CHAPTER 5: CLASSMATE/SEATMATE

3 0 0
                                    

PHINE'S POV
 
Mabilis na lumipas ang ilang buwan at mga taon.Nakapagtapos na ko ng elementarya sa Santo Rosario Academy,maging sekondarya sa Eduardo Barretto Academy.Dahil sa K-12 Program ,nadagdagan ang baitang ng aming pag aaral.

Kung noon ay pawang sa mga pribadong paaralan ako nag-aaral,ngayon ay minabuti akong ipasok ni mama sa pampublikong paaralan,sa Balele Integrated High School.

FIRSY DAY OF CLASS...

"Good day everyone.I will be your adviser for this sem ,I'm Mr. Rodriguez and I want you to introduce yourselves here in front."tuloy tuloy na saad ng aming bagong guro.Kaya naman isa isa kaming nagpakilala.
     
"A pleasant morning everyone.I'm Josephine Micaiah Esmeralda.You can call me Phine for short and I can be your friend.Thankyou!"
     
Kahit na sa pampublikong paaralan na 'ko nag aaral ay ganoon pa rin ako kung magsikap tulad ng dati.May mga bago akong nakatagpong mga kaibigan na sina Marian at Zein.Tulad ko,mga huwarang mag-aaral rin sila.
     
SA PAARALAN...

PATRICK'S POV

Hoooooo!Kailangan kong huminga dahil papasok na ako sa bago kong paaralan.Hindi ako sanay,sana ay magkaroon ako ng bagong kaibigan.
     
"I'm sorry for disturbing you Grade 11-Titanium but I want to announce that you will have your new classmate.Come in,iho."salaysay ni G. Rodriguez at agad naman akong pumasok sa silid-aralan.Kaya ko 'to!
     
"Hi guys!I'm John Patrick Tolentino and I'm 19."napahinang sambit ko ng makita ko si Phine.Si Phine?Bakit nasa public siya? Kita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka.

Pagkatapos kong magpakilala ay pinaupo na ako ni Sir sa bakanteng upuan sa tabi ni Phine.
"Patrick!"tawag ni Phine matapos makaalis ni sir.
     
"Bakit ka narito?Anong nangyari?Bakit ka nagpublic?At saka hindi ba ay Grade 12 ka na dapat?"sunod sunod na tanong niya.Pinaliwanag ko lahat ng nangyari kung bakit sa pampublikong paaralan na ako lumipat.Sinabi ko sa kaniya ang lahat,na nagkasakit si daddy kaya't malaki ang nagastos namin sa mga gamot maging sa pagka opera nito.Para rin makatulong ay tumigil ako ng isang taon sa pag-aaral para magtrabaho muna.
     
"Ikaw?Hindi ko rin akalain na magiging kaklase kita.Dapat ay nasa private school ka rin hindi ba?"takang tanong ko sa kaniya.
     
"Tanda mo ba noong nakita mo akong umiiyak na may galos ang aking binti?Yun yung araw kung kailan nalaman kong may iba ng pamilya si papa.Noon di'y nawalan na ng katuwang si mama.Kahit na scholar ako at wala na kaming binabayarang tuition,magastos pa rin kami dahil mas nadagdagan kasi ang mga bitamina ni inay at tatay na dapat nilang inumin kaya pumayag na ako ngayon na sa public muna ako mag aral."Habang sinasabi ni Phine iyon ay napapaluha siya.Hindi ko alam na iyon pala ang dahilan.Sana ay hindi ako masyadong naging mapang asar noon.
 
MARIAN'S POV

Bakit kaya parang kanina pang magkausap si Phine at yung transfer?"Magkakilala na kayo?"pamumutol ko sa usapan nina Patrick at Phine.
     
"Oo nga.Pansin ko ring kanina pa kayo magkausap.Siguro'y dati ay mayroong kayo no?Ano yon?tapos nagkahiwalay kayo at bigla uli kayong nagkita?Wow pang teleserye!hahaha"pangungulit naman ni Zein.Pati pala siya ay napansin niya rin.
     
"Oo,magkakilala kami dahil school mate ko siya sa dati kong pinapasukan pero elem pa kami noon at saka hindi ko siya boyfriend noon no.Tara na nga,ituloy na lamang natin ang paggagawa ng mga outputs."pagpapaliwanag ni Phine sa dalawa.
     
"O sige,Sabi mo e,Hahaha"pang aasar pa rin ni Zein.Talaga?Magkakilala nga sila.Ang galing naman noon.Nagkataon pang naging magkaklase sila.

SA BAHAY NI PHINE...

INAY NI PHINE'S POV

Masaya ako dahil sa magandang balitang nabalitaan ko.Nakakatuwa!Sasabihin ko na ito kay apo dahil alam kong ikakatuwa niya rin ito.

"Phine,apo may magandang balita ako sayo."sabik na saad ko.
  
"Ano po iyon inay?"tanong niya ng may kuryosidad.
   
"Kanina ay tumawag ang kakang Nenet mo,sinabi niya na sembreak raw sa isang linggo ng pinsan mong si Niña at alam mo bang balak nilang iwan muna dito ang ate Niña mo sa atin?Hindi ba't masaya iyon,apo?"pagkarinig noon ay napatalon siya sa kaniyang pagkakaupo.Niyakap niya 'ko sa tuwa at kitang kita sa kaniyang mata ang saya.

Behind the TriumphsWhere stories live. Discover now