Chapter Ten

104 1 0
                                    

"Ganoon ang nangyari sa first love ko and the worst thing is that I'm still not over him." Malungkot niyang pagtatapos sa kwento.

Umiyak si Kirstley matapos marinig ang kanyang istorya, iyon na yata ang pinakamalungkot na real life love story na narinig nito.

Tatlong taon na ang nakalipas mula ng araw na iyon pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para kay Railey. Nagtaka din siya dahil umalis sa banda ang binata, kapag tinatanong naman niya si Michael tungkol dito ay iniiba nito ang usapan.

"Serenity!" Halata sa boses ng bagong dating na dalaga na nagulat ito nang makita siya.

Tumingin siya sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig, hindi siya makapaniwala nang makita niya sa Ashley. Simula ng mawala si Railey ay nawalan na din siya ng contact sa kapatid nito, hindi naman siya gumawa ng paraan para makausap ito dahil sa alam niyang busy si Ashley sa career nito.

"What are you doing here?" Tanong niya dito.

"I'm here to visit someone, ikaw bakit ka nandito?"

"Someone? Sinong binibisita mo?"

"Hindi mo alam na nandito siya?"

"Who's here?"

Ibinaling nito ang tingin kay Kirstley. "She doesn't know?"

"I didn't tell her."

"Wait, you know Kirstley? Magkaibigan kayo?" Nalilitong tanong niya.

"Kirstley is my stepsister. Di ba nag-asawa ulit si Dad? Si Kirstley ang anak nilang dalawa. Anyway what brings you here? And how did you find this house?"

"Nagbakasyon muna ako mula sa work kaya nagpunta ako dito sa Tagaytay. Kasama ko sana 'yung co-worker ko kaso bigla daw may kailangan s'yang gawin, sayang naman kung hindi ako tutuloy kaya pumunta ako dito kahit mag-isa. Nakita ko 'tong bahay na 'to, hindi ko alam ang dahilan pero parang pamilyar sa'kin 'to. First time ko lang sa Tagaytay kaya imposibleng nakita ko na ito dati. Habang naglalakad ako palapit sa bahay ay napansin kong nagdidilig ng garden si Kirstley, then we became friends. Isang linggo na din akong nabisita dito."

"This must be fate." Iyon na lamang ang nasabi ni Ashley.

"Bakit naman?"

"Kirstley, hindi mo pa ba napapakita sa kanya 'yung room?"

"Dito lang kasi kami sa first floor nag-uusap. Sa totoo lang, plano ko na sanang ipakita yung room sa kanya pero hinintay ko muna na ikwento niya sa akin ang love story niya."

"Then it means that she haven't seen..." Hindi na tinapos ni Ashley ang sinasabi, bigla na lamang siyang hinila nito.

Saan naman kaya kami pupunta?

---

"I CAN'T believe it! Whoever owns this house must really like my works!" Nakatulala siya sa mga bookshelf na napupuno ng mga librong isinulat niya.

Sinuri niya ang mga iyon, nakita niyang nandoon ang unang librong isinulat niya hanggang sa pinakahuling aklat na kanyang na inilathala. Masaya siyang naglibot sa kwarto, pakiramdam niya ay punong puno ng pagmamahal ang silid na iyon. Hindi sinasadyang napatingin siya sa isang treasure box.

"Ashley, sino bang may-ari ng bahay na 'to? Gusto ko siyang makilala."

Malungkot na tumingin sa kanya si Ashley, may ibinigay din itong susi sa kanya.

"Open the treasure box using the key I give you."

Sinunod naman niya ang sinabi nito, hindi siya makapaniwala sa laman ng treasure box. Nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Sadako's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon