Chapter Nine

99 3 0
                                    

TAHIMIK na nakatingin si Serenity sa monitor ng computer nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, nakita niya na may mensahe na galing kay Railey.

Pwede ba tayong magkita? I have something to tell you.

Agad siyang nagreply.

Oo naman, saan tayo magkikita?

Matapos nilang mapagkasunduan kung anong oras at saan sila magkikita ay itinigil muna niya ang pagsusulat upang mag-ayos.

TAHIMIK ang buong paligid dahil sa kakaunti lamang ang tao sa park. Tumingin siya sa langit at inisip ang binata. Bakit kaya sila magkikita? Ano kaya ang sasabihin nito sa kanya?

Napansin niyang na dumilim ang kalangitan, para bang uulan sa hapong iyon.

"Sorry I'm late."

Tumingin siya sa pinanggalingan ng tinig, lumapit si Railey sa kanya ang at malungkot na tumingin sa kanyang mga mata.

"Okay lang, upo ka." Aya niya dito.

"Hindi na, mabilis lang naman ang sasabihin ko."

Pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito pero hindi na niya pinansin iyon. Tinitigan niya ang mga mata nito, tila ba may gumugulo sa isip nito.

"Naging masaya ako sa mga araw na magkasama tayo kaya naman nagpapasalamat ako." Nakangiti ito pero halata sa tinig nito ang kalungkutan.

"I had fun too."

"Seeing you smile makes me happy, pero lahat ng bagay may katapusan. Serenity..." lumapit sa kanya si Railey. "I don't want to be your friend anymore."

Namula ang siya, parang kagaya ng mga eksenang napanood niya sa telebisyon ang nangyayari ngayon. Hindi kaya magtatapat na ito sa kanya?

"I love you and I want to be your boyfriend."

Tumayo siya at niyakap ito ng mahigpit, hindi niya naiwasan ang umiyak dahil sa wakas ay naabot na din niya ang kayang pangarap.

"Matagal kong inasam na marinig mula sa'yo 'yan." Masaya niyang tugon dito.

Binatukan niya ang sarili, nanaginip na naman siya ng gising. Iyon marahil ang epekto ng pagsusulat ng mga love story sa kanya, pati sa totoong buhay ay naiisip niya na pwedeng mangyari ang mga iyon.

"I don't want to see you anymore."

Hindi siya nakapagsalita, naramdaman na lamang niya na umiiyak na pala siya. Ilang sandali siya nitong tinitigan bago tuluyang umalis.

Railey, please don't go...

Tahimik niya itong pinanood habang naglalakad ito palayo sa kanya hanggang sa kahit anino nito ay hindi na niya nakita. Patuloy siyang umiyak, hindi niya alam ang dapat na gawin. May ilang tao na din ang tumingin na sa kanya, pinilit man niyang tumahan ay hindi niya nagawa. Biglang bumuhos ang ulan, ngunit sa halip na sumilong ay nanatili lamang siya sa kanyang kinauupuan.

"Alam mo magandang umiyak habang umuulan." Malungkot na sabi ni Selena habang nakatingin sa bintana.

Umuulan noong araw na iyon, nasa ospital ang buong pamilya nila dahil sa binabantayan nila si Selena. Nangangayayat na ang katawan nito dahil sa chemotherapy, maputla din ang labi nito at halatang hindi na kaya pa ng katawan nito ang mabuhay.

"Bakit naman?"

Malungkot itong tumingin sa kanya saka sumagot. "Dahil sa pwedeng itago ng patak ng ulan ang mga luha mo. Pwede kang umiyak ng walang nakakakita sa'yo."

Sadako's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon