Medyo maulan sa Maynila ngayon.
Nagdesisyon si Kurt na ito ang tamang araw para sa..
.
.
.
.
.
."Kaliwa! Kanan! Kaliwa!" sigaw nya sa mga istudyante nyang mga bugok, "o IKAW BAKET WALA KA SA TEMPO, MARCHA NG MAAYOS. MAKE IT SNAPPY!"
Ayun nga, pinagmarcha nya ang mga students kahet umuulan para daw sulit dahil diretso swimming sila pagkatapos ng C. A. T. nila. Kahit labag ito sa kanyang kalooban ay tinanggap nya ren ang subject na to dahil para din naman sa kanila iyon (waw nagkaroon sya ng pake sa ibang tao himala my frend) at para ren sa sweldo nya. Dispac2, I mean, dispiradu na syang mamat-
-yag ang kapayapaan sa Pilipinas.
Matapos ang C. A. T. nila ay diretso sila agad sa locker room at nagpalit ng pang swimming. Si Kurt naman ay todo weird flex ng kanyang "muscles" habang walang nakatingin, kaso ang di nya alam ay naglaway ang ibang students nya sa kanya (yak sis anu ba yan sis ang kalat mo naman sis)
"OMG Hestia tignan mo yon o, ang laki ng muscles!" sabi ng isang istudyante.
Nagkataon naman na pupuntahan ni Jou si Kurt para tanungin kung saan nya nilagay yung sinulid nyang kulay asul na medyo makintab.
"p're ch0ng, nakita mo ba yung sinulid kong--" napatigil siya sa kanyang nakita.
Hawak hawak ni Kurt ang sinulid nya at tinatahi nito ang swimming trunks nya na walang pakinabang at wag nyo na itanong kung baket pa nya ginahamit yon kahit marami naman syang perang pambili. Ang kanyang balat ay basa ng pawis at tubig galing sa shower dahil ganon sya kabuang.
"--asul..." napaisip nalang si Jou kung bakit sa dinami-dami ng araw e ngayon pa sya minalas ng bahagya.
"o baKET KA TUMITINGIN!?" Tanong ni Kurt kay Jou na nataranta bigla e kala mo naman may makikita ka sa kanya.
"e baKET KASI DI KA MAN LANG NAGPAALAM SAKEN NA GAGAMITIN MO YAN!?"
"ABA ABA U STARTIN' TO RAISE YOUR VOICE ON ME!"
"ABA PUTANGINA WAG MO AKONG INIINGLES DI AKO ENGLISH TEACHER SA SCHOOL NA 'TO!"
Di napansin ni Jou na kinuha ni Bord ang sinulid habang sila ay nag-aaway kaya isang round ng WWE wrestling ang inabot nila.
-----
Iba ang amoy ng Pilipinas kesa sa kanyang kinagisnang kapaligiran (waW).
Si Marcos ay bumaba galing sa kanyang sinakyan na mamahaling Limousine at nagpagpag ng coat nya at sinuot ito. Pinagtinginan sya ng mga staff ng school at ang iba ay hinimatay.
Hindi nya alam kung bakit sya ang napili ni Sosa pero ayaw nyang magreklamo kasi sakit lang iyon sa ulo. Umakyat sya papuntang 2nd floor at kumatok sa office ng faculty.
"O-oh, hi mister Fleurs!" ang nasabi lang ni Faizal, "y-your seat is here beside Jou's desk!"
"...Thanks.." reply nya na parang kala mo nakikipag-usap via Yahoo na makaluma pa ang layout.
Isa ng blessing kay Faizal ang marinig ang boses nyang may pagka businessman type (oo pre). Kala nya ay binuhusan sya ng mainit at nagbabagang ginto na sobrang kinang pag tinapat sa araw.
Umupo ito at inilagay ang attache case sa mesa. Hindi pa nya talaga official na klase pero nagdesisyon syang maglibot paikot ng eskwelahan. Di sya mapakali kasi naninibago pa sya.
Malaking pagbabag0 talaga kach1ng.
BINABASA MO ANG
Unibersidad ng Lambanog
FanfictionSamahan si Sosa atang kanyang mga titsers sa kanilang jurni tu the center of hel---