Chapter 33

17.3K 717 877
                                    

#MMIM33

Bumaling ako kay Yve na mukhang hindi mapakali. Umiling ako at tumawa sa kanya na kanina pa na nandito sa office ko.

"How are you so calm?!" she said. "Ang ganda niya kaya!"

Kinagat ko ang labi ko. Bukas pa ako uuwi ng Baguio dahil bukas pa yung simula ng Christmas break namin. It's Christmas eve tomorrow, kaya ready'ng ready na kaming lahat na umuwi.

"Hindi ba siya nagtetext sa'yo?" she asked me. "Ever since the wedding?!"

Tumawa ako kasi parang mas stressed pa siya kesa sa akin. Vale and I are genuinely okay now, and it's been days since the wedding.

Okay, it's been 4 days. Hindi pa siya nagpaparamdam, pero at least sinabihan niya akong mag-ingat pauwi ng Manila!

Turns out, may ibang record label na kumukuha kay Vale kaya naman doon na ata siya magsi-sign. Ang huling usap namin ay tungkol doon, bago ako umalis ng Tagaytay.

"Ghinoghost ka ba niya?!" Yve slammed her hands against the couch. "Sapakan na lang kami, kamo. Atska bakit niya ba kasama—"

"Hindi ko rin alam," I cut her off. Hindi ko naman talaga alam kung bakit niya kasama yung babaeng 'yon. The pretty girl who's spreading around social media is Anna Gonzales. Turns out, close naman sila ni Vale and a lot of people really like them together.

"I'm irritated." Umirap sa kawalan si Yve. "Atska alam mo ba! Sabi pa daw ni Anna, she saw Vale na daw noon sa Baguio nung hindi pa sikat si Vale. Sa Uniqlo ata 'yon? Or H&M?"

Bumaling ako kay Yve nang sabihin niya 'yon. I think.. I remember her.

"Kailan ba sumikat yung Anna na 'yan?" I asked non-chalantly.

"Yieee, interesado." Panunukso naman ni Yve. "Batang artista 'yan, pero medyo lowkey lang siya nung teenage years niya. Diba nga, anak siya ni Pam Gonzales. Tas pinsan niya si—"

"Kyra Gonzales." I nodded, remembering the movie I just watched the other day with Kyra Gonzales on it.

Pamilya pala talaga ng mga artista.

Eh wala na akong laban doon!

Hindi ko alam kung bakit ako nainis. Magkaibigan lang naman kami ni Vale! All he did was say sorry. Hindi niya naman sinabing may nararamdaman pa siya para sa akin. Tatlong taon na rin nga naman ang lumipas. I can't expect everything to go back to the way it was just because we're okay now.

He's allowed to live his life, find love, find peace. Hindi naman kailangang sa akin.

I hated Yve for planting it on mg mind, though. Pagkauwi ko, I found myself stalking the girl and stalking Vale! Looks like they met up nung nasa ibang bansa si Vale kaya naman sobrang close nila ngayon.

Napasapo ako sa noo ko habang tinitignan ang mga posts ni Anna. She's been to almost every continent, tapos na-explore niya pa mga bansa doon! And she's a really good singer, too. Maputi, halatang mayaman. I mindlessly rolled my eyes and opened my door.

Tinitigan ko yung pintuan ni Vale. Nakakairita naman talaga. Hindi dapat ako naiirita! Pero nakakairita! Bakit naman walang paramdam 'yang lalaki na 'yan?!

Inirapan ko yung pintuan niya bago ko sinara ang pintuan ko.

Nagdevotion ka na ba? tanong ko sa sarili ko. Baka kaya sobrang inis ko dahil hindi pa ako nagdedevotion!

These past years, kinaya ko namang wala siya. Walang boyfriend. Kinaya kong mag-isa, kinaya ko kasama si Lord! Hindi ko naman kailangan ng iba. At mas lalong hindi ko kailangan ng boyfriend, hindi ko kailangan ng Vale.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon