Chapter Five

150 1 0
                                    


Natapos na din ang foundation week ng paaralan nila, bumalik na ang lahat sa dati, wala ng mga taong natakbo dahil sa takot na mahuli at mapagmulta sa jail booth, wala na ang mga kinikilig dahil sa naka-date nila ang crushes nila sa blind date booth, at wala na din ang mga umiiyak dahil sa takot sa horror booth.

Tumingin si Serenity sa langit at dinama ang yakap ng malamig na hangin sa kanya. Ilang buwan na din niyang hindi nakakausap si Railey simula ng magtalo sila. Pakiramdam niya ay iniwasan siya nito, hindi din ito pumunta sa klase nila kagaya ng lagi nitong ginagawa upang bisitahin ang kakambal nito. Hindi niya naiwasan ang malungkot. Gusto niyang makitang muli ang ngiti nitong nagpapaganda sa araw niya, nais niyang muling makausap ito tungkol sa mga bagay na pareho nilang pinaniniwalaan. Tuwing nag-iisa siya ay lagi niyang naiisip ang huli nilang pag-uusap, noon lang din niya naintindihan na para sa pag-unlad ng sarili ang mga sinabi ng binata. Pero wala naman siyang lakas ng loob na puntahan ito sa classroom nito upang magkausap sila, nais man niyang humingi ng tawad dito ay lagi siyang nauunahan ng kaba. May mga pagkakataon naman na nakikita niya ang ito sa campus pero hindi sila nagpapansinan. Para lamang siyang hangin na dumadaan sa paningin nito. Mabuti na lamang at may kaibigan siyang kasing sigla ni Ashley, kahit papaano ay nakakalimutan niya ang kalungkutan kapag kausap niya ito. Maganda na rin ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase niya kaya naman masaya na siya sa klase.

Christmas vacation na nila, may dalawang linggo silang bakasyon mula sa nakaka-stress na pag-aaral. Nakaharap siya noon sa blangkong papel at nagsimulang sumulat ng istorya na alam niyang makakaantig sa puso ng kanyang mga mambabasa. Masaya siya kapag nagsusulat dahil sa nararating niya ang mundo na tanging siya lamang ang gumawa. Hindi din niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman tuwing may mga fan mail na dumarating sa kanya na nagsasabing nainspire ng kanyang istorya ang buhay nila.

Bukas ang bintana ng kanyang silid, biglang humangin ng malakas at napakalamig nang hangin na dumampi sa kanyang balat.

"Serenity, handa ka na ba?" Masiglang tanong ni Ashley.

"Pero kahit na ganoon, I still want you to be my sister-in-law. This coming Christmas vacation dapat magkita tayo, I'll turn you into a princess."

Nakalimutan niya ang usapan nila, iniwanan muna niya ang isinusulat upang harapin ang kanyang kaibigan. Buti na lamang at nakapaligo na siya ng araw na iyon kaya ang kailangan na lamang niyang gawin ay magbihis. Mabilis siyang nagpalit nang damit na panlakad at bumaba sa salas, nakita niya si Ashley na kausap ang kanyang ina, nagtatawanan ang dalawa.

"Nakakatawa talaga ang kaibigan mo Serenity."

"Tita naman, medyo lang naman po." Bumaling ito sa kanya. "Tara na."

"Saan nga pala tayo pupunta?"

"Just come with me and you'll know."

Matapos sabihin iyon ay nagpaalam na sila kay Juliet at agad na umalis.

"HINDI ako makapaniwalang ginawa mo naman akong driver ngayon!" Naiinis na sabi ng binata na nakaupo sa driver's seat ng kotse.

"Maswerte ka nga at dinala kita dito! You'll witness the transformation of a caterpillar to a beautiful butterfly!" Masayang tugon  ni Ashley.

"Railey..." Hindi siya makapaniwala na nakita niyang muli ito.

Nang tumingin ito sa kanya ay napansing niyang nagulat ito nang makita siya. Nagtama ang kanilang mga mata, matapos ng ilang segundo ay binawi niya ang tingin dito.

"I smell something fishy." Natatawang sabi ni Ashley.

"SIGURADO ka bang papasok tayo d'yan?" Nanginginig na tanong niya sa kaibigan.

Sadako's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon