T A T L O

4 1 0
                                    

D O M I N I C

"Dominic Renz Arellano! How could you?!" Galit na sambit ng mama ko. I've thought of the worst case scenarios pero iba pa rin pala talaga pag nasa harapan mo na.

I tried to think of something positive, like-na traffic siguro si mama mauuna ako ng dating sa apartment. Or 'di kaya everything that happened must've been a big prank at umalis na don 'yong babae!

Pero sa mukha pa lang ni mama ngayon ay alam ko ng kanina pa dapat tinapon sa bintana ang positive thoughts na 'yon.

"And to your own mother?! Paano ba kita pinalaki anak? Paano?!" Kwinelyuhan na ako ni mama. Lagot, nagsimula na naman ang drama niya.

"Mom- I could explain-I-

"Oh hon, andiyan kana pala. Kamustang work?"

Halos magsitayuan lahat ng balahibo ko. Anong sinasabi nitong babaeng 'to na hon?

"See?! You're married! And you didn't even have the guts to tell me?!" Sigaw ni mama.

"Mom she's-she's -

Hindi ko alam ang sasabihin ko, paniguradong mas lalong madi-disappoint ang mama ko kung malalaman niya na dahil sa kalasingan lang ang lahat.

"The best girl you could ever choose! And to think hindi mo man lang siya napakilala sa'kin! Sa amin ng daddy mo!"

Natigilan ako at napatingin kay mama.

Tumawa naman 'yong demonyita. "Hay nako tita, hayaan niyo na nga po siya. Makakalimutin po ata kaya hindi niya ako nadala sainyo. Pero don't worry tita, we have all dinner to get to know each other better."

"Okay, I want to know everything hija! Pati na recipe mo ng chicken afritada ha, I'm sure my husband would also love it. Parehos kasi sila ng taste nitong unico hijo ko eh. Dominic! Why are you just standing there?"

"Uhm, you two are...friends?"

"Why shouldn't we? She's your wife isn't she?" Tanong ni mama. Gusto ko ng umalma. Hindi ko gusto ang ideya na magkasundo kaagad sila ni mama.

I mean. They've just met for a few hours and now it's as if they knew each other since forever!

Kaso narinig kong umubo 'yong demonyita at sumenyas sa'kin na tumahimik kungdi malilintikan ako sa kaniya. Aba! Ang kapal ng mukha niya ha!

How dare she threaten me like that? Tapos ngumiti pa siya ng bumaling ang tingin ni mama sa kaniya!

Wala akong choice kungdi ang makisabay na lang. After all, may highblood si mama, if it's anything ayaw kong atakihin siya.

Sina mama lang halos ang nagsasalita. Alam mo naman ang mga babae panay ang daldal! But because of mother's prodding, I learned a few things about this girl.

She's a freelancer, who majored in World Literature and is currently travelling to gain more experience. Kaya siguro gold digger kasi nangangailangan ng pera, after all, her job isn't that stable!

Her parents are also working in abroad like me, but is based on New Zealand so she's currently living alone. One of her hobbies is cooking. Dapat nga hindi ko susubukan ang niluto niya to spite her, pero mapilit si mama eh. Gusto raw niya malaman if it suites my taste, kasi kung magugustuhan ko raw malamang magugustuhan rin ni papa.

So I was forced to take a bite.

Natigilan ako.

She softly whispered ;"Okay lang ba ang lasa? Specialty ko 'yan."

Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat. Hindi dahil sa ang sama ng lasa ng luto niya. Sa katunayan, if I was being honest with myself masarap ang pagkain. And it resembled Elise' chicken afritada so well that I just- can't help but feel angry.

Domesticating Mr.ArellanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon