Chapter 13

138 8 0
                                    

Chapter 13: Date

"Babae, akyat ka daw sa office ni Sir," sabi ni Kris at umupo. Kinuha ko ang kape na binili ko at tumayo na.

Nakita ko ang secretary niya na busy sa paper works na nasa mesa nito. Inangatan niya ako ng tingin at sumenyas na pwede na akong pumasok. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan. Nagulat ako sa nadatnan ko. Nakaupo sa lap ni Zander si Hanna habang minamasahe ang braso nito. Parang napaso si Zamder ng makita ako kaya mabilis siyang tumayo dahilan para lumagapak sa sahig si Hanna.

"I...It's not what you think..." aligagang sabi ni Zander.

Umiwas lang ako ng tingin sa kaniya at lumaput sa mesa niya para ilapag ang kapeng binili ko dahil nabalitaan kong sinisipon siya at kailangan niya ng maiinit na inumin. Bakas sa mukha ni Hanna ang pag kainis sa 'kin habang pinapagpag ang sariling likuran.

"Para sayo. A-Alis na muna ako."

Narinig ko pa ang pagtawag ni Zander pero mabilis kong sinara ang pinto at bumaba na.

Mabilis akong umupo at humarap sa monitor ko. Huminga ako ng malamim at hinigpitan ang tali ko sa buhok. Nag tipa na ako. Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang nakita ko kanina. Si Hanna ba ang girlfriend niya? Nitong mga nagdaan na araw mas nagiging close kami. Sabay kumain, hinahatid ako minsan. Pumikit ako ng mariin. Distansya Lorie. Kahit na mag kaibigan kami, boss ko parin siya at may girlfriend na siya.

Pinilig ko ang ulo ko at bumuntong hininga. Dumilat ako at sumimsim sa kape ko at nag tipa.

"Lalim nun ah, sino yan?" tanong ni Sab. Hindi ako umimik at pinag patuloy ang pag tipa sa keyboard.

Napatingin ako sa date na nasa ibabang bahagi ng monitor ko. Ilang araw na mula noong huling bisita ko sa puntod ni Chase. Bumuntong hinga ako ulit, isa pang problema ang tungkol sa kaso na hanggang nagyon ay walang makuhang iba pang lead. Kahit ang kotse ay hindi na nakita pa.
Napatigil ako sa pag tipa nang maaalala ko ang mga pangyayari nang mga araw. Ang pag punta ni Zander sa bahay. Tama ba 'yun?

Nabalik ako sa realidad ng may nag bagsak ng mga papeles sa mesa ko. Tiningnan ko kubg sino iyon at napabugtong hininga na lang ako.

"I wan't these today."

Tinarayan pa 'ko nito bago umalis. Tiningnan ko ang mga papeles na binigay niya. Parang pang tatlong araw ang mga ito pero bakit ngayon lang?

"Sama ng timpla ni Maam sayo. Amina tulong ako," sabi ni Mara.

Tumayo siya at kinuha ang ibang papeles. Tumayo na rin sila Sab at Kris at binawasan ang gawain ko. Nakakahiya man pero kailangan ko ng tulong dahil kung ako lang malamang sa malamang gagbihin ako.
Binilisan namin ang bawat kilos. Hindi na rin kami nag break kaya malapit na rin kami matapos.

Sumandal ako sa upuan ko. Humagad ako at pumikit.

"A, sa wakas!" rinig kong sabi ni Sab.  Dumilat ako at ngumisi. Umunat siya. Tumingin ako sa orasan namin.

"Sakto lang tayo," ani ko.

Well kaunti nalang kaming mga empleyadong narito dahil maagang natpos ang gawain nila. Pumalakpak si Mara.

"Arat! libre mo kami!" sabi niya. Humalakhak ako at nag thumbs up.

"Sure." Tumayo ako at kinuha ang mga pinagawa sa 'kin sa mga mesa nila.

"Sumaglit muna kayo sa cafeteria. Bigay ko lang itokay Ma'am." Tumango lang sila kaya tumalikod na ako.

Nadaanan ko si Ate Wanda isang janitress. Ngumiti siya sa akin.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now