Chapter 8

2.2K 127 6
                                    

Vanissa knew she was asleep but for some reason she's awake and she is looking at carrots everywhere. Ang daming carrots. Ang tataba at ang gaganda ng kulay. Pero naiinis siya dahil tuwing dinadakma niya ay umiiwas ang mga ito.

Until she was able to caught one that's hiding behind the cover. Hinawakan niyang maigi ang matigas at mainit na carrots. Pinisil-pisil. Humihinga iyon. Buhay na carrots? Naiinis siya sa tela na pinagtataguan ng carrots kaya hinatak niya iyon.

"Gusto ko ng carrots!" maktol niya.

Then she heard a voice from the sky. It's cursing.

"Damn, bunny!"

Pagkatapos niyon ay nakawala ang carrots na hinahawakan niya at kasabay na naglaho ang marami pang carrots sa paligid.

"Nasaan na ang carrots!" kislot niyang  naglupasay sa damuhan. Ngunit niyakap siya ng hangin at muli siyang hinigop papunta sa katahimikan.

Nang muli niyang buksan ang mga mata ay putok na ang araw at tumatagos ang sikat sa salamin ng bintana. Agad siyang bumaling sa kanyang tabi. Wala na roon si Rajive. Inot-inot siyang bumangon at bababa na sana ng kama para maligo nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang binata.

"It's good you're awake, bunny baby? Gusto mo ng carrots?" his tone isn't joking but his sexy eyes were smiling, flashing strokes of violets that were like an illusion behind the tough framed glasses.

"Good morning," bati niya sa lalaki.

"Before you realize completely how good the morning is, let me have my funny revenge for the carrots last night." Dalawang pares ng posas ang biglang lumambitin sa mga daliri nito at leather collars na para yata sa mga aso.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. Anong carrots? Maghihiganti raw ito para sa carrots?

Tumili siya nang dakmain ng lalaki sa kama at iposas ang mga kamay niya. Kahit anong pitlag niya ay hindi siya makawala. Mula sa kanyang mga kamay ay bumaba ito sa mga paa niya at itinali ang mga iyon gamit ang leather ankle collars.

"What's next?" Ngumisi ito at may binunot mula sa likod.

Buntot ng tandang?

"Anong gagawin mo?" kinakabahan niyang hiyaw. Mistula siyang uod na kakawag-kawag sa ibabaw ng kama.

"I told you, this is the ultimate revenge of the carrots. You must hold yourself until the bitter end," babala nitong kunyari ay hinahasa sa palad ang balahibo ng manok na para bang naghahasa ng kutsilyo.

Nagtititili siya nang hawakan nito ang kanan niyang paa. Pero ang kanyang tili ay nauwi sa malakas na tawa nang simulan nitong kilitiin ang talampakan niya gamit ang balahibo.

"Tama na! Tama na!" Daig pa niya ang nagwawalang bulati dahil nababad sa asin.

"Say it again! Gusto mo ng carrots?"

She can't stop wiggling, laughing hard. Head is flailing side by side. Pakiramdam niya ay kakalas na ang mga buto niya sa katawan. What is he saying anyway? What is about carrots? Of course, she loves carrots!

Tatalbog-talbog siya sa kama at naiiyak na siya sa katatawa. Kung hindi pa siya umaaktong hihimatayin ay hindi titigil si Rajive.

"Take note, don't just grab the carrots without my permission, bunny baby," babala nitong tinanggal ang posas sa mga kamay niya at ang ankle collar sa kanyang mga paa. Iniwan siya nito roon na lupaypay at tirik ang mga mata dahil sa katatawa. 

Nanlalambot pa rin ang mga kasukasuan niya nang bumaba sa sala. Nang makita niya si Rajive palabas ng kusina'y nagbangon ang kiliti sa kanyang katawan. Parang may kuryente sa kanyang talampakan.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon