Chapter 12

15.5K 648 413
                                    

#MMIM12

"Nako, mabuti nga at tinawagan kayo ng mga kaklase niya dahil may klase pa daw sila hanggang 5." Rinig kong sabi ng isang babae.

Kumunot ang noo ko at unti-unti kong binuksan ang mata ko.

Where am I?

"Mabuti nga, doc." Rinig kong salita naman ng isang lalaki. "At least hindi ba injury namin ang pinupunta namin dito, diba?"

"Hay nako, Hanzo, dapat lang. Quota ka na dito sa clinic!" Tawa naman nung babae ulit.

Agad akong tumayo sa pagka-higa ko at tinignan yung relo ko.

It's almost 5! Absent ba ako buong hapon?!

"Uy, gising na siya," sabi ni Franco na naka-tayo sa dulo ng kama. "Good morning!"

"Hi, Natalia. Kumusta ulo mo?" Ngiti ng isang babaeng doktor sa akin. She looked a little older than the nurse. Parang ka-age siguro nina Mommy.

"Uh, okay lang po." I forced a smile, even though my head was hurting like hell. "Kailangan ko po bumalik sa klase."

"You're sleep deprived, dehydrated, and... have you been eating?" tuloy tuloy na tanong nung doktor.

"Okay lang po ako." Yun na lang ang nasagot ko. Gusto ko nang umalis dito sa clinic!

"Sunday naman kahapon, diba? Dapat rest day mo 'yon," sabi nung doktor habang binibigyan ako ng tubig. "This is not safe for you, Natalia. You hit your head pretty hard in the cafeteria kanina."

Ah! Naalala ko na. Bibili na dapat kami ng lunch pero... hindi ko na pala maalala. Nahimatay ba ako?

"Walang rest day dito kay Nat, doc," sabi naman ni Lance kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sunday, she's up at 5 am and goes to sleep at 11... assuming she even sleeps."

"5 am?" tanong ulit ni doktora. "Ano ginagawa mo naman?"

"May Church po kasi kami..." I tried to explain. "Pwede na po ako umalis? Ayoko po sanang ma-absent."

"Ma, dito na si bunso." Rinig kong salita ng isang lalaki.

Binuksan ni doktora yung kurtina at nagulat ako nang makita ko si Vale na hawak ang kamay ng kapatid niya.

The last time I saw him was the Christmas tree lighting, last week. Hindi na kasi ako naka-puntang lantern parade kasama sina Franco dahil may event rin kami sa Church. Kaya ngayon ko lang ulit siya nakita.

"Si Aurora, nakauwi na?" tanong ni doktora kay Vale.

"Opo. Pati si Clint." Tango ni Vale sabay lapit sa akin. "Sino nanaman pasyente niyo, ma? Parang nagsasakit-sakitan lang 'to, ah."

"Alam mo..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinila ko na agad ang buhok niya. Agad akong pinigilan nina Hanzo at hinila pabalik.

"Ate Peanat!" Valir giggled. "It's you!"

"Hi, Valir!" Kaway ko sa kanya.

"I see you've met my kids," Ngiti ni doktora.

"Meet the family ba 'to?" Rinig kong sabi ni Hanzo kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Bakit ka nga nandito?" tanong ni Vale.

"Nye nye nye." I mocked, kaya naman natawa nalang sina doktora.

"Pasaway 'yang pasyenteng 'yan, anak. Walang tulog, walang kain, walang tubig." Doktora came nearer and took out her prescription pad. "Baka next time, sa hospital na bagsak mo, hindi lang dito sa clinic!"

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon