L I M A

2 0 0
                                    

K E I

Marahan akong bumaba ng hagdan at sumilip sa paligid. Gusto kong makita si Dominic.

Kahit ilang araw pa lang ako nandito, ang saya-saya ko na kasi andito siya parati. Well, hindi buong araw. Pero at least umuuwi siya kada gabi. Alam ko dahil bahay niya 'to kaya siya umuuwi pero pwede naman siguro mangarap hindi ba?

Kahit pa parati niya akong sinusungitan at iniirapan okay lang basta nakakasama ko siya.

Napatingin ako sa may kusina, busy si Dominic at may kausap sa phone. In the past few days halos memorized ko na ang schedule niya. Sobrang sipag niya magtrabaho ganon siguro pag ikaw ang humahawak ng sarili mong kumpanya. Madalas siyang nagtratrabaho sa maliit niyang opisina dito sa bahay kapag weekends kung weekdays naman ay parati siyang maagang pumapasok halos hindi ko na nga siya madatnan nong first few days kaya nagpapaalarm ako ng mas maaga para naman maipagluto ko siya. At sa tuwing gabi naman hinihintay ko siya umuwi kahit medyo late na.

Kagaya ngayon halos midnight na.

"Evening hon" Masayang bati ko sa kaniya.

Sumimangot naman siya pagkakita niya sa'kin. "Bakit gising ka pa?"

"Hinintay kita. Kumain kana? Nagluto ako."

"Kaya nga ako gabi umuuwi para hindi ko makita ang basura bakit mo pa kasi ako kailangan hintayin?" Malamig na sambit niya sabay tingin sa phone niya.

Mukhang bad mood siya. Kapag kasi nasa "good mood" siya sinasabayan niya ako sa panunukso ko sa kaniya although binabaliktad niya ako. Pero pag ganitong bad mood siya...

Ngumiti lang ako at marahan nilabas ang pagkain na niluto ko para sa kaniya. "Ano ka ba, syempre dapat hintayin ng isang wife ang kaniyang husband, lalo pa't alam kong pagod ka galing trabaho ano."

Huminga siya ng malalim.

"Bingi ka ba? 'Di ba sinabi ko last time na hindi ako nagdi-dinner ng ganito ka late? Malamang sa malamang kumain na'ko bago ako umuwi dito." Inis na sabi niya. "Isa pa nagsasayang k ng ingredients palamunin na nga nagaaksaya ka pa."

Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Madalas niyang pinapamukha na problema lang ako.

"It's okay, pera ko naman ginamit ko to buy ingredients this time." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

Natawa siya ng sarkastiko. "What? You have some money? Akala ko ba gold digger ka? Or wait, i check ko nga ang bank account ko, baka mamaya niyan ninakawan mo na ako. 'Di ba ang galing mo nga mag manipula, how do I know I'm not being robbed blind? Malay ko ba con artist ka or what, fvcking shit I really can't relax when I'm with you."

"I'm not a gold digger, hindi rin ako con-artist." Simpleng sagot ko.

"Really? So why the fvck can't I find anything about you? Your background, what school you graduated from, sa'n ka nagtratrabaho- all blank!"

"W-what? You did a background check on me?" Gulat na sabi ko.

"Of course! Anong akala mo I'll let you live inside my house without knowing who you are?" Inis na sabi niya.

Umiwas ako ng tingin.

Huminga naman siya ng malalim.

"Pwede ba ligpitin mo na lang yang kalat mo. The least you could do is be a proper maid inside the house. At least may pakinabang kapa." Tumalikod na siya at akmang aakyat na sana sa kwarto.

"It's okay ako na lang kakain. Total wala pa rin ako dinner mauubos ko naman 'to ng magisa no!" Tumawa na lang ako ng plastic para naman kahit papaano gumaan ang mood.

Domesticating Mr.ArellanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon