Canned Thoughts..

129 0 0
                                    

Kapangyarihan ng Titig

Hayaan mong tupukin
Ng liwanag
Ang katotohanang
Pilit nagkukubli
Sa pangambang balabal
Ng gabi.
Tunawin ang agam agam
At palayain
Ang damdaming sinisikil
Ng mga bulag na aral
Ng mga mang-mang
Na nagkukubli
Sa mga prinsipyong
Animo'y ganap
Nguni't hilaw at hungkag

Hayaan mong maglakbay
Ang iyong titig
Sa landas
Ng dahas
Sa makipot na daan
Ng katotohanan
At malasin ang kalayaang
Kaytagal na inasam...

BATID KONG BATID MO NGA

Sa bawat pagsilay
Ng mga silahis ng araw
Ligaya sa'yong labi
Ang nagbubukas
Sa aking malay

'Di man inihahayag
Ng salita ko't galaw
Ang lihim na pasasalamat
Sa pagibig mong tapat
Ito'y puhunan kong sapat
Na nagbibigay lakas
Sa bawat oras

'Di man maihayag
Sa wika
Ang lalim nitong pagsinta
Batid kong batid mo
Na saki'y walang maghahatid
Ng tunay na saya
Kundi ang alaala
Ng ating nakalipas
Ang larawan ng ating kasalukuyan
At pangarap ng ating
Hinaharap

'Di man maihayag
Ng daliri't dila
Ang pangako
Ng pagsintang di masisira
Batid kong ito'y batid mo na nga.

Minsan Sa Dalampasigan


Banayad na humahaplos
Ang kilig
Ng hanging malamig
Habang patuloy
Ang ritwal
Ng paghalik ng agos
Sa dalampasigan
Ng sandaling paglimot.

Patuloy kong minamasdan
Ang lamlam ng iyong titig
Na gumigising
Sa ulilang pintig
Sa aking dibdib
Tila ba bituin sa langit
Na sa paningi'y
Umaakit
Kaaya-ayang masdan
Ngunit kailan may
Di mahahawakan.
Hiwagang nagdudulot
Ng payapang saglit
Sa pagod na isip
At naninikip na dibdib
Titig,
di man lubusang makamit
alam mong iyo't- iyo parin.

Pangungulila


Nangungulila ang gabi
Sa pagsilay ng buwang
Pilit ikinukubli
Ng mga ulap ng agam-agam
Habang marang pumapatak
Ang luha ng kalangitan
Tila ba malungkot na musika
Nang aakit ng pandinig
Ang ritwal ng pag halik nito
Sa tigang na lupa

Marahang gumagapang
Ang lamig ng kalungkutan
Sa bawat himaymay
Ng aking laman
At malayang nanunuot
Ang pangungulila
Sa aking harayang
Pilit tumatakas sa iyong gunita.

Pilit dumudungaw
Ang mga alaala
Sa mga bintana
Ng sandaling paglimot
Tumatakas
Ang mga pigil na luha
Lumalakas
Ang mga pigil na hikbi
At ang tanging saksi
Ay ang aking sarili.

Mga tulang pag-ibig ng mga simpleng tao..By mind_FREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon