ILHOHLM:(THREE)

17 1 0
                                    


SAMANTHA THERESE'S POV

Pagdating ko sa bahay, agad na nagpakita si Tita sa'kin na may ngiti sa kanyang mukha.

‘‘So musta 'date' niyo?’’ ha? What date? Ah, baka friendly date.

‘‘K. Lang,’’ 'yan lang ang sagot at saka dumiretso sa kwarto ko. At saka, dumiretso sa higaan. Ni, hindi pa nga ako naka-bihis ng pambahay eh.

‘‘The best day for me.’’ at sinira ko na ang mga mata ko at hindi ko na pala namalayan na natulog na pala ako.

***+++×××

‘‘Sam, uy Sam! Gising na.’’

‘‘Mmm?’’

‘‘Uy gising na huy! Bangon na mag-fifive o'clock na ng gabi.’’ ha? Dali dali ako'ng bumangon. What five? Eh wait--

Don't tell me na sa sobrang kasayahan at pagod eh natulog ako ng 12:00 then wakes at 5:00? Da hell!

Hay, nako. Bumangon ako sa kama at tinignan ang sarili sa salamin na.

Puno ng laway, may muta pa, messy hair, at may mantsa pa ang uniform ko ng milk tea at may sapatos pang dala. Tsk! Nako-nako.

Dali-dali kong hinubad ang damit ko at saka dali-dali pumunta sa CR para maligo.

After ilang minutes ng maligo, bumihis ako ng shorts at pink na t-shirt at agad akong tumalon sa king-sized bed ko. At kinuha ko ang laptop ko sa drawer. At nag-open ng instagram.

I checked sa account ni Jay Ivan na IvanJay14 habang ang akin ay SammyRese.

Pag-check labis ang tuwa ang nakita ko dahil sa nakasulat dito at 'yung picture na dalawang milk tea na inorder niya na may pangalan namin.

Ang naka-sulat sa kanya ay.

IvanJay14: #bestdayever #bff #yummy #milktea #Samantha

At higit sa lahat ay maraming nag like, pati rin ako ni-like ko din 'yun. Hay~~ bakit ba ako nakaramdam ng saya? Siguro masaya lang ako dahil kahit papaano nakasama o naka-bonding time lang kami.

Sobrang saya ko na makasama ka Jay,

***+++×××

Bumaba ako para maghanap na makakain at dumiretso sa kusina. Hmm? Parang wala 'yatang tao ah. Pag dating ko sa ref may naka-dikit na papel.

Dali-dali ko 'yun kinuha at binasa.

Nak, Sam, may lalakarin kasi ako ngayon kasi baka bukas pa ang balik ko. Hindi kita masasamahan diyan sa bahay pero babalik ako bukas promise. May binilin naman ako diyan na groceries at pera. In case na kailangan mo. At, tandaan mo ha huwag kang lumabas o pumapasok na kahit sino na tao na hindi mo kilala okay? Sige, bye bye.

                                                                                        Tita Samara,

Agad ko rin tinago ang papel, tsaka kumuha ng gatas at uminom. So? Ako lang pala dito sa bahay ah. Nice! Pagkatapos kong uminom nilagay ko ang baso sa kung saan man basta. At dali-dali akong pumasok sa kwarto at ni-lock. 'Yun.

Hmm? Ano kaya ang gagawin ko? Hmm? Mamasyal ulit sa mall? Magbasa ng mga libro? Matulog? swimming? At iba iba pa.

Ah! Sige sa mall na lang. Eh ano naman ang gagawin ko dito? Eh na bobored ako. Agad akong kumuha ng five-thousand sa savings ko at nilagay sa wallet ko. Nagdala rin ako ng shoulder bag.

Nag-half bath lang ako tas dali-dali nag suot ng skirt hanggang tuhod ko, at t-shirt na blue, tas color black na Vans shoes. Then nag pony tail lang ako at namulbos, nag-eye liner ng medyo maliit, at nag-perfume.

Pagkatapos kong magbihis agad akong bumaba para i-lock ang lahat na pinto tsaka pag-labas ko ni-lock ko din ang pinto.

Just to make sure na walang may pumasok na kung ano-ano.

Naglakad lang ako sa short cut, tsaka pagrating ko  tumitingin ako sa paligid. Maraming tao na nagmamasyal sa mall na 'to.

Naglilibot muna ako sa mga stores na nandito. Nagsukat-sukat din ng mga skirts,shorts,at mga 'yung mga uso na leggings at pants.

Dumaan rin ako sa mga sapatos pero ni isa ni wala akong binili because hindi naman na kinda cheap but wala yata sa mood ko na bumili ng sapatos.

Gosh, naramdaman ko na uhaw na uhaw ta gutom-gutom na rin ako. Kaya ang ginawa ko pumunta ako at bumili ng mango shake tsaka peach mango pie.

Naglalakad ako habang umiinom at ngumunguya. Hay nako maraming tao ang tumitigin sa'kin. Binibigyan nila ako ng weird looks.

Sus, pakielam ko don? Whatever!

Ng maubos ko na ang pagkain ko agad ko 'yung tinapon sa basurahan at lalakad na sana ako ng may nakita ako. Nakita ko si--Wait?

Jay? O.o

JAY IVAN'S POV

Nagpatugtug ako ng 'All of Me' by John Legend, yeah favorite song ko 'yun. At sinaksak ang earphones ko.

 

Habang naglalakad ako pinagtitigan ako ng mga babae. Iban ng aayos ng mukha, iba tinitignan ako na para bang nilalandi ako.

What a Flirt!

At iba naman walang pakielam.

Habang naglalakad, naramdam ko bigla na may sumsunod na tao sa likod ko. Nakita ko rin na babae ito, patuloy pa rin sa pag-sunod sa'kin.

Hay nako, baka stalker ko 'to?

O baka naman si Ca--

‘‘Jay.’’ then na tumalikod ako at nakita si... O.O

‘‘Sam?’’

***+++×××

Na Update na! Thanks for reading. <3 ;)

I Love Him Or He Loves Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon