📖Amara's Tale
||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
Kindly play the music...
🎧MUSIC PLAYING...🎶
(Lovely- Billie Eilish ft. Khalid)(Kung meron kayong music/song na ganito ay i play niyo na habang binabasa ang CHAP. 0NE..)
Ⓣⓔⓝ ⓨⓔⓐⓡⓢ ⓛⓐⓣⓔⓡ........
NAKATITIG si Amara sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan na pumapatak mula sa maitim na kalangitan.
Napabuntong-hininga siya. Ganitong panahon din nang araw na pinatay ang kanyang ama at ina. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil noon lang siya natakot nang husto. Tuwing maaalala niya ang pangyayari, hindi niya maiwasan ang malungkot kasabay ng panunumbalik ng lahat ng negatibong pakiramdam.Dati, gustong-gusto niya ang ulan. Naaalala niya noong bata siya, mahilig siyang maligo sa malakas na buhos ng ulan. Pero mula nang mamatay ang mga magulang ay isinumpa na niya ang ulan. Ang kulog at kidlat ay palaging nagpapaalala ng pangit na nakaraan. Para bang may natural na kuryente na dumaloy sa ugat sa utak niya kaya malayang nag-flashback sa isip ang huling pangyayari bago pinatay ang mga magulang. Ang bawat pagpatak naman ng ulan ay nagpapaalala sa kanya ng mga putok ng baril na naging dahilan upang maaga siyang maulila.
Naiiling na isinara ni Amara ang kurtina at umupo na lang sa upuang kanina ay tinutuntungan. Kung may kapangyarihan lang siya na patigilin ang ulan, ginawa na niya. Pero wala. Isa lang siyang ordinaryong tao, mahina at duwag.
"Amara, sabi ko na nga ba't nandito ka lang."
Lumapit sa kanya si Sister Teresa. May kasama itong lalaki na ngayon ay kinakawayan siya. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangiti nang makalapit na ang mga ito."Hinahanap ka nitong si Randall." Tumango lang siya bilang sagot.
"O, maiwan ko na kayo, ha?"Nang mawala na si Sister Teresa ay saka umupo sa tabi niya si Randall.
"Sabi ko na nga ba't maaabutan kitang malungkot na naman," bungad nito."Naalala mo na naman ba sila?"
"Hindi naman agad na mawawala iyon, Randall. Nasa puso at isip ko pa rin ang mga nangyari noon."
Bumuntong-hininga ang lalaki, pagkatapos ay sumandal sa kinauupuan.
"Wala na sila, Amara. Matagal na silang patay." Tama ang binata.Si Randall ay secret agent na katulong ng kanyang ama noon sa pag-iimbistiga kay Tomas Faustino. Ang binata rin ang tinawagan noon ng kanyang ama upang puntahan sila. Nang araw na pinatay ang mga magulang niya at nang hinahanap silang mag-ina ng masasamang-loob, saka dumating ang mga pulis. Hindi na niya maalala ang nangyari pagkatapos niyon dahil nawalan na siya ng malay. Nang magising siya kinabukasan ay nasa ospital na siya. Pero ayon sa kuwento ni Randall, naabutan daw ng mga ito ang mga suspect na patakas. Hinabol daw ng mga ito ang masasamang-loob na sakay ng kotse, pero nabangga ang kotse. Sumabog ang kotse kung saan nakasakay ang mga suspect, at nang suriin, lumabas sa forensic report na si Tomas Faustino ang isa sa mga bangkay na naroon.
Si Tomas Faustino ang isa sa mga tanyag na pulitiko sampung taon na ang nakararaan, pero may nakitang anomalya sa pamamalakad nito. Gobernador ito sa probinsiya ng Quezon. Balita sa isang bayan doon na talamak daw ang ilegal na pasugalan at droga na kapag gusto raw ng tao na tumikhim niyon, bibili na lang daw sa tindahan at walang hirap na makakakuha agad. Kaya naman inimbestigahan iyon ng kanyang amang si Alorro Soriano. Ang kanyang ama ay isang magaling na abogado noong araw. Marami itong naipanalong mga kaso at ang ilan sa mga napatunayan nitong guilty sa iba't ibang kaso ay mga kilalang personalidad mula sa industriya at pulitika. Kaya hindi kataka-taka na ang isang paa ng kanyang ama ay nasa hukay na.
Nang matapos na ang kanyang ama sa pag-iimbestiga sa kaso ni Tomas, napatunayan nito na guilty ang lalaki. Handa na ang lahat ng ebidensiya laban sa pulitiko. Pero isang gabing umuulan, biglang may ilang armadong lalaki na biglang pinaulanan ng bala ang kanilang bahay.
Naalala ni Amara na may ibinigay sa kanya ang ina. Isang music box. Kalaunan, nalaman niyang sa ilalim niyon nakatago ang isang memory card. Doon nakalagay ang lahat ng files para masakote si Tomas at ang mga kasamahan nito. Nagamit iyon ni Randall sampung taon na ang nakakaraan upang bigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang niya.
Napatingin na lang si Amara nang maalala ang kanyang ina, pero kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha. Iyon na kasi ang huling beses na nakita niya ang ina, noong itinago siya nito sa secret hideout. Ang huli na lang niyang narinig ay mga putok ng baril. Sunod-sunod, tila wala talagang balak na buhayin ang biktima.||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
Susmaryosep nakalimutan kong Valentines Day pala kahapon...
Belated Happy Valentines Day, IONS!!—binibiningxiana_manunulat
BINABASA MO ANG
📖AMARA'S TALE
RomanceHi, IONS at sa mga co-readers and co-writers!! Sana po ay bigyan niyo po ng oras na basahin ang unang istoryang ginawa ko.. Maraming Salamat, Foe!! 📖-binibiningxiana_manunulat