4

109 4 0
                                    

Napatigil ako sa pagluluto dahil sa sakit ng ulo ko. Napahawak ako ng mahigpit sa malapit na upuan. Putek! Bakit naikot ang kusina? Haha.

“Luke! Luke!” Nagmamadaling lumapit sa akin si Myrrh at inalalayan ako para makaupo nang maayos.

Pinatay niya ang kalan at mabilis siyang kumuha ng baso at nilagyan kaagad ng tubig. Inabot niya ‘yon sa akin kaya ininom ko. May choice pa ba ako? E, halos itulak na sa mukha ko ‘yung baso. Haha.

“Ano bang nangyari? Luke naman, e! ‘Di ba nga’t sinabi ko nang ako ang magluluto dahil nilalagnat ka pa? Ang kulit mo kasi, e!” Inis na sabi niya at ‘di nakatakas sa akin ang maliit na butil ng luhang pumatak sa kamay ko.

“Gusto ko lang namang mabawasan ang gawain mo, e...”

“At gusto ko ring magpahinga ka! Ano bang hindi mo maintindihan do’n?” Hinilamos niya ang mukha niya sa inis at tumingin sa kisame.

“Sorry—” Sabay na sabi namin. Lalo siyang napaiyak.

“Tumigil ka na nga sa pag-iyak mo, Mahal...”

“Sorry kasi nasigawan kita. Stress lang talaga ako dahil sa mga—” Hindi ko siya pinatapos sa mga sasabihin niya.

“Hindi ba’t sinabi ko naman na hayaan mo na ang mga negatibong komento na ‘yan? Kahit ito pa ang unang beses na makatanggap ka niyan. Gano’n talaga. Nandito ako. Naniniwala akong magaling ka.” Sambit ko sa kaniya.

“Alam ko. Pero—ang mahalaga ngayon ay madala kita sa Hospital. Isang linggo ka ng nilalagnat. Hanggang ngayon, ‘di pa rin bumababa ang temperatura ng katawan mo. Pabalik-balik pa!”

“Bumaba kaya...” Sabi ko.

Walang gana niya akong tiningnan at sinabing, “Oo, kagabi lang tapos ay tumaas ulit kaninang umaga. Kaya aalis tayo ngayon para mapa-check-up ka na.”

“Pero dagdag gastos lang, tsaka kaya ko naman. Gagaling—” Hindi niya ‘ko pinatapos.

“Ay! Ay! Wala akong pakialam. Sino bang may sabi na ikaw ang gagastos? Siraulong ‘to!” Iniraparan niya ako pero humalik din sa pisngi ko.

“Grabe ang mood swings, e. Hayps. Haha.”

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon