5

101 5 0
                                    

“Tapos na ang mga test sa iyo, Mr. Soriano. Next week, babalik ka para makuha ang resulta.” Ngumiti ang Doktor at may inabot sa aking reseta.

“Sa ngayon, ‘yan lamang ang kailangan mong inumin para bumaba pa kahit papaano ang iyong lagnat.” Paliwanag niya pa.

“Opo, Dok. Maraming salamat.” Tumango at lumabas na sa opisina ng Doktor. Nakita kong natutulog sa visitor’s chair si Myrrh kaya’t lumapit ako sa kaniya at tinitigan siya.

Sobrang pagod siguro nito. Sobra kasi ang grind sa buhay, e. Ayaw man lang magpahinga. E, kaya niya na ngang buhayin ang sarili niya kahit hindi siya magtrabaho. Ang laki kaya ng sahod niya! Ano bang pinag-iipunan ng babaeng ‘to? Haha.

Ang ganda ng tinatahak ng career niya. Samantalang ‘yung sa akin ay wala. Flop! ‘Di masyadong mabenta ang mga sining na ginagawa ko. Baka naman kasi hindi ako magaling. Baka ito lang talaga ako. Hanggang dito lang. Pintor lang na walang silbi.

Kahit ang mga magulang ko ay ‘di rin naman nabibilib sa mga gawa ko dati noong bata pa ako. Hanggang sa mawala sila sa mundo’y hindi ko man lang narinig sa kanila ang mga salitang, “Ang galing mo naman, anak!” Ang sakit lang. Haha.

Nakakaramdam lang ako ng pagmamahal kapag nasa eskwelahan ako. Sa mga kaklase’t kaibigan ko, sila ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo. Hanggang sa nakilala ko si Myrrh. Mas lalo akong nabuhayan. Nabigyang kulay ang black and white na mundo ko. Pero hindi pa rin maaalis sa akin na parang siya lang ang kumikilos sa relasyong ‘to. Dahil wala naman akong masyadong maibigay sa kaniya. Mabubuhay ba naman siya sa pagmamahal ko? Mabubuhay ba siya ro’n?

Bumalik na lamang ako sa wisyo nang magsalita siya.

“Anong iniisip mo? Kanina ka pa nakatingin sa akin.”

“Wala naman. Ang swerte ko lang sa iyo, Mahal.”

“Ako rin.” Ngumiti siya at kinuha ang kaliwang kamay ko. “Mas maswerte ako dahil ikaw ang boyfriend ko!”

“Sana all, swerte. Haha. Malas ng iba kong kakilala, e.”

Natawa siya at nagtanong, “Ano nga palang balita? Lalabas na raw ba kaagad ang resulta?”

“Babalik ako next week para makuha ang resulta. Binigyan niya rin ako ng reseta. Gagastos ka na naman. Sorry.”

“Ano ka ba?! Lagi na lang ‘yan ang pinag-aawayan natin. Hindi naman mahalaga ang pera, e. Kikitain naman ulit ‘yan! ‘Di ba nga, health is wealth?”

“Lagi na lang ikaw ang sumasagot ng gastos. Pabigat lang ako sa iyo. Makakapag-abot nga ako ng pera pero hindi naman sapat para—”

“Hindi naman kita sinagot dahil kailangan ko ng taong tutustos sa lahat ng pangangailangan ko sa buhay. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Ang kailangan ko, ikaw. Ikaw lang.” Sambit niya. “Ikaw lang naman ang kailangan ko, e...”

“Pasensya na dahil ganito akong mag-isip. Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay mo, Myrrh... Minsan na ngang pumasok sa isip kong makipaghiwalay na lang sa iyo para makakilala ka ng taong mas deserving para sa iyo. Selfish lang ako kaya nanatili ako. Ayaw kong mawala ka...”

Namuo ang luha sa mga mata niya.

“Mas magiging maayos ang buhay ko kung kasama kita, Luke. Salamat sa pagiging selfish mo, mahal...” Sambit niya at ngumiti.

Hindi na talaga ako makakahanap ng iba pang katulad niya. Siya lang talaga ang para sa akin at ako lang ang para sa kaniya.

“Mahal kita, Myrrh.” Hinalikan ko siya sa noo dahilan para pumikit siya at yakapin ako.

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon