Chapter 18

2.2K 118 7
                                    

Binigyan ni Vanissa ng matamis na ngiti ang sarili habang nakatayo sa harap ng salamin sa loob ng ladies' room. Katatapos lamang ng graduation ceremony nila at ngayon ay suot na niya ang army black beret. Ang gantimpala na ilang buwan din niyang pinaghirapang makamit. Hinaplos niya ang tatak ng headgear, ang una niyang tagumpay.

Nag-uumpisa pa lang siya. Ang tunay na laban ay parating pa lamang. Ang kaibahan lang noon at ngayon ay handa na siya. May tiwala na sa sarili. Sana nakikita siya ngayon ng mga magulang niya at ng kapatid niya. Magiging proud kaya ang mga ito?

"I am proud of you, bunny," sambit niyang pinisil ang mga pisngi.

Lumabas siya ng palikuran at nadatnan si Jiego na naghihintay, bitbit ang bungkos ng mga bulaklak na agad nitong ibinigay sa kanya.

"Congratulations," sabi nitong may bahagyang ngiti sa sulok ng labi.

He was the top cadet of their class. Aminado siyang mahusay naman talaga ang lalaki sa palakasan at kahit sa lecture. Pumangalawa rito si Isadora at siya ay pangatlo. Hindi niya inasahan iyon. Kinapa niya ang medalya at ang dogtag.

"Congratulations din sa iyo, Jiego." Kinuha niya ang mga bulaklak na magkahalong pulang rosas at carnation.

"Pwede na ba akong manligaw?" Base sa tono ay hindi ito nagbibiro. "Siguro naman hindi ka manhid. Sa simula pa lang ng training natin ay nakuha mo na ang atensiyon ko. Akala ko normal na attraction lang. Habang lumilipas ang mga araw na-realized kong mas malalim pa pala ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal kita, Vanissa. Kompisal ng lalaki.

Pero hindi nagawa ng sistema niyang pagtuunan ng buong pansin ang ipinagtapat ng lalaki dahil sa isang bulto na papalapit sa kanila. Ngali-ngaling tumalbog ang tibok ng kanyang puso. Binawi niya ang paningin at seryosong tumitig kay Jiego.

"Salamat sa pagmamahal, Jiego. Pero ang sagot na gusto mong marinig ay pag-aari na ng iba. Pag-aari na niya bago pa man ako pumasok dito at nakilala mo." Itinuro niya sa paningin si Rajive.

Lumingon si Jiego. "Isang Andromida?" May kahulugan sa sinabi nito at alam niyang ang tradisyon iyon.

"Oo, isang Andromida." Matapang niyang amin at humakbang para salubungin si Rajive.

"You need to prepare for the graduation ball, Airaj is waiting at my office." Imporma ng binata at sinulyapan si Jiego na bigong nakatingin sa kanila.

Tumango siya at ngumiti ng matamis. Kumapit sa bisig ng binata at saglit na nilingon din si Jiego na habol sila ng tanaw.

Bago sila makarating sa opisina nito ay kinaladkad niya si Rajive patungo sa bahagi ng pasilyo na walang gaanong mga tao. Hinubad niya ang suot na medalya at dogtag at tumingkayad. Isinuot ang mga iyon sa binata.

"Bunny-"

"Ito lang muna ang maibibigay ko sa iyo sa ngayon," kabado niyang sabi. Nakakapagod ang pagkaripas ng kanyang puso. Mas malala pa kaysa sa kilo-kilometrong tinatakbo niya araw-araw. "Commander Carrot, handa na akong maging kasayaw mo habang-buhay bilang iyong Mrs. Rajive Andromida." Humugot siya ng mahabang buntong-hininga matapos ang pagtatapat.

Kahit malamlam ang liwanag mula sa panel lights, banaag niya ang damdamin na sumakop sa gwapong anyo ni Rajive.

"Damn, bunny..." hinapit siya ng lalaki at mahigpit na niyakap. "You've always caught me by surprise." He is laughing amd yet his voice is breaking.

"I love you, Raj. Salamat sa respeto at paghihintay. Pero may pakiusap sana ako. Kung pwede, saka na tayo magpakasal kapag nakapagbabang-luksa na ako sa pagkamatay ni Perci. Gusto ko ring sekreto lang muna ang magiging kasal natin."

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon