I made you breakfast. I need to go, I have shoot now. Thank you, Ynna.
-Calys
Maganda ang umaga ko, sana kayo rin.
Anyways, I ate the breakfast that Calys prepared for me. Feeling ko hindi mangangawit ang panga ko kangingiti.
Gusto ko man namnamin ang bawat pagsubo ko kaya lang malelate ako sa work kaya't mabilis akong kumilos para maghanda papasok.
"Hoy ang aga mo naman!" Bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa ai Miro.
"Late ka lang." Inilapag niya sa harap ko ang isang paper bag. "Bakit?"
"Anong bakit? Di ba dapat ang tanong mo, "ano 'yan?" Ay makarunungan pa?
"Nagmamagaling ka? Ako nagtatanong 'di ba?" Matalim ang naging tingin niya.
Nag-iwas siya nang tingin, "Breakfast." Parang nahihiyang sabi niya.
"Yaman. Araw araw ba 'to?"
"Kapal mo naman. Sumobra lang luto ko oy. Wag assuming." Natawa ko naging reaksyon niya.
"Pero seryoso Miro, nakakahiya naman. Lagi mo nalang ako pinapaalmusal." Baka nakakaabala pa ako sa kaniya, eh.
Inirapan niya ako, "Tss. Di ba sabi ko hayaan mo 'ko? Tanggapin mo nalang." Ba't parang galit?
Ngumuso ako at tumango. Hiling nga pala niya 'to. Alam kong nakakahiya pero this is the least that I can do. I looked at him,
Soon, mahahanap mo rin ang taong paglulutuan mo hindi lang almusal, kundi tanghalian at hapunan kahit meryenda pa.
"Stop looking at me."
"Thank you,"
"Whatever." Maarte siyang lumabas ng opisina ko.
Tiningnan ko ang paper bag at natakam agad ako. Kakainin ko sana kaya lang busog pa ako dahil kumain ako bago umalis. Di bale mamaya ko nalang 'to kakainin sa lunch. Ayos makakatipid ako.
Nagpatuloy ako sa trabaho. Sa thursday ay may maternal shoot kami sa isang sikat na artista. Syempre gaya ng dati, kailangan gandahan para maraming kita. Kailangan namin ng target.
But so far naman maganda ang kita ng studio. Siguro dahil alam kong deserve namin 'yon. Dati kasi noong nagsisimula palang ang interes ko sa photography, I just wanted it to be hobby. Yung chill lang, walang pressure. Basta maganda lang yung IG feed ko at mapuno ko ng magagandang pictures yung wall of memories ko sa kwarto. I never had a plan to pursue it kasi baka sa una lang naman. Baka kalaunan, mawalan rin ako ng gana at tamarin na. But then as time goes by, instead mag-dim yung interest ko, parang mas lalong nag-apoy.
Then I realized, it's not just a simple interest anymore. It's like there's a flaming passion inside of me that I want to let out. It's like this passion is something that I want to turn into something that I will be proud of having someday. And then boom, it did. Yung simple interest ko, ito na yung nagpapasaya sa akin ngayon. Alam mo yung hindi mo mararanasang tamarin pumasok sa work kasi alam mong gusto mo yung ginagawa mo. Even when I feel so tired and then I saw my captured photos, I was like an idiot smiling while staring at it. Sa isip isip ko, "worth it."
I may be get tired physically, but my heart will never. These photos that I am capturing is someone else's prescious memories. And I'm glad to capture it. It's like you are part of their journey na kasi. Nakakaproud na part ka ng milestone nila. I really love my job!
"Ma'am pirma po," naputol ang iniisip ko nang pumasok si VJ. Iniabot niya ang isang envelop ang naupo sa harapan ko. Tahimik kong binabasa ang laman at nang mayari ay kinuha ko na ang ballpen bago pumirma. Aabutin niya na sana nang iiwas ko ito.
YOU ARE READING
Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)
RomanceCalys Medina is the most popular singer today. Among all the artist, he has the highest number of fans. He is known for having mysterious eyes but angel voice. His voice is what makes people in love with him. However, the famous photographer Alynna...