Chapter 12

640 38 8
                                    

"Calys wake up,"

"Hmm," mukhang pagod na pagod nga siya. Gusto ko mang hayaan siyang magpahinga kaya lang gagabihin siya. Lalamig din ang pagkain.

"Kain ka muna, mamaya ka na matulog 'pag uwi mo." Tamad na tamad pa 'rin siya kumilos. Dahan dahan niya ulit akong niyakap.

"Just a minute please. I can't open my eyes."

Kinakabahan na naman ako dahil baka marinig niya ulit ang tibok ng puso ko.

Ang hirap ng pwesto ko pero bakit parang ang komportable? Hindi ako sigurado. Walang sigurado, pero gusto kong namnamin ang mga sandaling ganito. Parang ang imposible kasi.

Hinaplos ko muli ang buhok niya. Alam kong mas lalo lang siyang makakatulog kaya lang hindi ko mapigilan. Ang lambot kasi.

"Tara na,"

Ungol lang ang sinagot niya. Parang ayoko na tuloy siya gisingin. Hayaan ko nalang nga.

Ilang minuto na ang nakalipas at nakatulog lang ulit si Calys. Lumuwag na rin kasi ang yakap niya kaya kahit ayaw ko mang humiwalay ay umayos na ako ng upo sa sahig.

Anong oras na ba? Magaalas otso na rin pala. Dahil nababagot ako ay kinuha ko ang remote at binuksan ang TV ko. Hininaan ko agad ang volume dahil baka magising ang bisita ko. Nakakahiya naman.

Naghanap ako ng pwedeng panoorin sa netflix and I end watching Kdrama. Tahimik lang akong nanonood. Pampalipas ng oras.

"What's that?" Nagulat ako nang magsalita ang nasa likuran ko. Mabilis nalang ako tumayo.

"Gising ka na pala. Tara let's eat." Parang bata lang siyang tumango. Pupungas pungas pa. "Antok ka pa ba?" Tumango lang ulit siya.

"Oh tara na bilis. Para makauwi ka na."

Dumiretso ako sa kusina at naghain. Tahimik lang kaming kumaing dalawa. Walang nagsasalita. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig.

"Here," sabay lapag ng tubig.

"Thanks,"

Dahil mabilis lang ako kumain ay nauna akong matapos. Pinagmasdan ko siya. Mabagal siya kumain siguro dahil nga inaantok pa. Pero marami na rin siyang nakain. That's good since he looks really tired.

"Are you still tired?" I obviously asked.

"Yeah,"

"Hurry up. So you can go home. You need to rest." Dahan dahan siyang tumigil sa pagkain at hinarap ako.

"You don't want me here?" Eh?

"What do you mean? It's getting late." He exhaled,

"Can I stay here tonight?" Walang laman yung bibig ko pero parang nabulunan ako.

"What? Why? I mean, here?"

"Yeah?"

"Why?"

"Why not?"

"Anong why not? Hello? This is my house. And I don't think it's proper to let someone sleep here. Hindi naman kita boyfriend." Arte yarn?

"I'm so tired. I don't think I can drive home." Paawa niya.

"Eh bakit kasi dito ka pa dumiretso?"

"You know what? Nevermind. I'll go home." Parang nakonsensya naman ako dahil natahimik siya. Iniiwas ang tingin sa akin.

"Fine. You can stay here. Pero sa sofa ka ha?" Lumiwanag ang mukha niya.

"Really?" Tsk. May magagawa pa ba 'ko sa mukhang 'yan? Napakagwapo kainis! "Thanks! I'll wash the dishes."

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now