hindi maganda ang pakiramdam mo,
mabilis ka nang mapagod,
nawawalan ka na ng gana,
sa lahat ng bagay na palagi mong gusto,
palaging tutol sa'yo ang mundo,
hindi ka pinagbibigyan,
sa lahat ng bagay na nais mo,
wala kang magawa kundi sundan ang agos ng mga alon,
damhin mo na lang ang mga unan mo sa pagtulog,
kahit walang mga taong nais kang damayan,
mapapatahan ka ng mga unan,
hindi ka nila intensyon saktan,
pwede mo silang maging sandalan,
sadyang napakalambot nila,
gaya ng kung paano rumupok ang puso,
sa taong hindi ka pinagbigyang marinig lahat ng nararamdam mo,masarap matulog ng may unang kayakap.
makakatulog ka nang mahimbing,
hindi ka nila hahayaang mag-isa sa dilim.