C2

3 1 0
                                    

"Kaya ko kayo pinapunta dito lahat kasi ano..." sabi ni Sosa na pasuspense.

Lahat ng titsers ay nakatingin sa kanya na gustong malaman kung anong sasabihin nya. Siya ang head ng school (punyeta) kaya mukhang mahalaga ang gusto nyang sabihin.

"Wala lang... Gusto ko lang kayong makitang lahat!" ang dugtong nito, "Welcome sa Unibersidad ng Lambanog! Nawa'y maging maganda ang experience nyo dito kasi maganda naman talaga!"

"Pero sir, baket 13 lang kami?" Tanong ni Howard kay Sosa, "Diba may isa pa pong subject?"

"Oo, pero napatagal ang padala ng Customs kaya di pa sya makadating dito."

"Wait.... Kinahon po sya?"

"Syempre oo, pero nahinga pa naman kaya don't wori bi hapi! Any questions?"

Nagtaas ng kamay si Dex na may suspense din.

"Pwede po ba magbenta ng iligal?" Tanong nya.

"For a second thought, mas mabuting di nalang kayo magtanong." Sabi ni Sosa na gusto nalang matulog.

-----

Nagklase si Vaeda sa grade 10 ng moosic dahil kelangan sa requirement ng mga students na matuto na kahit isang instrument (piano, drums, guitar, bass, violin, and flute). Ang mga istudyante nya ay tuwang-tuwa naman dahil sila ay tutugtog na ren sa wakas.

"Oi mga bata dahan-dahan lang sa paghahandle ng instruments, galing pang Austria yung violin dyan." Sabi nya sa mga ito, "Owen, yung drums dandahanin mo lang ha, nakasira ka ng cymbals last time nung tumugtog ka ng rock songs."

"Noted mam!" Sabi ni Owen na nasa studio na, "Heavy Metal naman!"

"POTA WAG!"

-----

Sa isang banda, si Dex naman ay magtuturo ng entrepreneurship. Pagkatapos nyang magyosi sa isang gilid ay pumasok na sya sa loob ng klasrum.

"Okay class good morning." Panimula nya, "Ako si Dex Strada. I will be your teacher in entrepreneurship subject. I expect everyone to participate in my class. 90% is class participation anyways."

Nakatingin sa kanya ang mga istudyante na namamangha na natatakot.

"Tuturuan ko kayo magbenta."

Sila ay lumunok.

"ng ilegal."

Sila ay masayang nag "YES" dahil maganda raw ito na sabjek.

"Mukhang wala akong problema sa mga istudyanteng ito." ngiting naisip ni Dex.

-----

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ni Dex ay klase naman ni Jou na medyo hindi naman nasurpresa na high mga students nya. Kilala nya na kasi si Dex noong head pa ito ng mafia sa Cavite, at kapitbahay nya lang din si Dex.

"O ikaw pala Jou, ikaw ba ang sunod na subjek titser?" tanong nito kay Jou na parang akala mo walang nangyari.

"Ay oo ako nga pre, hindi naman ako ganoon kaaga nandito kaya dun wori." sabi ni Jou kay Dex na may binubunot sa attache case.

"Eto pala yung papeles na pinaasikaso mo saken, wag mo na bayaran kasi marami na ako masyadong pera."

"Ay sige ikaw bahala."

Pumasok na sa klasrum si Jou at naamoy nya ang pamilyar na amoy ng usok. Para sa sariling kaligtasan ay nag facemask din naman sya.

"Hay punyemas sana di ako mapariwara." sabi nito sa sarili habang naghahanda ng mapa ng pilipinas.

Mahaba-haba ang araw, parang si ano, charot. Kaya aabangan pa naten ang pinagkakaabalhan nila.

Unibersidad ng LambanogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon