Chapter Two

201 0 0
                                    

"WHAT are you doing here Ashley?"

"I already told you that I was looking for you! Are you deaf or you're just an idiot who can't understand what I'm saying?" Tinitigan siyang mabuti ni Ashley. "Wait, don't tell me that you're with Sadako?"

"You know her?" Nagtatakang tanong nito.

"Of course I know her! She's popular in this school!" Tumakbo ito palapit sa kanya. "So iyan pala ang itsura mo kapag hindi nakatakip ang buhok mo sa mukha mo, you're not as scary as I thought you were. I like your features, especially you eyes. Matangkad ka din, you have a potential to become a model."

"Eh?!" Iyon na lamang ang naging reaksyon niya. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nagawa pang makapagsalita.

"Ashley! Sinabi ko naman sa'yo na bawasan mo ang kaprangkahan mo! Tinatakot mo s'ya!"

"Oh!" Nanlisik ang mga mata nito nang makitang hawak ni Railey ang kanyang kamay. "My, my, don't tell me that you have fallen for her?"

"At bakit mo naman nasabi 'yan?!"

"Never ka pang nagka-girlfriend kahit na maraming babae ang nagkakandarapa sa'yo even in your previous school ganyan ka din. I thought that you're a gay and I was like, sayang ka naman. Mga kagaya n'ya pala ang type mo ha!"

"Tumigil ka na nga!"

"Bakit ka nagagalit? Guilty ka 'no?"

"Wala ka namang proof sa sinasabi mo!"

"Then why are you still holding her hand?"

Sabay na silang napatingin sa kanilang mga kamay, ilang saglit pa ay binitawan nila ang isa't isa. Namumula ang kanilang mga mukha habang nakatingin sila sa magkabilang direksyon.

"Iwanan na nga natin 'yang babaeng 'yan Serenity." Pagkasabi niyon ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palayo.

"You even know her real name! This is getting more interesting." Hinawakan naman ni Ashley ang kaliwang kamay niya, "Ako na lang ang sasama sa kanya pagbalik sa room."

"Sa tingin mo hahayaan kitang guluhin ang mundo n'ya?"

"Bakit Railey? Kaklase ka ba n'ya?"

"Hindi. Pero-"

"Then just shut up! Kaklase ako ni Sadako kaya ako ang dapat sumama sa kanya pabalik sa room!" Pagkasabi nito ay tuluyan na siyang nahila palayo kay Railey.

"KAPATID ka n'ya?!" Naibulalas ni Serenity nang malaman niya ang relasyon nina Railey at Ashley. Dun lang din niya napagtanto na magka-rhyme nga naman ang pangalan ng mga ito at magkagaya sila ng apelyido.

Pinagtinginan sila ng mga kaklase nila nang marinig ng mga ito ang sigaw niya. Ilang minuto pa ay nagbulungan na sila ng masasakit na salita ukol kanya.

"I bet she's cursing her!"

"Kawawang Ashley, kaka-transfer pa lang niya dito sa school pero mukhang itatapon na siya ni Sadako sa balon!"

Yumuko na lamang siya at hindi pinansin ang sinabi ng mga kaklase niya. There's nothing she can do about it, mula noong araw na machismis na siya si Sadako ay lagi na siyang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkakataon din naman kasi na ang mga taong nakakausap niya ay bigla na lamang naaaksidente o kaya naman ay nagkakaroon ng malubhang sakit kaya naman naging usap-usapan na ang lahat daw ng makakasalamuha niya ay isusumpa.

"I'm few minutes older than him kaya ako ang mas matanda. As you can see fraternal twins kami, I got my mom's looks and he got dad's. Pero ang pasaway na lalaking 'yon kahit isang beses ay hindi ako tinawag na ate!"

Sadako's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon