Biology...
Naaamoy na ang simoy ng kape sa malayo.
Masayang pumasok si Merck na may dalang ruler at biology textbook habang may venti size ito na iced coffee galing CBTL. Natahimik ang buong klase, pati yung mga nagluluto sa bandang likod ng classroom. Dahan-dahang pinihit ni Jolo and airfryer para patayin habang pinapawisan ng malamig, habang di alam ni Harold kung iplaplating pa ba nya yung isdang hawak nya.
"Don't worry class, magpapakilala lang ako, then ieendorse ko tong librong hawak ko kasi effective sya." Ang sabi ni Merck na muntikan na labasan ng kape sa ilong kasi nasobrahan sya ng lagok, "By the way I just sent it nalang sa emails yung files that you might need kasi kelangan sya sa next meeting naten."
Pinatong nya ang kape nya doon sa taas ng whiteboard nila para di maabot ng Tumblr girls at ipangselfie. Tapos naglabas ito ng kartolina at nagpakilala. Masalimuot ang texture nito pero maganda ang handwriting sa ibabaw.
"I will be your teacher in Biology. Gusto ko lang sabihin na goodluck sa ating subject and marami tayong pagdadaanan." Sinimulan nya, "Merck Santia is the name & coffee and tea is my game. Feel free na magdala ng pagkain, by the way mukhang masarap yung isda nyo. Sakto may lutuan ding magaganap this week ang pagkakaknows ko. This book will be what I will be requiring pala, nakapaloob na rin kasi dito yung magiging starting lesson nyo hanggang conclusion. Dual purpose na rin sya dahil nung pinukpok sya saken ay medyo ouchy, so it's also considered a self-defense weapon."
"Sir! Anu-ano po ang activities for example?" tanong ni Jolo na muntikan na matapon ung tamarind sauce sa lapag.
"We will have hiwaan and St. Peters magic in the middle of the school year, kaya I suggest you make those mini kabaongs for the small fwogs and dagang bukid."
"YES MAKAKAPAGLUTO NA REN AKO ULIT NG PALAKA!"
"Wait wha- NO-"
Sa kabilang banda ng building ay bumahing si Howard.
-----
"HELLO MY FRIENDS! WELCOME SA CLASS KO! ay puta masyadong energetic, wait anu ba sasabihin ko." Nagrereherse si Ver ng introduction nya sa empty classroom, "teka nga irephrase ko nga yun."
Pagkatapos ng 10 minutes ng pagrerehearse habang 0 paren ang resin nya sa Genshin ay pumunta na ito sa classroom. Medyo nagulat sya sa mga nangyayari sa loob ng classroom kaya iba ang nabukambibig neto sa kanila.
"HELLO MGA BATA!" sabi neto na medyo pang cookie monster ang boses, "ay pota wala na finish na."
Umupo nalang ito sa gitna ng table at nagpakilala, kahit may upuan naman charot.
"Ako pala ang magiging titser nyo sa riserts. I am Ver Mira, at nagtapos ako sa ADMU" ang pagpapakilala nya.
"Sir ano pong course?" tanong ng student no. 1
"Obstacle course. dejk lang gagu walang ganon."
Meanwhile sa likod:
"Hala ka Jolo yung isda naten natago mo ba ng mabuti?" tanong ni Harold na naglalagay na ng pang garnish sa Lasagna.
"Ha- o shit nandyan na si sir asdljsadkaslhfaslf." Medyo nag internal screaming si Jolo at nalagyan tuloy ng chocolate ganache yung ibabaw ng adobo, "ᵖᵘᵗᵃⁿᵍⁱⁿᵃ ano na gagawin ko."
"ᴴᵃˡᵃ ᵖʳᵉ ᵇᵃᵏᵉᵗ ᵐᵒ ⁿⁱˡᵃᵍʸᵃⁿ ⁿᵍ ᶜʰᵒᶜᵒˡᵃᵗᵉ ʸᵘⁿᵍ ᵃᵈᵒᵇᵒ?!"
"ᴵᵏᵃʷ ᵏᵃˢⁱ ᵍⁱⁿᵘˡᵃᵗ ᵐᵒ ᵃᵏᵒ ʸᵃʷᵃ ᵏᵃ!""May I know what's happening at the back, boys?" tanong ni Ver na nacucurious.
Pagkakita nya sa adobong manok na may chocolate e nagplay sa utak nya yung distorted version ng Le Festin. Di nya alam kung magpapanggap nalang sya na walang nakita ang kanyang mga mata o titikman nya ito.
Ginawa nya yung pangalawa syempre.
"sIR WHAT ARE YOU DOING-"
BINABASA MO ANG
Unibersidad ng Lambanog
FanfictionSamahan si Sosa atang kanyang mga titsers sa kanilang jurni tu the center of hel---