Chapter 36

15.2K 661 386
                                    

#MMIM36

"Gwen, 'yung venue bakit tumawag ulit sa akin?" tanong ko sa kanya pagkadaan niya ng conference room. "Akala ko ba handled na 'yon sabi sa akin ni Elisa?"

Mukhang kabado siya habang nakatingin sa akin. Lumunok siya at tumingin sa paligid niya, tila naghahanap ng makakatulong sa kanya.

"Nat, chill!" Tumawa si Yve na kararating lang, dala dala ang ibang folders kung nasaan ang guest list at budget allocation.

Fashion week na next week, and I'm beyond stressed with the responsibility Tita Sol has given me. I don't even think I'm qualified to be a program director, pero hindi na rin naman ako maka-hindi.

"Paano naman ako magrerelax kung nagkakanda-leche leche na?" Inis kong sabi. "Yung model pa! Bakit ngayon ko lang nalaman na may nagback-out? Atska yung social media team, ano? Natutulog lang ba kayo?!"

"Kasi daw po—"

"I know the model's reason, Elisa!" I snapped. Tahimik silang lahat dito sa conference room habang nagagalit ako.

Alam kong takot na sa akin ang ibang mga employees, pero sana alam nilang dahil lang 'to sa stress. How am I supposed to find a new model in just a span of days? Yung size niya pa! Iaadjust sa mga susuotin!

Bago pa ako makapag-salita ay may kumatok bigla samay bukas na pintuan ng conference room. Rinig ko ang pag-bitaw ng hininga ng mga ibang employees nang makita nilang nandoon si Vale.

"Everyone, go get lunch," saad ko. Nagsi-labasan na sila ng conference room maliban kay Yve na nag-aayos pa ng mga files ngayon.

"Hey," Ngiti ni Vale sa akin.

"Hay salamat, nandito ka na sir," rinig kong sabi ni Elisa kahit na hininaan na niya boses niya. "Akala ko sasakalin na ako ni ma'am."

Tumawa naman si Vale at mabilis na niyakap ang ulo ko. Nakahalukipkip pa rin ako at nakakunot ang noo. Totoo namang kapag bumibista na si Vale, medyo mas bumababa ang stress ko.

It's been months since he started courting me again. Patapos na siya sa ilalabas niyang album, kaya naman busy'ng busy rin siya. The only time we spend together is when we both get home, around an hour before midnight every night. Madalas ay kumakain na siya ng dinner sa condo ko dahil tamad na tamad siyang mag-grocery. Napapadalas na rin ang pag-punta niya dito sa office kapag lunch.

"Naka-kunot nanaman noo mo." He chuckled while setting our food on the empty side of the long table. "Yve oh, pagkain."

"Thanks!" Ngumisi si Yve. "Di ko na pala kailangan ng boyfriend. Makiki-date na lang ako sa inyong dalawa. Okay na akong thirdwheel, basta libre niyo."

Umiling ako at umupo. Hindi ko na alam kung ano ba gagawin ko! Saan naman ako makakapulot ng magmomodel sa fashion week, which is next week?!

"Eat first," ani Vale sabay bigay sa akin ng spoon at fork. "Be stressed later."

Nagbuntong hininga ako pero nagsimula na ring kumain. Ayoko namang isipin niyang hindi ko naappreciate yung lunch. He's very busy, too, and he still goes out of his way just to spend some time with me.

"Vale, kung ikaw na lang kaya mag-model para sa amin sa Fashion Week?" tanong ni Yve habang nakangisi.

"Pwede." Tumawa si Vale. "Sino ba naman hindi maaakit ng mukha kong 'to?"

"Ang feeling!" Bahagya ko siyang siniko. "Hindi ka magmomodel, you can't walk to save your life."

"Killjoy." He pinched my cheek. "Wala akong alam jan eh, but I could call Anne? See if she's available."

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon