📖Amara's Tale
||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
The Continuation..........
Kinabukasan nang magising siya, wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Dumaan din siya sa matinding depression at nagkaroon ng traumatic mutism. Halos taon din siyang hindi nakapagsalita. Mabuti na lang at nasa tabi niya si Randall, palagi siyang kino-comfort at binibigyan ng positive thought. Palagi rin siyang sinasamahan ng binata noon sa mga therapy session. Ito ang nag-alaga sa kanya at nagpakita ng pagmamahal na kailangan niya.
Kaya heto siya ngayon, nalagpasan ang depression. Gamit ang perang iniwan sa kanya ng magulang, nag-aral siya at nakapagtapos ng kursong Education. Ang natira na pera ay idinonate niya sa bahay-ampunan. Naging mas malawak ang solar dahil nabili nila ang katapat na lupa. Nagkaroon ng mini playground at isang di-kalakihang eskuwelahan; nagkaroon din ng extension kung saan nagpatayo ng isang apartment-type building para sa mga madre at mga resident teacher ng orphanage. Malaki rin ang utang na loob ni Amara kay Randall dahil ito ang nakakita sa kanya noon sa secret hideout. Ayon sa kuwento ng binata, alam nito ang tungkol sa secret hideout dahil kasama itong nagplano upang magawa iyon. For safety sana ang secret hideout na maaari nilang magamit. Pero napaaga nga lang na natunton ang pamilya nila ng grupo ni Tomas.Sa ngayon, ligtas na siya sa panganib. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, dinala siya ni Randall sa Saint Jerome Orphanage, isang bahay-ampunan para sa mga ulila na tulad niya. Wala na kasi siyang ibang kamag-anak na maaaring kumupkop sa kanya. Ang bahay-ampunan na ang naging tahanan niya. Kailanman, hindi siya umalis ng ampunan at naging isa sa mga nagtatrabaho roon bilang resident teacher. Masaya siya roon, lahat ay halos kaibigan at pamilya na rin ang turing sa kanya.
"Tama, wala na sila kaya hindi na ako dapat na matakot," mayamaya ay sabi ni Amara.
"Saka, nandiyan ka naman para palaging protektahan ako, 'di ba?" malambing niyang dugtong.Ngumiti si Randall, pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at bahagyang pinisil.
"Yes, lagi kitang poprotektahan. Parang kapatid na ang turing ko sa'yo kaya hinding-hindi ako aalis sa tabi mo."
Kimi lang na ngumiti si Amara. Pero ang totoo, nagdaramdam siya.
Bakit ba hindi mapansin ni Randall na hindi kapatid ang turing niya rito? Hindi ba nito napapansin ang mga pahiwatig niya? O baka napapansin naman pero binabale-wala lang dahil sa agwat ng edad nila? She was twenty-two, while Randall was thirty-two. May difference ba?Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung kailan nag-umpisa ang nararamdaman niya para sa lalaki, basta naramdaman na lang niya. Sa araw-araw na nagdaan ay unti-unting nahuhulog ang loon niya rito. Sweet kasi si Randall at magaang kausap. Tuwing special day niya ay palagi itong naroon at hindi pumapalya na bigyan siya ng regalo o kaya greeting cards. Natutuwa rin siya dahil ang bawat regalo na ibinibigay nito ay handmade, pinaghirapan at alam niyang galing sa puso. Hindi niya alam kung bakit ganito magbigay ang lalaki pero naa-appreciate talaga niya. Kaya siguro nahulog ang loob niya sa lalaki. Ang kaso, sa sampung taon nilang magkakilala, hindi man lang niya nakitaan si Randall ni katiting na interes sa kanya bilang babae. Palagi lang siyang nakikita bilang isang nakababatang kapatid. Isang kaibigan.
Pero hindi masisi ni Amara ang lalaki. Ayon sa kuwento ni Randall, may nakababata itong kapatid pero lalaki rin. Noong bata pa raw si Randall, hiniling nito sa ina na sana ay magkaroon ito ng kapatid na babae; gusto raw nitong maging superhero. Ang kaso, hindi na nabiyayaan ng anak ang ina nito. Siya na lang ang itinuturing nitong kapatid na babae.
"Hey, tumila na pala ang ulan," mayamaya ay sabi ni Randall pagkatapos hawiin ang kurtina sa bintana.
Napasilip din si Amara sa labas. Wala na ngang ulan. Maliwanag na ang kalangitan at di-kalayuan ay may rainbow. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita ang iba't ibang kulay ng bahaghari. A rainbow always signified a good day ahead. Para bang ang masamang pangyayari sa nakaraan niya ay hanggang nakaraan na lang at hindi na mababalikan pa. Hindi na babalik pa ang masasamang taong iyon sa buhay niya dahil matagal nang wala ang mga iyon. Ngunit ang negatibong damdamin na nag-iwan ng malalim na lamat ay hindi na mabubura kahit kailan."Anyway,gusto ka palang makita ni Mama. Iniimbitahan ka niya na mag-lunch sa amin tomorrow. Aalis na kasi siya sa susunod na araw dahil kailangan niyang asikasuhin ang business namin sa Palawan. Puwede ka ba?"
Napangiti si Amara nang maalala ni Rionara Guevarra, ang ina ni Randall. "Tita Rio" ang tawag niya sa ginang.
Mabait sa kanya si Tita Rio at napakagiliw. Tuwing naroon siya sa bahay ng mga Guevarra ay hindi niya maramdaman na naiiba siya. Parang anak ang turing ng ginang sa kanya."Sige, gusto ko."
"Great." Isang nakakatunaw na ngiti ang ibinigay ni Randall sa kanya.Ah.... paano ba siya hindi mai-in love sa lalaking ito?
Si Randall ay isang tunay na superhero, isang prinsipe tulad sa mga fairytale book na binabasa niya noon. He was so perfect.
||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
••End Of Chapter 0ne••
Waaaaaahh, jusko bat ba maraming guwapo sa mundo?!
Nga pala anong gusto niyong fairytale book??
—binibiningxiana_manunulat
BINABASA MO ANG
📖AMARA'S TALE
RomanceHi, IONS at sa mga co-readers and co-writers!! Sana po ay bigyan niyo po ng oras na basahin ang unang istoryang ginawa ko.. Maraming Salamat, Foe!! 📖-binibiningxiana_manunulat