📖Chapter Two📖

6 4 0
                                    

📖Amara's Tale

||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||

          KINABUKASAN, maagang gumising si Amara upang makapag-ayos agad. Susunduin siya ngayon ni Randall upang sa bahay nito mananghalian. Humarap siya sa full length mirror at inayos ang suot na blouse. Nagpaikot-ikot pa siya upang makita kung maayos ba ang kanyang hitsura.

    "Jusko, hija, napakaganda mo na. Hindi mo na kailangang magpaikot-ikot diyan," natutuwang sabi ni Sister Teresa na hindi niya napansing nakapasok na pala sa kuwarto.

    Nakangiting nilapitan ni Amara ang madre na nasa sixty na ang edad at nagmano. Si Sister Teresa ang isa sa mga madre na nag-alaga sa kanya noong bagong dating siya sa bahay-ampunan. Naging matiyaga ito sa kanya noong nasa depression siya. Kahit tahimik siya noon at hindi kinakausap ang sinuman, palagi lang itong nasa tabi niya. Kaya naman nang gumaling siya, si Sister Teresa na ang itinuring niyang ina at ito naman ay itinuring siyang isang anak.
    "Gusto ko lang po kasi na maging maganda mamaya kapag dumating na si Randall."
    Napangiti ang madre. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil.

    "Ang batang ito, oo. Parang kailan lang ay nagpapakarga ka pa kay Randall. Ngayon ay iba na ang damdamin mo sa kanya."

          "Mabuti pa po kayo, Sister, napapansin n'yong may gusto ako sa kanya. Pero si Randall... hindi niya ako napapansin." Napanguso siya.

    "Kapatid lang talaga ang turing niya sa akin."

    "Alam mo, hija, may mga bagay sa mundo ang maraming katanungan. Sa tingin mo, bakit hindi napapansin ni Randall na may gusto ka sa kanya?"

    "Kasi hindi ko po sinasabi?"

    "Isa 'yon sa mga dahilan, pero may iba pa at na kay Randall ang sagot na iyon."
    Hindi naintindihan ni Amara ang sinabi ng madre.
Lihim na lang siyang napailing. Minsan talaga ay may sinasabi si Sister Teresa na sobrang lalim na tipong matagal bago niya maintindihan. Pero pasasaan ba at malalaman din niya.

    Ilang sandali pa ay nag-vibrate ang niya.
Natuwa siya nang makitang si Randall ang caller. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
    "Where are you? I'm already here," anang lalaki.
"S-sige, bababa na ako." Pagkatapos makipag-usap dito ay nagpaalam na siya kay Sister Teresa at mabilis na lumabas sa kuwarto. May ngiti sa mga labi na bumaba siya ng hagdan. Pero mabilis na nawala ang kanyang ngiti nang makita sina May at Mary na nakikipagkuwentuhan kay Randall sa waiting area. Pinagitnaan ng dalawang babae si Randall, nakayakap pa ang mga braso sa braso ng lalaki.

    Napasimangot na lang si Amara. Mga kababata niya sa ampunan sina May at Mary, mga ulilang lubos na rin at tulad niya ay resident teachers din doon. Malaki ang inggit sa kanya ng dalawa. Madalas siyang i-bully ng mga ito noon pero nang labanan niya ay nagsitigil naman. Iyon nga lang, masama pa rin ang timpla sa kanya, na lalong nadagdagan dahil kay Randall. Mas nainggit ang dalawa dahil siya lang ang pinapansin ni Randall, may gusto rin kasi sa binata kaya malaki ang pagkainis sa kanya.

    "Amara." Sa wakas ay napansin na siya ni Randall.
"Excuse me, girls, ha?"
    Tumayo na ang binata at nilapitan siya.
"Shall we go?"
         Tumango lang siya bilang sagot at napatingin kina May at Mary na kapwa masama ang tingin sa kanya. Lihim na lang siyang napailing.

||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||

To Be Cont.

      Mention your Crush na, ohhhhh.😅
Sorry kung short lang yung update ko!!

—binibiningxiana_manunulat📖
      

📖AMARA'S TALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon