Chapter 26

131 9 1
                                    

Chapter 26: Iwan

Nag bayad ako sa taxi at mabilis na lumabas. Paulit ulit kong pinindot ang doorbell.

"Sandali lang!" rinig kong sigaw mi Tita. Pag bukas ni Tita ng gate ay agad ko siyang niyakap.

"Oh anak, bakit may problema ba?" sunod sunod na nagsi tulo ang mga luha ko.

"Sorry, Tita. I'm sorry..." paulit ulit kong sabi.

"Bakit nag s-sorry? Wala ka namang ginawa sa 'min ah, kung tungkol yun sa hindi pagbisita ng madlaas ayos lang 'yun," natatawa niyang sabi.

'I'm sorry, Tita..minahal ko yung pumatay sa anak mo. Sa boyfriend ko. I'm sorry..'

"Sorry po talaga." Kumalas siya sa pag kakayakap at natatawang pinunasan ang pisngi ko.

"Asus, tumahan kana mamaya makita ka pa ni Canary na umiiyak sabihin pinaiyak kita nako," natatawa niyang sabi. Matamlay akong ngumiti.

Pumasok na kami sa bahay nila. Naabutan kong nag lalaro si Chelsea sa sofa. Natawa ako ng lumingon siya sa kin. Patakbo niya kong nilapitan at mahipit na niyakap ng baywang ko. A bead si chelsea ng two years kay juliet. Eight ears old na si Chelsea.

"Namiss kita ate!" sabi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"I missed you too, Chelsea. Hayaan mo dadalasan ko ang pag bisita." Nag tatalon namna siya kaya natawa ko. Panandalian ko nakalimutan ang pakay ko.

"Si Canary po?" tanong ko kay Tita. Itinuro ni Tita ang kusina.

"Puntahan ko lang po." Mabilis akong pumasok sa kusina. Naabutan ko siyang  nilalagay ang mga sangkap.

"Patapos na po 'to, Ma," sabi niya ng hindi lumilingon.

"Masarap ba iyan?" tanong ko. Sandali siyang napahinto at mabilis niyang pinaba ang sandok at seryosong hinarap ako.

"Are you sure na yung nakita mong sasakyan ay ayon talaga?" Kinagat ko ang labi ko bago tumango.

"I need to talk to you, Canary. I wan't to tell you something," seryoso kong sabi. Pinatay niya na ito at tinanggal ang apron.

"Sa labas tayo." Nauna siyang lumabas at sumunod ako.

Umupo kami sa malaking bato.

"Ano 'yun, Lorie?" Bumuga ako ng hangin.

"I found the car." Bahagyang bumuka ang bibig niya. Dumilim ang mukha niya at pumikit ng mariin.

"Nalaman mo kung sino ang may ari?" Tango lang ang naisagot ko sa tanong niya.

"After two years. Kuya, makukuha muna ang hustisya..." bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang cellphone niya at may kinalikot don.

"Ako naman ang may itatanong sayo. Anong meron sa inyo ng boss mo?" seryoso niyang tanong. Nilahad niya sa kin ang video.

"Nanliligaw siya sa kin. Sinabi ko na..na ayaw ko pero ayaw niyang tumigil." paliwanag ko.

"You know what will you do next right?" walang emosyong sabi niya. Tumango ako.

'Ang iwasan siya yeah, talagang gagawin ko yun. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.'

"Now, Sino ang may ari at saan mo nakita?" malamig niyang tanong. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa picture na nakuha ko.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now