"Ay takte klase ko na pala!" sabi ni Ivan sa sarili nya, "pero first day lang naman kaya I will go easy on them. Makapagdala nga ng unan."
Tinatamad na lumakad si Ivan papunta sa klasrum kung saan dapat sya nagtuturo. May dala syang unan dahil first day lang naman muna. Pumasok sya habang naghihikab.
"Hello guys *yawn*" ang pagbati ni Ivan sa mga istudyante nya, "I am Ivan Pez and nice to meet you all. Free time muna tayo ngayon since I want you to know each other na. For now, Imma sleep na."
At natulog sya sa desk nya syempre. Para san pa ung unan?
"Gigisingin ba naten si ser?" Tanong ni Jolo kay Harold.
"Wag na uy, naminusan na tayo ni ser Ra kaya may troma na ako." sagot ni Harold kay Jolo.
Sa buong oras ay tulog lang talaga si Ivan kaya masaya ang stodents na nagritwal sa klasrum.
Nananaginip si Ivan ng tungkol sa buhay nya noong past life nya. Masayang masaya daw sila ng kanyang mga friends na nagtatakbuhan sa isang farm at pawang wala silang inaalala sa buhay.
Ang downside lang is mga tupa pala sila sa panaginip. Nagising nalang siya nung ginising sya ng istudyante nya dahil magoovertime na sya. Umalis siya sa klasrum at dali-daling pumunta sa faculty upang matulog ulit pagkatapos magkape.
"Punyeta talaga." sabi ni Ivan.
-----
"Ay putangina- sorry guys kala ko mga customer ko!" sabi ni Howard habang may hawak-hawak na kawali at kutsilyo, "Madalas kasi sila napunta dito tapos may mga siga na gustong magnakaw ng ulam e, pagpasensyahan nyo na ako."
Ito si Howard. Sya ang cookery teacher dahil balita daw nila ay nag aral to sa Germany ng pagluluto at isa sa mga top chef, pero mas pinili nya maging titser sa pinas dahil mas gusto nya dito.
"Hello guys my name is Howard and ako ang magiging cookery teacher nyo." Panimula nito, ngunit nakita nya si Harold na kinukuha ang bawang, "Ang humawak ng ingredients panget! Huy joke lang sige, feel free to demonstrate me your cooking skills dahil igegrade ko rin yan."
At nagluto nga sila. Pagkatapos ng hiwaan at madugong pagluluto ay pinatikman nila ito kay Howard.
"So Jolo, ano ang iyong inihain?" tanong nito kay Jolo.
"Kahel de la krukru po." sabi ni Jolo na proud na proud sa kanyang ginawa.
Tinikman ito ni Howard na sarap na sarap naman sa kanyang kinakain. Natanong naman ito kung baket may krukru ang dulo hanggang sya ay magsuspitsya na.
"Kahel de la-- ay wait parang antigas ng isang karne, anong karne ito Jolo?"
"Palaka po."
At simula non ay di nya na kayang magtiwala sa students nya.
-----
"h0y nasan naba ung iba!" sigaw ni Franc sa isip nya. Kulang pa ng isa ang istudyante nya kaya sya ay nagaalboroto na parang bulkang Mayon, "Nasaan na yung dalawa!"
"Sir sori wi ar leyt," sabi ni Harold at Jolo na hingal na hingal kasi nakipaglaro pa sila sa chihuahua ni Sosa.
"wAg ny0 akong ingles inglesin sa baYan ko pUNYETA. Baket amoy aso kayo, first day na first day!"
"Sir, yung alaga po kasing chihuahua ni ser Principal hinabol po kami hanggang 3rd floor tapos pababa ule."
"Ay diusko kala ko ako lang, ay sige maupo muna kayo at magsastart na ako magturo."
Si Franc naman ay isang Filipino teacher, kaso sobrang mahal nya naman ang bayan nya. Minsan ay tinanong na ren ni Vaeda kung baket di nalang sya magsundalo, e nakakapagod daw at pede namang virtual game nalang sa Call of Duty para maiganti tayo sa mga mananakop na mga amerikan0.
*insert Spanish guitar sound effects*
Nagturo sya ng iba't-ibang slang dahil sya ay dakilang millenial na mahilig gumamit ng "Lmao ka pre" at "XD".
(INSERT LONG DISCUSSION HERE)
Tapos ayun, tapos na sya magdiskas.
Pumunta na si Franc sa faculty para magbasa ng Filipino text books at maging s i m p.
BINABASA MO ANG
Unibersidad ng Lambanog
FanfictionSamahan si Sosa atang kanyang mga titsers sa kanilang jurni tu the center of hel---