Epilogue

204 8 15
                                    

"'WAG ka ngang magulo, baka masira ang buhok mo n'yan! Gusto mo bang magmukhang losyang sa kasal n'yo ng kapatid ko?" Naiirita niyang tanong kay Serenity.

Hindi niya maiwasang mapangiti tuwing naaalala niya ang lahat ng pinagdaanan ng dalawa upang magkasama sila.

Naalala niya kung gaano siyang natuwa noong ipinagtapat sa kanya ng kapatid na plano nitong ligawan ang dalaga, humingi pa nga ito ng tulong sa kanya sa pag-aayos ng restaurant na pinuntahan ng dalawa sa muli nilang pagkikita matapos ng limang taon. Pagkatapos noon ay humihingi din ito ng tips sa kanya sa panliligaw.

Ngunit napansin niyang mas madalas ng mahilo si Railey at minsan pa nga ay hinihimatay na ito dahil doon kaya't sapilitan na niya itong ipina-check up sa doktor, doon na nila nalaman na may tumor nga ito sa utak at cancerous ito. Stage II daw iyon, kailangang operahan ang binata upang matanggal ang tumor. Sinabi din ng doktor na maaari ding magpabalik balik ang cancer nito. May posibilidad din itong mamatay. Masyadong complicated ang operasyon sa utak at ilan lamang ang tagumpay na nabubuhay.

Sumama siya sa pagpunta nito sa Amerika, naging successful naman ang operasyon nito at walang naging brain damage or impairements. Ngunit kailangan pa din laging mamonitor ito hanggang sa tuluyan ng maging maayos ang kalagayan nito. Hindi naging mabilis ang pagrecover nito mula sa operasyon kaya't natagalan sila sa ibang bansa.

Nang makabalik ito ng Pilipinas pagkatapos ng tatlong taon ay tinangka nitong kausapin agad si Serenity ngunit tumutol doon si Errol sapagkat may maganda daw itong plano para sa dalawa. Kakilala nito ang katrabaho ni Serenity at inutusan ito na udyukan ang dalaga na magbakasyon sa Tagaytay, sinigurado din nila na ang lugar na panandalian nitong titirahan ay malapit sa tahanan na ipinagawa ni Railey para dito. Umayon naman ang lahat sa plano.

Dahil sa alam nilang mahilig si Serenity sa mga rosas ay ginamit nila iyon upang makilala nito sa Kirstley, kaya't lagi itong nagdidilig ng halaman ng hardin tuwing lumalabas ng bahay ang dalaga. Tulad ng inaasahan ay naging magkaibigan nga ang dalawa noong kinausap ito ni Kirstley. Kailangan din nila ng preparasyon sa simbahan kaya't hindi siya pinahintulutan ni Errol na agad magpakita kay Serenity. Nang masiguradong areglado na ang lahat ay inutusan din siya ng binata na magsinungaling sa kaibigan na patay na daw ang kapatid niya. Ito daw ay sa dahilang mas lalong malalaman ng dalaga kung gaano nito kamahal si Railey kung aakalain nitong tuluyan nang nawala dito ang binata. Mawawala din sa isip nito ang sakit na idinulot ng maiwanang mag-isa at sabihan ng masasakit na salita.

Ilang beses din siyang nag-sorry kay Serenity tuwing umiiyak ito dahil sa pagsisinungaling niyang namatay ang kapatid. Mabuti na lamang at hindi nito nabuko na umaarte lamang siya. Noong nagpanggap siyang pupunta siya sa comfort room ay tinawagan niya si Errol upang malaman ang susunod na hakbang at sinunod naman niya ang lahat ng iniutos nito. Ang lahat ay umayon sa plano at dahil doon ay nagkatuluyan nga ang dalawa.

"Ok na!" Masaya niyang sabi saka iniharap ang dalaga sa salamin upang makita nito ang repleksyon nito. "Welcome to the Reyes family."

NAGLALAKAD si Serenity sa aisle habang hawak ang braso ng kanyang ama. Nang makarating sa dulo ay binitawan na siya nito at ibinigay sa taong pinakamamahal niya. Kung hindi lang sana dahil sa make-up ay umiyak na naman siya dahil sa kaligayahan. Sa wakas ay makakasama na niya si Railey pagkatapos ng lahat.

Tinitigan niya ito at nakitang nakangiti ito sa kanya, iyon ang patunay na totoo nga ang nangyayari sa mga oras na iyon. She was getting married to the guy whom she secretly loved for years.

Nagpalitan sila ng vows at singsing. Pagkatapos noon ay hinalikan nila ang isa't isa bilang tanda na pinagtibay na ng langit ang kanilang pagsasama.

Sinasabing makakakilala ka daw ng mahigit kumulang tatlumpung libong tao mula sa oras na ipinanganak ka hanggang sa araw na mawalan ka ng buhay. Sa dami ng bilang na 'yon, hindi ba nakakatuwang isipin na isa sa kanila ang itinakda ang Diyos na taong makasama mo habang buhay? Sinasabing konektado ka sa kanya sa pamamagitan ng pulang sinulid ng kapalaran. Ngunit ang sinulid na iyon ay hindi nakikita ng kahit na sino man, ito daw ay nakatali sa hinliliit mo at sa hinliliit ng taong nakatadhana para sa iyo. Kaya kahit gaano ka man kalayo sa kanya ay gagawa ang kapalaran ng paraan para magkakilala kayo at magkasama.

Tumingin siya kay Railey at ngumiti.

Selena, sa wakas ay kasama ko na din ang lalaking kadugtong ng pulang sinulid ng kapalaran ko.

Kung ako ang magsusulat ng ending ng istorya namin ay tatapusin ko ang lahat sa anim na salita.

And we lived happily ever after.

-Wakas-

Author's Note: Maraming salamat po sa pagbabasa. Alam niyo po ba na sobrang saya ko kasi umabot ng 1k reads ang story ko? Salamat po talaga. Stay tuned! magpo-post pa po ako ng mga story na hahamplos sa inyong mga puso. Thanks, sana po vote kayo at comment kasi po yung mga simpleng bagay na yun po ang nagbibigay inspirasyon sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sadako's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon