindi niya ako iiwan. Literal na palagi siyang nakatabi sa akin at palagi akong binabantayan. Magpapahinga lang siya kapag sinasabihan na siya ng mga magulang niya.

Nahihiya na nga ako dahil pati sila ay inaalagaan din ako. Sobrang swerte ko sa pamilya ni Myrrh dahil itinuring din nila ako na parang tunay nilang anak.

“Kumusta na ang pakiramdam mo, hijo?” Tanong ni Tita Grace, nanay ni Myrrh.

“Maayos naman na po, Tita. Hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko, wala na ring pantal na lumalabas sa katawan ko. Nababawasan na rin ang bleeding ko.”

“Mabuti naman kung gano’n. Patuloy ka lang na magpalakas. Para maikasal na kayo ng anak ko. Gusto ko ng magkaapo.” Nakangiting sambit niya.

“Huwag mo ngang pine-pressure iyang si Luke. Kapag ‘yan ay biglang iniwan si Myrrh... Ay! Ikaw mahal ang sisisihin ko.” Nang-aasar na turan ni Tito Mike, ama ni Myrrh.

“Pero ‘di ko rin ikakailang gusto ko na rin ng apo.” Natatawang sambit niya.

“Tita Grace, Tito Mike... Alam niyo naman pong mahal na mahal ko ang anak niyo, ‘di po ba?”

“Aba’y oo naman! Kahit kami’y ramdam namin. Tagos sa puso!” Sambit ni Tito Mike.

“Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo—”

“Oh My God! Oo, Anak! Diyos ko! Mahabaging langit! Pumapayag kaming magpakasal kayo. ‘Di ba, Mike?!” Excited na sambit ni Tita Grace.

“Diyos ko! Dininig mo ang aming panalangin! Amen!” Masayang sambit ni Tito Mike.

“Ipapaalam ko lang po ng pormal na gusto kong pakasalan ang anak niyo.” Ipinakita ko sa kanila ang singsing na hawak ko.

Nakalagay ito sa pulang kahon. Simple lang ang disenyo. Infinity ang buong singsing at ay maliit na diyamante sa gitnang bahagi nito.

“Kayo lang naman ni Myrrh ang gusto naming magsambit niyan. Matagal na kaming naghihintay ni Grace na dumating ang pagkakataong ito. Sa wakas, ito na nga...”

“Alam mo, Luke, anak. Lagi mo itong tatandaan. Mahal ka namin at kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa pamilya namin. Kapag nadalaw kami sa inyo ay naririnig namin kayo ni Myrrh na nagtatalo minsan ukol sa bagay na ‘yan. Luke, matagal ka ng parte ng pamilyang ‘to. Hindi ka pa dumarating sa buhay namin ay alam na namin. Okay? Mahalaga ka.”

“Salamat po.” Iyan lamang ang tanging nasambit ko habang tumutulo ang aking mga luha.

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon