Chapter 26

549 41 17
                                    

Mabilis akong umiwas ng tingin. Tumalikod ako para magpaalam kay Troy.

"I'll go ahead, Troy. Take care."

Nagtataka ang itsura niya at napupuno ng tanong ang mga mata. Tahimik namang lumuluha ang mommy niya sa hindi ko malamang dahilan. Lumakad ako nang mabilis.

"Therese,"

Hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko ang lakad nang maramdaman kong sinusundan niya ako.

"Therese anak sandali,"

Huminto ako nang abutin niya ang braso ko. Tiningnan ko 'yon nang masama kaya binitawan niya.

"May kailangan ho ba kayo?" Malamig na tanong ko.

Pinagmasdan ko siya. He grew some beards. He looks old and stress. But I don't care.

"Anak magpapaliwanag ako." Namuo ang luha sa mga mata niya. Tinangka niya akong hawakan ngunit iniwas ko ito.

"Patawarin mo 'ko, Therese." Sunod-sunod ang luhang pinakawalan ng mata niya.

Tinitigan ko ito. Ang kauna-unahang pares ng mata na nakita ko. Ang unang pares ng mata na minahal ko. Pinagmasdan ko ang unang lalaking minahal ko.

"You know what? It really requires a lot for you to be a husband and a father."

Bumaba ang tingin niya habang patuloy pa ring lumuluha. Hindi ko 'yon gustong sabihin. Hindi ko intensyong sumbatan siya ngayon pero iyon ang kusang lumalabas sa bibig ko.

"You left us to be with them." May diin ang bawat salita ko. "So why are you neglecting your own son na dahilan kung bakit iniwan mo kami? Kung bakit iniwan mo 'ko?"

"Anak hindi gano'n," Natigilan ako bago sarkastikong natawa. Kitang kita ko lahat. Hanggang ngayon tandang tanda ko yung araw na nagmamakaawa si mommy.

Napapikit ako sa inis. "Did you know how hard it was for mommy to raise me alone?"

"Daddy, I was ten!"

"Anak mali—"

"Talagang mali ka! You betrayed us. You never know how we dealed with the pain you inflicted on us. So stop crying!"

Pinunasan ko ang luhang hindi ko mapigilan. Ayokong makita niyang iniiyakan ko siya. Ayokong ipakitang lumaki akong mahina.

Kahit totoo naman...

Dahil yung taong dapat magtuturo sa akin kung paano maging matapang...ay iniwan ako ng basta nalang. Yung lalaking magtuturo sa aking maging malakas, siya mismo ang dahilan kung bakit ako nanghihina.

"Patawarin mo 'ko anak."

"Don't call me like that. I don't have a father since I was ten."

Sumakay ako sa sasakyan at mabilis itong pinaandar. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa manibela at patuloy paring humihikbi. Nanlalabo ang tingin ko kaya't itinigil ko ito sa gilid ng daan at doon humagulgol ng iyak.

Miss na miss ko siya...

Gusto kong yakapin si daddy kanina. Gustong magsumbong sa kaniya. Gusto kong ikwento lahat ng nangyari sa akin noong wala siya.

Gusto kong magsabi...

Pero hindi ko kaya.

Dahil yung taong pagsusumbungan ko, isa siya sa mga dahilan kung bakit nararamdaman ko 'to. Kung bakit sa tagal ng panahong lumipas, ang sakit sakit pa rin.

FLASHBACK

"SURPRISE!"

"Wow daddy camera!" I hugged daddy tightly and kissed him for giving me a gift.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now