Untitled Part 2

68 0 0
                                    

Pagaantay

May kiliting hatid
Sa pusong may ulilang pintig
Ang malamig na ihip
Ng panggabing hangin
Habang buong tyagang nagmamasid
Ang kabilugan ng buwan
Sa mga nagaganap na lihim
Sa ilalim ng kalangitan.


Unti- unting bumabalot
Ang pangangambang balabal
Ng gabi
Sa mga matang
Buong pananabik
Na nag-aabang
Sa muli mong pagdalaw
Sa aking daigdig
Na minsan mo lamang pinansin
Ay lubusan mo ng naangkin.


Di na napansin
Ang mapang-akit na sayaw
Ng mga bituin
O, kahit ang malambing na himig
Ng na sosonatang kuliglig.


Hanggang sa humimlay
Sa mga bisig ng antok at
Sa yakap ng lungkot
Ang puyat kong malay
Ako sa'yo'y maghihintay
Kahit na akin ng natatanaw
Ang malinaw na anyo
Ng kabiguan.
----------------------------------------------

Paalam


Nabali ang bagwis
ng aking pangarap
sa'yong mga palad.
Pilit mang ikampay
walang pwersang
makapagpaangat sa lugmok at unti unting
namamatay na hangad. Hinanap ko sa kalangitan
ang guhit ng iyong ngiti
subalit tanging mga ulap ng paglimot
ang aking natatanaw.

Pilit kong dinadama
ang hangin ng iyong paglingap
ngunit tanging nadarama'y
ang lamig ng pamamaalam
na unti unting nanunuot
sa bawat baitang ng aking laman.

Paalam
paalam
kalawakan
ng iyong pagmamahal.

Paalam
paalam
di na muli pang makapailanglang.

---------------------------------------------

Nababasa mo ba ang aking isip?
Kaya bang iguhit ng iyong labi
Ang imahen
Na nabubuo sa aking isipan Tuwing
ika'y namamasdan?

Nababasa mo ba ang aking isip?
Lumalagpas ba sa payak
Na pandama
Ang iyong paningin
Upang matanaw
Ang ligaya
Ng aking kaluluwa Sa t'wing palad mo'y nadadama.

Nababasa mo ba ang aking isip?
Ang mga panunuyong pilit ikinukubli
Sa bawat bitak ng aking utak
pagkat sa tapang ako'y salat.

Nababasa mo ba ang aking isip?
Pagka't sa ganung paraan mo
lamang malalaman
Ang tunay na ipinapahayag
Ng mga kilos kong kundi man lagi ay madalas sablay.

Nababasa mo ba ang aking isip? Kung hindi,iyong buksan
Ang mga mata ng iyong puso Upang
iyong matanto
Na wala itong ibang nilalaman kundi
ang iyong anyo.  

-----------------------------------------------------------

Lolipop

Hinubad mo ang saplot
Kong pangamba
At ako'y dinala
Sa balon
Ng sabik mong pagnanasa.
Doon ay pinagtampisaw
Sa batis
Ng sandaling paglimot.

Iyong sinimsim
Ang tamis
Ng aking pagsinta
Hanggang marahang maupod
Ang aking pagibig
At maging isang bagay
Na wala ng gamit.

Ngayon,
Ako'y tuluyang ilalabas
Sa balong pinaglagakan
At itatambak
Sa sisidlan
Ng habang buhay na paglimot.

-------------------------------------------------------

PAGTATAGPO

Sa ilalim ng anino
Ng puno ng pag-ibig
Nagkukubli tayo
Mula sa liwanag ng buwan.

Sa ating mga paa
Nag sisimulang maipon
Ang mga tuyong dahon ng paglimot.

Sa pag-ihip ng malanding hangin
Nanunuot ang lamig
Sa bawat baitang ng aking laman.

Iyong hahawakan
Ang nanginginig kong palad
Upang ang init
Ng iyong dibdib
Ay aking madama
At mapawi
Ang pangambang ginaw
Na bumabalot sa'king katawan.

Sa saliw ng huling awit
Ng mga kuliglig,
Ng lamig-init at himig
Ng pangamba't pananabik
Hawak kamay niting tatahakin
Ang luntiang lupalop
Sa pusod ng ating katauhan. Doon nating pagsasaluhan
Ang prutas ng buhay
Hanggang tayo'y mamulat
Sa basag na liwanag
Ng natupok na pangarap. ...

Mga tulang pag-ibig ng mga simpleng tao..By mind_FREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon