Chapter 27

2.2K 123 4
                                    

Nakadungaw si Vanissa sa kinaroroonan ng puntod ng ama at ng kapatid habang umaangat sa lupa ang sinasakyang helicopter. Magaan ang pakiramdam niya matapos mabisitang muli ang namayapang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng mahigpit niyang schedule ay nagawang maisingit ni Rajive sa kalendaryo niya ang araw na ito.

Binawi niya ang paningin at ipinukol sa mga tanawin sa malayo. Tanaw niya ang dambuhalang Ferris Wheel na matikas na nakatanim sa pusod ng La Salvacion. Naging aktibo tuloy ang mga alaga niya sa tiyan dahil sa mainit na mga alaala nila ng asawa roon. Kung paano sila nagkalat sa loob ng isa sa mga cabins habang nasa himpapawid.

Noong gabing iyon ay walang operasyon ang buong amusement park kaya solong-solo nila ang lugar. Sa pagitan ng love-making nila ay ipinagtapat sa kanya ni Rajive na pag-aari nito ang Ferris Wheel. Hindi iyon basta main attraction lang at isa sa mga dinarayong rides ng park, kundi, ground satellite iyon ng Nephilims. Her husband created that maximum security masterpiece, a structure to ensure the safety of the province from major attacks.

"Should I take you back to your hotel?" tanong ng lalaking katabi na rinig niya sa suot na headphones.

"Sasama muna ako sa bahay. Pupunta naman doon si Jiego para sunduin ako at samahan papuntang hotel," sumagot siya.

Sumulyap sa kanya ang asawa at tumango. May meeting siya mamayang alas-tres sa partido niya. Malapit na kasi ang campaign period at puspusan na ang paghahanda nila. Lumapag ang helicopter sa airfield. Hinubad niya ang suot na headphones at isinabit sa sandalan ng kanyang upuan. Malikot siyang naupo sa kandungan ni Rajive nang nakaharap dito.

"May bagong venue na tayo para sa susunod na date?" pilya niyang sabi at tinukso ng maliliit na halik ang labi nito.

"Gusto mo ngayon na?" Hinawakan nito ang kanyang puwit at idiin siya sa bumubukol na pundilyo nito.

"Magpapakipot muna ako para lalo kang manggigil," humagikgik siya.

Huminto na sa pag-ikot ang blades at nakapatay na rin ang makina pero parehas silang walang balak bumaba. Gusto niyang sulitin ang pagkakataon tuwing kasama ang asawa lalo at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natupad ang pangako niya rito na magpapakasal silang muli. Nais niyang bumawi kahit sa ganitong tagpo man lang.

"Do you bring your pill?" tanong nitong humahaplos ang kamay sa likod niya.

Umiling siya at ngumuso. "I forgot to put it in my bag."

She is taking a contraceptive pill for the meantime. Alam niyang gusto nitong magkaanak na sila pero nagpaubaya ito para sa political career niya at sa kanyang kalusugan. Baka hindi raw niya kayang pagsabayin ang pagbubuntis at ang pagsabak sa politika. Isa iyon sa mga sakripisyo ng asawa niya, bukod sa relasyon nilang nanatiling lihim sa publiko.

"Do you want me to use rubbers?" he inquired.

"Babalutin mo si carrot? Ayaw ko, hindi na siya magiging masarap."

Natawa ito. "Kung ganoon bumaba na tayo bago pa rumagasa si carrot sa teritoryo niya nang walang proteksiyon."

Tumango siya at hinalikan ng matunog sa labi ang asawa. "I love you," malambing niyang sabi.

"Love you back, bunny baby." Kinindatan siya ng lalaki.

Umalis siya sa kandungan nito at dinidma ang paghigpit ng kanyang puson. Nauna siyang bumaba. Rajive followed shortly. Magkahawak-kamay nilang tinungo ang bahay.

"Hindi na kita maihahatid mamaya sa hotel mo. May event ngayon sa Chrysanthemum mansion, kailangan kong dumalo."

"Okay lang." Natuon ang paningin niya sa hindi pamilyar na sasakyang nakaparada sa bakuran. "May bisita si Mama Airaj?" tanong niya sa asawa.

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon