Chapter 24

111 8 0
                                    

Chapter 24: Parents

"Care to explain?" bungad ni Mara. Kunot noo ko silang tiningnan.

"Ang alin?"

Binaba ko ang bag ko sa mesa ko. Humarap ako sa kanila.

Kinuha ni Sab ang cellphone ay nag tipa.

"Ito." Nilahad niya sa 'kin ang cellphone.

Kunot noo kong tiningnan yun. Nanlaki ang mata ko at nanlamig ng iplay ko ang video.

'Navideo-han ang pag aaway namin sa labas ni Zander, last week.'

"S-Sinong nag send nito?" Hinablot ni Sab ang phone niya.

"Naka post ang video at two days ago lang. Alam mo bang nag viral na ngayon ang video at may caption na ikaw ang employee slash mistress ng boss natin," sabi ni Sab.

"Tapatin mo nga kami. Anong relasyon niyo ni Sir Reil?" malamig na tanong ni Kris. Napalunok ako.

"W-wala." Wala naman talaga.

"Nanliligaw?" tanong ni Mara. Dahan dahan akong tumango.

Yumuko ako.

"Alam mong may girlfriend yun 'diba?" Sabi ni Sab.

Tumango ako.

"May gusto ka kay Sir?" tanong niya ulit. Tumango ako. Hindi lang gusto sab. Hindi lang.

"Gusto kitang suportahan sa feelings mo pero mali eh, maling mali," sabi ni Kris.

Wala pang masyado tao sa way namin kaya walang nakakarinig sa mga] pinag uusapan namin.

"Alam ko. Kaya nga iiwas-"

"Lorie!" sigaw ni Zander. Nanlaki ang mata ko ng hablutin niya ang braso papunta sa elevator.

"Saan tayo pupunta?" Hindi siya sumagot.

"Zander! Saan?!" Hinila niya ako papasok at pinindot ang parking area.

"My Parents house," malamig niyang sagot. Nanlamig ako sa sinabi niya.

"No... no, no. Ayoko!" natataranta kong sabi.

Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa kin. Napaigik ako ng humiglit pa ang hawak niya.

"You have no choice. You'll come with me." malamig niyang sabi.

"No. Bakit ba ang kulit mo? Sabing ayoko nga!" Bumukas na ang elevator at hinila niya ko papuntang sasakyan niya. Binuksan niya ang shot gun seat.

"Pasok." Mariin niyang sabi.

"Please, Zander. Akala ko ba naintindihan mo na? Naging maayos na ako please..." halos pag mamakaawa ko sakaniya. Hindi siya nakinig at pilit akong pinasok sa loob.

"Zander!" Mabilis siyang umikot sa driver seat. Mabilis niya pinaandar paalis ang sasakyan.

"Zander naman... itigil muna 'to. Kung nasaktan ko ang ego mo dahil hindi pumayag ma maging baba-"

"Stop talking!" Umigting ang panga niya sa galit at nanunulis ang tingin sa kalsada.

Mahigpit kong hinawakan ang seatbelt ng mabilis niyang paandarin ang saksakyan.

"Zander!" Hindi niya ko pinansin bagkus binilisan niya pa lalo ang pag mamaneho.

"Zander, ano ba?! Kung gusto mong mag pakamatay 'wag mo kong idamay!"

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now