Chapter 3

2.7K 145 4
                                    

Bawat paghakbang ay napapangiwi si Vanissa. Parang may nakabaon na mga karayom sa talampakan niya. Mahapdi at ang kirot ay umaakyat sa kanyang mga binti. Walang hiyang konduktor iyon. Hindi ibinalik ang sapatos niya gayong binayaran naman ni Mr. Titan ang pamasahe niya.

Napakamot siya sa ulo habang pinapapak ang ibabang labi. Matiim niyang pinagmamasdan ang lalaking kahit balot ng makapal na jacket ang katawan ay tumatagas pa rin ang sex appeal. Bigla itong huminto. Tila may tinatanaw sa kabilang panig ng malapad na highway.

"Bigay mo ba iyong pamasahe ko sa bus kanina o utang na iyon?" tanong niya.

"Utang? May pambayad ka ba kapag siningil kita? Baka takbuhan mo rin lang ako tulad ng ginawa mo sa iba." Hindi siya nito tinitingnan habang nagsasalita.

"Bakit ang bait mo?"

He ignored her while looking to the opposite direction now as if trying to figure out a coordinate for a crime scene. Muli itong lumingon sa kabila. Humakbang. He bent down. Touched the pavement with his fingers. Turned to the center island and then to her.

Kumunot ang mga kilay nito. "Do you need anything?"

Napalunok siya. Abala na siguro siya rito. Pinapupungay niya ang mga mata at ikiniskis ang mga palad sa suot na off-shoulder dress na kakulay ng mga mata nitong tiyak nakapaloob sa contact lens.

"Pahingi na lang ako ng pambili ng tsinelas at pagkain. Aalis na ako agad promise." Hirit niyang ngumiti ng matamis. Ngiting madalas niyang ginagamit upang linlangin ang mga demonyo rito sa lupa.

But this guy is neither a demon or an angel. He can't be swayed by her smile and deceitful seduction. He is refined but unreadable. He looked down to her feet curling restlessly on the pavement. Still, not saying anything.

Nang magsalita ito'y alam niyang hindi siya ang kinakausap. "Airaj, did you get the input right now? Display the skeletal structure of the location in my feed. I want a detailed breakdown of the data." Binalingan siya nito. "Wala na akong pera rito. Ibinigay ko lahat doon sa konduktor."

Ngumuso siya. "Five hundred lang iyon, ah! Di ba mayaman ka?"

"Where did you get that notion?"

"Feeling ko lang." Kinamot niya ang ilong. "Bakit kasi binigay mong lahat doon sa konduktor. Dapat hiningi mo iyong sukli."

Gumalaw ang naninigas nitong mga panga. At huli na niyang na-realized na parang ito pa pala ang sinisi niya gayong siya ang nang-aabala sa lalaki. Kung hindi nito binayaran ang pamasahe niya baka nasa presinto na naman siya ngayon at inirereklamo ng pambubudol.

"Sorry, sige ha alis na ako."

"Come with me. Huwag kang umangal kung anong ipapakain ko sa iyo."

Napabungisngis siya sa tuwa. "Hindi naman ako mapili, eh. Kahit matigas at malambot na hotdog kakainin ko nang sabay." Biro niya.

Kinilabutan siya sa malagkit na tinging ipinukol nito. "Airaj, put that on record and remind me soon about it. Matigas na hotdog para kay Vanissa. Gusto mo samahan ko pa ng hard eggs, bunny baby? But be sure your mouth and your throat can handle the size." Kindat nitong muntik nang magpalaglag ng panty niya.

Delikado siya. Baka hindi lang matitano ang matris niya, magkakasakit pa siya sa puso at magka-cancer sa utak dahil sa rumaragasang karisma ng lalaking ito.

Tumawid sila sa kabila at binaybay ang sidewalk sa ilalim ng mayayabong na lilim ng mga puno. Mabuti na lang.
Tirik na tirik pa naman ang araw. Nagbabaga na ang init sa sidewalk. Kapag nagkataon, baka maluto ang talampakan niya.

She gasped for air to breath when he caught he stealing a glance at him. Everytime he looked around for reason she didn't know, her attention got fixed on his eyes turning into dark violet beneath the shadow of the gray bull cap he's wearing. Those eyes were like magic in fairy tales. Cold and steady yet full of power.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon