10

105 6 1
                                    

Nawawalan na ako ng pag-asa. Parang hindi tumatalab sa akin ang lahat ng treatment.

Nasubukan na namin ang remission induction therapy para mapatay ang leukemia cells sa dugo ko. Itinuloy na rin sa consolidation therapy para mapatay ang natitirang leukemia cells at para ‘di na bumalik sa akin ang sakit pero parang hindi talaga effective dahil ito, o! Nakaratay pa rin ako sa hospital bed.

Nakakalbo na rin ako nang dahil sa radiation. Sinabayan pa ng chemotherapy at pag-inom ng arsenic trioxide.

Nais na rin ng mga doktor na gawin ang stem cell transplant. Naghihintay na lang ako ng go-signal nila para maituloy na ang treatment. Dahil gusto ko na talagang gumaling! Gusto ko na ng normal na buhay kasama si Myrrh sa labas ng Hospital na ‘to.

Napatingin ako sa pintuan noong tumunog ang wind chimes. Nagulat ako dahil maraming diyaryong dala si Myrrh.

“Anong gagawin mo sa mga ‘yan? Ang dami naman masyado.” Sambit ko.

“Ilalatag ko sa banyo dahil ang sabi mo, magpapakalbo ka. May dala na rin akong hair clipper trimmer!” Ngiting ngiti na sambit niya at ipinakita pa ang trimmer.

Tumayo ako para tulungan siya pero pinalo niya lang ang kamay ko at sinabing siya na raw ang bahala at maghintay na lamang ako sa hospital bed. Tatawag na lang daw siya kapag maayos na.

“Okay na!” Sigaw niya.

Umupo ako sa monoblock chair at humarap sa salamin.

Sinimulan na niyang bawasan ang buhok ko. Simula sa kanan papunta sa kaliwang bahagi ng ulo ko. Hindi ko alam na may talent din siya sa paggugupit, a.

Matapos niya akong gupitan ay sinimulan ko ng pagpagin ang mga buhok sa damit ko.

“Tang—Myrrh!”

Nagulat ako nang bigla niyang itinapat sa ulo niya ang hair clipper trimmer. Unti-unting niyang binawasan ang buhok niya hanggang sa wala nang natira pang buhok sa ulo niya.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko habang siya ay umiiyak na. Matapos niyang kalbuhin ang sarili niya ay lumapit siya sa akin.

“Kasama mo ako sa labang ‘to. Lalaban tayong dalawa sa sakit mo na ‘to!” Sambit niyang tuluyan nang nagpaiyak sa sakin.

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon