📖PROLOGUE📖

14 9 1
                                    

📖Amara's Tale
||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||

       

          MAY pagmamadaling umakyat ang ina ng labing-dalawang taong gulang na si Amara sa grand staircase, buhat-buhat siya. Inutusan ito ng kanyang ama na magtago sila sa isang kuwarto. Paano ba naman ay may ilang armadong kalalakihan ngayon na pinapaulanan ng bala ang kanilang bahay.
    "M-Mama, ano po ang nangyayari?" Takot na takot si Amara dahil sa matinding pangamba. Nasa loob na sila ng kuwarto na mabilis na ini-lock ng mama niya ang pinto.
    "Mama?"untag niya sa inang namumutla. Paroon at parito.

    Ilang sandali pa ay narinig nila ang tawanan ng mga lalaki sa labas. Sinasabi ng mga ito na patay na si Alorro, ang kanyang ama. Ngayon ay isinisigaw ng lalaki na may nakakakilabot na boses ang pangalan ng kanyang ina. Lumabas na raw sila dahil kahit na anong tago raw nila, mahahanap pa rin sila ng mga ito.
    "M-Mama..." Hindi na napigilan ni Amara ang miyak dahil sa takot na nararamdaman. Anytime, darating na ang mga lalaki at tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung anong klaseng pahirap ang gagawin ng mga ito sa kanilang mag-ina kung sakali na makapasok na ito sa pinagtataguan nila.

    "Kailangan mong mabuhay, anak," mayamaya ay sabi ng kanyang ina. Nagpunta ito sa drawer at may inilabas doon. Ibinigay ng kanyang ina ang isang music box sa kanya. "Itago mo 'yan at ibigay mo kay Randall Guevarra. Anytime ay darating na siya, okay? Tinawagan na siya ng papa mo kanina."
    "Tatakas po tayo?"
    "Hindi na ako makakasama sa iyo, anak," pilit ang ngiti pero umiiyak nitong sabi.
    "Pero bakit po?"
Hindi sinagot si Amara ng kanyang ina at nagpunta sa bedside table. Iniusog nito ang mesa.
    Ganoon na lang ang pagkamangha ni Amara nang makitang mayroon pa lang isang maliit na pinto roon. Lumapit ang ina sa kanya at pinapasok siya sa loob. Ang akala ni Amara ay masikip sa loob dahil makipot lang ang pinto, pero hindi pala. Maluwag doon. Tila pinasadya ang pagkakagawa niyon dahil gawa sa marmol ang buong paligid. May ilaw pa sa loob at mayroon ding ventilation. May nakita rin siyang ilang bag.

    Nagtataka na napatingin si Amara sa ina. "A-ano po ang mga ito?"
    Kimi itong ngumiti. "Alam namin na maaaring mangyari ito kaya winithdraw na namin ang mga pera sa bangko. Magagamit mo ang pera diyan, anak."
    "Mama..."
"Magtago ka rito. Huwag na huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay, naiintindihan mo, Amara?"
    "Paano ka po, Mama?"
    "Ako na ang—" Hindi na naituloy ng kanyang ina ang ibang sasabihin dahil narinig na nilang binabalya ng malakas na bagay ang pinto ng kuwarto kung saan sila naroon.

    "Wala na akong oras, anak. Basta huwag kang mag-iingay. Huwag kang lalabas dito kahit na ano ang mangyari. Kahit na ano pa ang marinig mo ay tumahimik ka lang, okay? Hintayin mo si Randall,"bilin ng ina at isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya.

    "I love you, anak... Sana, magkita uli tayo..." Muli, napaiyak ito.
    Pagkatapos siyang halikan sa noo ay isinara na nito ang pinto. Narinig pa niya ang pag-lock niyon mula sa labas. Narinig din niya ang langitngit nang muling pag-usog ng mesa upang matakpan ang secret door na kinaroroonan niya.

    Sumigaw si Amara sa loob at pilit na pinipihit ang knob ng pinto pero kusa rin siyang tumigil nang marinig ang ilang putok ng baril sa pinto, pati ang pagbagsak niyon, palatandaan na bukas na ang pinto. Narinig din niya ang pagtili ng ina at ang pagmamakaawa nito.

    "Nasaan na ang memory card na itinago ng asawa mo?"
    "H-hindi ko alam... Bitiwan mo ako..."
"'Yong bata... Nasaan na ang anak mong babae?"
    Natuptop na lang ni Amara ang bibig. Tulad ng sabi ng ina, hindi dapat siya mag-ingay upang hindi malaman ng mga lalaki na naroon lang siya.

    "W-wala na siya. Pinatakas ko na."

    "Sinungaling. Alam kong nandito pa siya!"
Narinig ni Amara na tila may ibinalibag sa sahig, kasunod niyon ay ang pagtili ng ina. Pagkatapos ay ilang putok ng baril. Ilang sandali pa ay hindi na niya narinig pa ang boses ng ina. Napaiyak na lang siya at hindi napigilan ang mapahikbi nang malakas.

    "Saan galing iyon?"

    Sa sobrang lakas ng paghikbi ni Amara ay narinig tuloy ng mga lalaki sa labas ang boses niya. Pilit niyang pinatahan ang sarili. Ilang sandali pa ay may narinig siyang mga yabag at mga binubuksang pinto ng aparador. Hinahanap na siya ng mga lalaki. Mayamaya pa ay narinig niyang iniusog ang mesang nakatabing sa secret door.
    Parang umikot ang sikmura ni Amara sa kaalamang nahanap na siya ng mga salbaheng lalaki.

    "Boss! May pinto rito. Naka-lock!"
    Nanlaki na lang ang mga mata niya habang nakatitig sa knob ng pinto. Pinipihit iyon nang marahas, anytime ay mabubuksan na.
         Pilit niyang isinisiksik ang katawan sa gilid na para bang sa pamamagitan niyon ay makakapagtago pa siya. Tutop pa rin niya ng kamay ang bibig. Sinisi niya ang sarili. Kung hindi sana siya nag-ingay, kung hindi sana siya umiyak, hindi sana siya hahanapin ng mga lalaki.
    Mamamatay na siya ngayon.

    "Barilin mo! Baka nasa loob ang bata!" utos ng lalaking may nakakakilabot na boses.

    Nanginig ang katawan ni Amara. Napapikit na lang siya sa nalalapit na kamatayan. Pero mukhang hindi iyon matutuloy dahil narinig niya mula sa labas ang ugong ng police mobile.

    "Boss! May parak!"

    "Shit! Kailangan na nating makaalis!"

    Narinig ni Amara ang papalayong yabag habang siya ay stiff pa rin sa kinauupuan. Hindi niya makayang gumalaw. Ang sumunod na pangyayari ay hindi na niya alam dahil nawalan siya ng malay.

||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||

  A/N: Masakit talaga kapag namatayan ka, lalo na ay Ina o Ama mo ito...

—binibiningxiana_manunulat

📖AMARA'S TALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon