May apat na dahilan kung bakit nakakabasag sila ng baso,
Maaring aksidente nilang natabig sa kanilang pinaglalagakan,O nahawi ng hindi natin namamalayan,Kung minsan, kusa nalang nalaglag sa kanilang pinaglalagyan dahil sa labis na kapabayaan,
O di' kaya'y napagbuntungan nila ng galit,Kahit nananahimik lang 'yang gamit, tanga lang diba?O baka hindi lang nila maiwasang maging kabado,Hanggang sa mabitawan at magkanda pira-piraso.
Masyadong sensitibo ang damdamin,
Kahit hindi sinasadyang mabasag ng iilan,Ngunit may isang tao pa rin na bubuo muli ng mga nagkalat na bubog sa daan,Kahit gaano kalaki ang lamat na maiiwan.