Chapter 78: Caring

35 5 1
                                    

Chapter 78: Caring

Zavriel's Pov

*Alarm rings*

I immediately turned off my alarm when it rang. It's too noisy!

I got up on bed and stretched my arms.

It's already 7 in the morning and I don't have any  idea what time did Khiena got home last night. I don't even know where she went.

*Yawn* "I should make breakfast now"

Tumayo na ako at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako ng damit na pang-alis dahil pupunta ako ngayon sa modeling company since may photo shoot ako ngayon.

I got out of my room and headed towards the kitchen. 

I was about to prepare our breakfast when suddenly, I heard a yell coming from Khiena's room.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!"

I ran towards her room and knocked on her door first. "Misa? Are you okay? I heard your shout" Idinikit ko ang aking tenga sa kanyang pinto at narinig ko ang kanyang paghikbi. "Oy Misa---Khiena! What's going on?"

I'm worried for her. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Why did she yell and now, why is she sobbing?

"Ang sakit! Ang sakit! Waaaaahhh Ang sakit!"

"I'm coming in" I said at binuksan ang pinto para pumasok. "Khiena what's going on---" I was cut off when I saw her on her bed, squirming in pain.

Nakahawak siya sa kanyang puson at halata sa kanyang mukha na sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kanyang balikat. "Hey Khiena---" I was again cut off when I saw stains of blood on her bedsheet.

I heaved a deep sigh. "I'm gonna prepare a hot bath for you. Stay there first"

"Of course I'll stay here! Makaalis pa kaya ako sa lagay na to?!" kahit na namimilipit na siya sa sakit, nagawa niya pa talagang magsabi ng ganyan? Tch.

Pumunta ako sa banyo na nandito sa kwarto niya at inayos ang kanyang bath tub. I also made sure that the water on the tub wasn't too hot, nor too cold.

Pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya at isinabit iyon dito sa loob ng banyo para kapag tapos na siya ay magtutuwalya na lang siya at pumasok na lang siya sa walk in closet niya.

The walk in closet is connected to the bathroom. May pinto dito sa loob at iyon ang para sa walk in closet niya. 

Nang maready ko na ang banyo ay lumapit muli ako sa kanya. "Your bath is ready. Kaya mo bang tumayo ngayon?" I asked.

Then she whispered. "I can barely move"

Naintindihan ko naman ang kanyang sinabi kaya't binuhat ko na lang siya.

"H-Hoy Usui! Ibaba mo nga ako----shit naman! Ang sakit!"

Napailing na lang ako ng kaunti at dinala siya sa banyo. 

May upuan rin dito kaya't duon ko siya pinaupo. HIndi rin naman iyon malayo sa tub. "I prepared the tub for you. Pumunta ka na dun pagkalabas ko" I said. Pagkatapos ay itinuro ko pa sa kanya iyong tuwalya na nakasabit. "Ayun na rin iyong tuwalya mo. If you're finished, dumiretso ka na rin sa walk in closet mo para magbihis"

Then I left the bathroom and closed the door.

Pagkatapos ay lumapit ako sa telepono na nasa may bed side table ni Khiena at tumawag ng employee na pwedeng maglaba nitong bedsheet ni Khiena.

Di rin naman nagtagal ay nakarating na dito ang employee at nakita ko pa siyang nagulat nang makita ang higaan. And worst is, mukhang may iniisip pa tong babaeng to! Kaya naman...

"It's her time of the month and whatever you're thinking, its not true. Just do your job or I'll fire you" I coldly said.

Agad naman na humingi ng tawad ang employee na to.

Nang makaalis na ang employee na iyon ay lumabas na ako ng kwarto ni Khiena para maghanda ng breakfast at para na rin ihanda ang hot compress niya.


*****

Khiena's Pov

Argh! Ang malas naman oh! May trabaho pa ako ngayon pero mukhang hindi ako makakapasok dahil nga sa lagay kong to!

Tch! Ngayon lang sumakit ng ganito ang aking puson. And seriously, I have no idea what to do.

I was thankful dahil nandito si Zav. He prepared this hot bath for me. 

Di naman ako magtatagal dito dahil kung tutuusin ay gusto kong mahiga na lamang sa kama kaya't tumayo na ako dito sa tub para magpunas at magtapis.

Kahit na masakit ang puson ko, kailangan ko pa ring gumalaw para makapagbihis ako.

Binuksan ko ang pinto papasok sa walk-in closet para makapagbihis na.

Binilisan ko talaga ang pagbihis ko dahil gusto ko ng mamilipit sa sakit.

Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako dito sa walk in closet. Medyo nagulat pa nga ako nang makita ko si Zavriel na inaayos ang aking higaan.

Nakita ko rin sa ibabaw ng bed side table ko ang isang hot compress at tubig na hindi malamig. 

"Here, I prepared your bed for you. Pati itong hot compress, it'll help in lessening the pain. Also You need to eat this chocolate. Malaking tulong din yang tsokolate sa sakit ng puson. And avoid drinking cold water" he said.

Kumunot naman ang noo ko. "Avoid  drinking cold water? Why? Gusto ko pa namang uminom ng malamig na---" he cut me off.

"No. Avoid it. Kaya sumasakit ang puson niyo dahil jan sa kakainom ng malalamig. Ngayon na meron ka, please, avoid it kung ayaw mong sumakit pa ng mas grabe yang puson mo"

Pinaningkitan ko naman siya ng mata. 'How come he's knowledgeable about this kind of thing?'

Lumapit na ako sa kama at naupo na muna doon. Ibinigay naman niya sa akin ang hot compress. 

"Thank you" I said and stared at him. "Paano mo nalaman ang mga ganito?" I asked.

He just smiled at me at ginulo ang buhok ko. "Magpahinga ka na jan. Anyway, I've got a photoshoot today so buong araw yata ako wala dito sa bahay. If you need anything, feel free to call me or Erika" he said at nagpaalam na.

Okay. He just dodged the question. I wonder why?

And I wonder why does he need to mess up my hair?! Tch! Para talaga siyang si Usui!

Nahiga naman na ako sa higaan at humawak na naman sa puson ko na masakit. 

Kinuha ko rin ang aking cellphone at nag-dm ako kay Cheska na hindi muna ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.

"Aigoo... Zavriel said na makakatulong rin ang pagkain ng chocolates so, kainin ko na kaya?" I asked my self.

Napakibit-balikat na lang ako at inabot ko na nga ang tsokolate at kinain ko iyon.

"Hmm.. Chocolates... My fave"

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now