CHAPTER 1: CHILDHOOD

13 0 0
                                    

PHINE'S POV
  
Sampung taong gulang ako nang lumipat ng paaralan sa probinsya namin sa Batangas.Pinalipat ako ng aking mga magulang upang maging mas madali sa kanila ang makapagtrabaho sapagkat may mag aalaga sakin doon.

Nasa baitang apat kabilang sa unang seksyon ako sa isang pribadong paaralang Santo Rosario Academy .Matalino at palaging nasa listahan ng mga huwarang mag aaral ang aking pangalan.

Masasabi kong hindi mahirap para sa'kin ang paglipat ko sa paaralan dahil noong nasa Baitang Isa ako ay doon na 'ko nanggaling.  
  
Kahit na sa pribadong paaralan ako pumapasok ay buhay pang karaniwang mag aaral ang mayroon ako.Masaya akong bumabangon upang humigop ng mainit na gatas na timpla ng aking lola at kumakain ng almusal na alaskwatro pa lamang ng umaga ay niluto na ng aking lolo.Palaging ganoon ang pangyayari sa aking umagahan.

Masaya ako sa aking simpleng buhay kung saan kapiling ko ang aking mga lolo at lola na nagbabantay at nag aalaga sa akin.Habang ang aking mga magulang ay matiyagang mga nagtatrabaho sa Calamba para sa aking pag aaral.Umuuwi sila lingguhan upang bisitahin at ibigay ang pangangailangan namin ng mga inay at tatay.

SA PAARALAN...
 
"Bayang magiliw ,perlas ng silanganan.Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay....." Simula iyon ng flag ceremony ng aming paaralan at nasa unahan ako upang manguna sa panunumpa sa watawat hawak ang mikropono.

Pagkatapos ng flag ceremony na iyon ay nanatiling nakatayo ang lahat samantalang kami nina Trisha at Rica na aking mga kaibigan ay pumunta sa pila kasama ng aming mga kapwa mag aaral.

"Phine ,may sagot ka na ba sa assignment natin sa Music?" bulong ni Khalil.Si Khalil ay kaklase ko, hindi ganoon katalino at walang posisyon sa klase,palaging tulog sa oras ng aralin at madalas ay nangongopya lamang para makapasa.

"Ssshhh ,makinig nga kayo sa announcement" paninita ng Presidente ng aming klase na si Joseph.Patuloy na nag anunsiyo ang aming punong guro ng mga paalala sa lahat ng mag aaral tungkol sa kalinisan at mga regulasyon sa paaralan na dapat sundin.

NIÑA'S POV
    
Pabalik na sa kani kanilang silid aralan ang lahat nang makita ako ni Phine.

"Ate Niña,sabay uli tayo mananghalian mamaya ha." tuwang tuwang sabi niya. "Oo ,sige ba!" mabilis na sagot ko naman dahil nagmamadali akong pumasok sa aming silid aralan.

Magkatabi lamang kasi ang aming mga silid aralan.Si Phine ay nasa ikalimamg baitang samantalang nasa ikaanim naman ako.Masasabi kong sa lahat ng pinsan ni Phine ay ako ang pinakamatalik at pinakapaborito na pinsan niya.Siguro ay dahil na rin nasa iisang paaralan lamang kami.

PHINE'S POV
   
" Kringggg ,kringggg!!!!" tunog iyon ng kampana na nangangahulugang oras na para kumain ng tanghalian.Kaagad na lumabas ako ng silid aralan  at sumilip sa katabing silid aralan ng mga ate Niña.Hindi ito natingin sa akin at nakahalumbaba lang sa kaniyang kinauupuan.
      
"May I excuse ate Niña?" Nang marinig niya  iyon ay agad itong tumayo bitbit ang kaniyang balutan."Anong ulam mo,Phine?Gutom na ako,andami naming ginawa kaninang puro English baga, kahirap naman kaya nagutom ako"tuloy tuloy nitong pagsasalita na halata sa pagkakasabing napagod ito."Hahahaha ham ang ulam ko,pinadagdagan ko are sa inay gawa nang sinabi ko na yayakagin kitang mananghalian."sagot ko naman.
      
Sa ilalim ng puno ng mangga kami  kumain ,kasabay ng aming pagnguya ay ang malamig na simoy ng hangin.Ilang sandali lamang ay natapos na ang aming pagkain at nililigpit na namin ang aming mga balutan nang lumapit si Ken at Patrick.

PATRICK'S POV
   
"Niña,pahingi naman kaming ulam!"madiing bigkas ni Ken. "Dito na lang tayo humingi sa kasama niya." sunod na banggit ko naman habang nakatingin kay Phine.

"Ubos na mga pagkain namin ,kita niyo gang inililigpit na namin ang aming mga balutan?" sagot ni Niña habang nakataas ang isang kilay na animo'y nagtataray.
  
Hayan maasar ka lang at sumunod ka naman dapat Phine.   
    
"Ubos na o madamot ka lang?" pagsagot ko na nagpatayo kay Phine at kaagad na binuksan ang kaniyang balutan.

"Hayan para maniwala kayong wala na at kakakain lamang namin.Hayaan niyo, bukas ay magpapadagdag ako kay inay at bibigyan ko kayo."sabi ni Phine na nakatingin ng masinsinan sa aming dalawa ni Ken.
   
Umalis na lamang kami.Nakakatuwang makita silang maasar lalo na ang pinsan ni Niñang iyon.

NIÑA'S POV
    
Umalis na ang dalawa habang si Phine naman ay hatalang nagtataka kung sino ang mga iyon. "Sila'y magkapatid at mga kaklase ko sila.Hindi naman sila nagugutom alam ko,gusto lamang nilang mang asar." kuwento ko kay Phine.   
    
Natapos ang oras para sa panananghalian at bumalik na kami sa aming mga silid aralan.

PHINE'S POV   
   
Natapos ang aming mga klase ng alastres ng hapon.Hindi ko inaasahang makita na naman si Patrick ngunit hindi na naging ganoon ang tagpo katulad kanina,ngayon ay hindi na nito kasama ang kaniyang kaibigang si Ken.

"Phine!" tawag ni Patrick habang sumesenyas pa. Nilapitan ko siya.Ano kayang sasabihin niya?

"Ano iyon,Patrick?"tanong ko.

"Wala,pinalalapit lamang kita.masama ba?hahaha"sagot naman ni Patrick na tawang tawa.

Hays,tunay nga ang sinasabi ng ate Niña na tunay siyang mapang asar. Umalis na kaagad ako roon pagkatapos niyang sabihin iyon at nilakad ang daan pauwi sa aming bahay.
   
KINABUKASAN SA PAARALAN...

PHINE'SPOV
   
"You're late!"mariing bigkas ko kay Patrick sapagkat Presidente ako ng SSG Department. Hindi sa pagmamayabang pero kung gaano kaaga ang pagpasok ko sa eskwelahan ay ganoon naman kahuli kung pumasok si Patrick kahit na ang bahay nito ay malapit lamang sa paaralan.Umismir na lamang siya matapos pumirma sa Log Book na nagpapatunay na siya ay nahuli sa klase.

PAGKALIPAS NG ILANG BUWAN... 

PHINE'S POV
  
Sumapit na ang Marso.Araw na ng pagtatapos at sabik na ang bawat magulang para sa mga matatanggap ng kanilang mga anak na parangal.Habang ako naman ay nag uumapaw rin sa kasiyahan dahil naroon ang aking ama at ina upang sabitan ako ng medalya.Pakiramdam ko'y lulutang na'ko sa saya.

"Esmeralda,Josephine Micaiah,top 1" matapos ito bigkasin nang nasa entablado ay agad nagpalakpakan ang mga tao.
     
Umakyat ako sa entablado kasama ang aking mama at papa.

"Congratulations,Phine!" bati sa akin ng principal namin.

"Thank you po ma'am principal!"

Matapos noon ay nagpahanda ang aking mga magulang ng simpleng selebrasyon bilang premyo sa akin.Ayaw ko ng matapos ang araw na iyon.Naroon sa selebrasyong iyon ang mga guro ko,ang inay at tatay,ang aking ate Niña at mga matatalik kong kaibigan.Masayang masaya ako sapagkat naroon ang lahat ng aking mga mahal sa buhay sa simpleng selebrasyon na iyon.

Behind the TriumphsWhere stories live. Discover now