Chapter 3

170 13 2
                                    

Chapter 3: Gone

"Good moning, Manager Lorie," bati ni Letisia sa 'kin pag pasok ko ng locker room.

"Good morning, Miss Letisia." Pigil ang tawa namin dalawa sa pag ka-pormal namin kahit na ang gusto na namin ay ang mag chismisan.

Simula noong tinanggap ko ang promotion ni boss last week, walang araw na lumipas na hindi nila ako matawag na walamg manager.
Kahit yata ay uwian na namin at magpapaalam na sisigaw panila sa daan.

Tumingin siya sa likod ko.

"Himala ata at hindi kayo sabay ni Chase?" tanong niya. Nag kibit balikat ako.

"Ang sabi niya nga kanina papaunta na sa bahay pero isang oras na wala pa rin." Tumaas ang kilay niya.

"LQ?" Tanong niya. Umiling ako.

"Ay... anyare?" takang tanong niya pa. Nag kibit balikat na lang ako at nilagay sa ang bag ko sa loob ng locker.

Palagi kasi kaming sabay ni Chase at ngayon lang hindi kaya parang nahihiwagaan sila.

Napatingin siya sa likod ko.

"Manager, balik na po ako sa trabaho." Paalam niya. Napakunot ang noo ko dahil sa mabilis siyang lumabas ng pinto. Napa iling na lang ako at inayos ang locker.

"Your late." Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang magsalita ang pamilyar na malamig na boses sa likod ko.

Pumikit ako ng mariin at nagkangiti siyang hinarap. Naka itim itong longsleeve na black at itim na pang baba. Napansin kong kulot ang sleeve niya at hindi rin nakatupi sa siko gaya ng nakaraang mga araw. May maliit din siyang sugat sa noo at magulo ang buhok.

"Good morning, Sir." bati ko. Tumango ito.

"Where's your boyfriend?" He asked with serious voice.

"Ah... mal-late po siguro. May emergency po kasi sa kanila," palusot ko. Tumango lang siya at nilapag ang isang lunch box sa mesa.

"Eat that later." Utos niya at tumalikod.

"Ah, Salamat po!" Tinaas niya lang ang kamay niya at lumabas na.

Taka kong tiningnan ang lunch box na nasa mesa. Lumapit ako at binuksan 'yun. Dalawang patong lang ito at ang una ay ulam.

"Ang bango..." bulong 'ko ng maamoy ang Kaldereta. Mabilis ko tinakpan ulit at itinabi. Trabaho muna bago kain.

Lumabas na ako para tingnan ang mga ginagawa nila at para narin tumulong.

Maaga pa pero marami na agad ang tao kaya aligaga na agad sila. Lumapit ako sa tray na may lamang order.

"Ako na rito."

Tumango lang si Railey at bumalik sa loob ng kusina. Kinuha ko ang papel na naka ipit.

Table 3

Mabilis akong nag tungo sa table 3 at isa isang iniayos ang order sa mesa nila.

"Enjoy your meal po!" Tumango lang sila. Binalik ko ang tray kung saan ito naka lagay kanina.

Mabilis lumipas ang oras at hapon na. Nag break na iba sa 'min. Pumasok ako sa locker room at kinuha ang phone ko sa bag. Kinuha ko rin ang dala ni boss kanina.

Umupo sa harapan ko si Lea. Binuksan ko na ang lunch box. Napapakit siya ng maayos ang kaldereta.

"Ang bango... Sino nag luto?" natatakam na tanong niya. Nag kibit balikat ako.

"Bigay ni boss." Kumuha ng ulam at sinama sa kanin. Nanlaki ang mata niya.

"What? Galing kay boss yan? Hala! Nilutuan kaniya?!" sunod-sunod niyang tanong. Nag kibit balikat ako. Malay ko ba.

Mag sasalita pa sana siya ng makita namin si Sir na mabilis na bumaba sa taas at nag mamadaling lumabas.

"Problema nun?" aniya.

Bigla namang nag ring cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Chase.

"Oh sagutin mo na. Tanong mo kung papasok ba siya o hindi."

Sinagot ko ang tawag.

"Hello, hon? Bakit hindi ka pumasok? May nangyari ba?" bungad ko.

"Hello? Eto po ba si Lorie?" Kumunot ang noo ko ng hindi si Chase ang sumagot.

"Eto nga po, sino po sila?" Nag tama ang mata namin ni Lea at sumenyas siya na i-loudspeak ko.

Iniligay ko mesa ang phone at niloudspeak.

"Police Herera po, ah miss may nangyari po kasing aksidente at kasama po ang may ari nito na nasa hospital."

Kumalabog ang dibdib ko. Nanlaki ang mata ni Lea sa narinig.

"S-Saan pong hospital siya dinala?" matataranta kong tanong.

Kahit nanginginig ay mabilis akong kumilos para puntahan ang hospital na sinabi nung police. Sumakay ako ng bus at nag dadarasal na sana ayos lang siya. Huminto ang bus sa harap ng hospital. Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob .

Bumungad sa 'kin ang napaka daming tao. Sumiksik ako para maka pasok. Nilipatin ko ang isang nurse.

"Miss, saan po rito ang mga pasyente na kasama sa mga na aksidente?" Nag mamadali kong tanong. Tinuro niya ang daan. Mabilis kong tinungo ang ER.

Inisa isa ko ang bawat pasyente na nakahiga sa kama. Napaka dami nilang sugat lahat sa parte ng katawan yung iba ay may bakal sa paa. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang luminga linga. Lumapit ako sa front desk.

"N-Nurse... Nandito ba si Chase Mendez?"Nanginginig kong tanong. Hinarap niya ang computer at may pinundoon na kung ano pag katapos ay humarap siya sa 'kin na parang nag dadalawang isip.

"Kaano ano niya po kayo?" tanong niya.

"Girlfriend niya po ako."

Tumango siya at umalis saglit. Pagbalik niya ay may hawak itong isang zip bag na may mga gamit na may dugo.

Nilahad niya sa 'kin ang bag. "Eto po ang gamit niya. Sunod po kayo sa 'kin." Aniya. Kinuha ko ang bag at nakita ko ang phone, wallet at relo niya... at isang maliit na pulang box.

Nag lakad kami papunta sa isang tahimik na pasilyo at huminto sa harap ng isang malaking pinto.

"Ma'am... Isa po ang boyfriend niyo sa mga nasawi sa aksindente." Natahamik ako sa sinabi niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Pagpasok ko, sumalubong sa 'kin ang isang napaka lamig at tahimik. Ginaya niya ako sa isang katawan na may tabon na puting tela. Biglang nag ring ang cellphone ko.

Nanginginig ko iyong kinuha at sinagot.

"H-Hello.."

"Iha, alam mo ba kung saang hospital dinala si Chase? Napanood ko sa tv. Hindi ko rin siya matawagan." Nag aalalang sabi ni Tita.

Bumagsak ang mata ko sa bangkay na nasa harap ko.

"Tita... Wala na po si Chase..." nanginginig ako. Gusto kong umiyak pero ayaw tumulo ng luha ko.

"A-Ano? Hindi magandang biro 'yan, anak!" pumikit ako ng mariin. Sana nga po biro.

"Wala na po siya... He's gone, Tita. Iniwan niya na tayo..."

Humigpit ang hawak ko sa ziplock at napatitig sa puting tela na naktabon sa katawan.

He's gone...
______________________________________

Leave a comment and vote. Thank you!

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now