Chapter 2

3K 152 11
                                    

Vanissa refrained pulling her hand off from the grip of this gorgeous guy. Klaro na walang balak ang lalaking ito na pakawalan siya. Kung magpumilit siya'y baka humiwalay sa kamay niya ang kanyang pulso.

"Saan mo ako dadalhin? Sa hotel? Wala akong piso sa noo ha, tingnan mong mabuti. Hindi ako bayaran!" Talak siya ng talak habang kinaladkad nito patungo sa naghihintay na tangke. "Teka, mayaman ka ba? Sige na nga, kung mapera ka papayag na ako pero lakihan mo ang bayad. Mga ten years supply ng bigas."

"Bigas lang pala ang kinakain mo kaya kulang sa nutrition iyang utak mo." Kutya nitong hinablot ang mabigat na pinto ng armored car. "Get in!"

"Saan mo nga ako dadalhin?"

"Saan mo ba gustong pumunta? Sa langit o sa impeyerno?"

Bigla siyang naubusan ng hangin. The intensity of this man is intoxicating. He is built with rigid beauty and his hard-toned strokes is detrimental to the eye. Hindi na kailangang itanong pa kung may kakayahan itong ilipad siya sa langit o ihulog siya papuntang impeyerno.

"Get your ass up there!" Isang palo sa puwit ang nagpalundag sa kanya.

Pumalag siya. "Ano ba? Fuck-"

"Marunong din ako magnakaw..." A smack kiss landed on her lips shutting her brain out. "Ng halik. So, better be silence or I'll drown you with an unlimited supply of stolen kiss."

Tulala siya habang lulan ng sasakyan nito. Nagliwaliw ang utak niya sa maraming mapanganib na posibilidad. Rape. Torture. Tatanggalan siya ng laman-loob bago patayin. Ganoon ang naririnig niyang reputasyon ng mga mafia.

Bumalik lang siya sa sarili niya nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng clinic na pinagdalhan sa kanya kanina ng tsismosong taxi driver.

"Bakit hindi ka pa kumilos? Gusto mo ng isa pang palo sa puwit?" Masungit nitong apura sa kanyang na-estatuwa sa upuan.

Daig pa niya ang sinilihan at kakapag-kapag na binuksan ang pinto. Tumalon siya pababa. Ramdam pa rin niya ang parusang inabot ng kanyang pang-upo. Habang naglalakad ay himas-himas niya iyon.

"Huwag kang tumingin!" Singhal niya nang mahuling nakatitig doon ang lalaki.

Umangat ang sulok ng makurba nitong labi.

"When did you get to give orders?" Angat ang isang kilay nitong angil pabalik.

Inirapan niya ito.

Kulang na lang ay magkandarapa ang gwardiya sa entrance para pagbuksan sila at parang tuta itong bahag ang buntot sa harap ng lalaking kasama niya. Kompirmado. Leader nga ito ng mafia. Ganoon na lang kasi kung katakutan.

Bumuntot siya rito patungo sa loob at pumasok sila sa isang kwarto na tela emergency room. Sa isa sa mga bed doon ay nakahilata ang taxi driver. May nakasaksak na hose ng oxygen sa ilong.

"Anong nangyari kay manong driver?" tanong niya.

"Hinika sa kahahabol sa iyo kanina."

At kasalanan pa tuloy niya. "Hindi ko naman sinabi sa kanyang habulin niya ako. Saka may taxi siya."

"You're a heartless brat."

"Buti alam mo. Atay na lang kasi ang tumitibok sa akin kaya buhay pa ako hanggang ngayon." Patirik na rumolyo ang mga mata niya.

But he ignored her. Naglakad ito patungo sa isa pang pinto sa dulo at pumasok doon.

Naupo siya sa gilid ng kama na pinakamalapit sa kanya. Dinala siya nito rito para konsensyahin at ibunton sa kanya ang sisi. Ni hindi pa nga siya nakahanap ng solusyon kung paano tumagal sa susunod na mga araw.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon