Chapter 9

148 10 0
                                    

Chapter 9: Note

"Good morning, Lorie," bati ni Mara. Umupo ako sa upuan ko.

"Morning, Mara."

Humarap ako sa monito ko at napakunot ang noo. Kinuha ko ang isang baso na may  tatak ng Starbucks.

"May lumapit ba sa table ko?"

Hindi ko inalis ang tingin ko sa baso.

"Wala naman," sabi ni Kris. Kinuha ko ang note na nakadigit sa likod nito.

'Good morning,Lorie. Thanks, kagabi. This is for you,i hope you love coffee.

-Zander.'

Napaawang ang labi ko. Hanep siya mag thank you may pacoffee.

"Mars, kanino 'yan?" tanong ni Sab. Mabilis kong tinago ang note at hinarap sa kanila ang kape. .

"Akin." Sumimsim ako ng konti. Infairness naman masarap pala ang kape ng mayayaman. Hanggang twinpack lang ako eh.

"Taray, Starbucks. Yayamanin ka teh?" natatawang sabi ni Mara. Nag tawanan kami. Nag simula na kaming mag trabaho.

Nakatulong ang kape para hindi ako antukin habang nag t-type.

Umunat ako at tinitigan ang kape. Wala sa sariling ngumiti ako. Dati pag kain lang ang binbigay niya ngayon kape na mamahalin. I wonder kung ganito rin ba ka bait sa ibang empleyado niya.

Bumalik ang diwa ko ng may tumapik sa 'kin mula sa likod. Nilingon ko kung sino iyon.

"Bakit, Sab?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"Nababaliw ka naba at nginingitian mo ang kape?" tanong niya.

"Masama bang ngumiti?" tanong ko.

"Hindi. Ang masama ay yung bigla bigla kang ngumingiti mag isa," nakanguwing sabi niya.

Napakurap ako. "Bakit? Kailangan ba by group?" Inosente kong tanong.

Napasapo siya ng noo.

"Ewan ko sayo," tila naubos pasensya niyang sabi.

Bumalik siya sa pag kakaharap niya sa monitor niya ganun din ako.

Umiling ako at nag type na. Mabilis na lumipas ang oras at nag break kami.

Nagkumpulan kami ng makita namin si Manang na narito sa building.

"Manang dalawang kanin nga po at isang ulam."

Binigyan niya ako ng dalawang plasltic na kanin at isang nakaplastic na adobong baboy.

"Lista ba iyan, anak?" tanong niya. Umiling ako at nag abot ng isang daan. Susuklian pa niya sana ako.

"Ayos lang po, manang."

Nag thank you siya sa 'kin kaya ngumilti lang ako sa kaniya. Papa alis na sana ako ng sumigaw ang manager namin.

"Ano 'to?!" sigaw niya. Napaigtad si Manang. Lumapit ang manager namin sa kaniya at inis siyang binalingan.

"Ikaw na naman? Pa'no ka nakapasok rito?!" galit niyang sabi. Mas tanda na si manang rito pero gan'yan niya ito kausapin.

Nakayuko lamang si Manang. Lumapit ako nang hawakan niya ng marahas ang braso ni Manang at akmang kakalad karin na ito.

"Ma'am, mawalang galang na pero hindi po tamang ganiyanin niyo siya."
Nangunot ang noo niya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at ngumisi.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now