PHINE'S POV
Hunyo na naman at simula na muli ng pasukan.Baitang Anim na ako doon pa rin sa dati kong paaralan samantalang ang ate Niña ay lumipat na sa Manila para sa pagsisimula ng kaniyang pagsesekondarya.Marami ng nagbago.Bukod sa wala ang ate Niña,wala na rin sina Patrick at Ken na dating nang asar sa amin.Nakapagtapos na sila ng elementarya.
Mas pinili ko na lang maging tahimik at mas lalo na lamang nagpokus sa aking pag aaral.Hindi naman ako nawalan ng kaibigan,nandiyan pa rin sina Rica at Trisha na tulad ko ay mga huwarang mag aaral din ng aming klase ngunit para sa akin mas masaya sana kung narito ang ate Niña.
RICA'S POV
Lunch na sa wakas.Gutom na ko ,mayaya na nga si Phine at Trisha."Phine tara sabay sabay na tayong mananghalian,mamaya mo na tapusin iyang activity na 'yan"
"Oo nga Phine,kaunting kulay na lamang ay tapos mo na iyan.Yung akin nga ay hindi ko pa nasisimulan." pagsuporta naman ni Trisha sa 'king paanyaya."Mamaya na ako,mauna na kayo.Mabilis na lang ito at kakain na rin ako." sagot ni Phine sa amin.Hays,inuuna niya pa iyon sa pagkain akala mo naman ay gipit na siya sa oras ng paggagawa.
Kaya naman kami na lang ni Trisha ang lumabas para magtungo sa bench.Malamig kasi roon dahil ang mga puno ay nagsasayawan na nagbibigay ng sariwang hangin kumpara sa aming silid aralan."Mukhang miss na miss na ni Phine ang kaniyang pinsang si Niña ,hindi ba't lagi niyang kasabay iyon kumain dati noong dito pa nag aaral si Niña?"ani ni Trisha habang nginunguya ang kanin.
Tama si Trisha,pansin ko rin nga."Oo,halata naman sa kaniya kahit hindi niya sabihin pero sa tingin ko hindi naman noon maaapektuhan ang pag aaral ni Phine.Magaling at pursigido siya lagi.Sa palagay ko'y kahit tulog siya ay kabisado niya ang mga aralin"PHINE'S POV
Samantalang lingguhan pa rin kung umuwi sina mama at papa."Maaaa,Paaa! Namiss ko po kayo!" pagbati ko habang kayakap sila."O s'ya ,tara na sa loob.Marami kaming pasalubong sayo at kay inay at tatay."sagot ni mama.
Tulad ng sinabi ni mama,marami nga silang pasalubong.May mga tsokolate,iba't ibang mga pagkain,mga laruan ,maging mga bagong damit ay naroroon sa isang malaking kahon.Ang saya!Thank you Lord sa buong pamilya!Dito sila natulog sa bahay ng isang araw dahil rest day nila pagkatapos ay bumalik din kaagad sila sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Calamba.
Lumipas ang mga araw,linggo ,buwan.Patuloy akong nag aaral ng mabuti kasama sina Rica at Trisha.Unti unti kaming naging abala lalo na ako dahil tulad noon ay kasali pa rin ako sa SSG Department.Kaya naman ,wala na akong oras para malumbay tulad ng dati tuwing naiiisip ko ang ate Niña na nasa Manila.SA SILID ARALAN...
KHALIL'S POV
Hays,bagong klase na naman.Nakakatamad naman,makatulog na lang uli.
"Good morning Grade 6-St.Mary!"banggit ni Ma'am at sabay ub ob ko.
"Good morning ma'am Sequijor!Jesus loves you!Mabuhay!!"sabay sabay nilang banggit maliban sa akin.Katamad kaya.
"For today,I will be announcing our top 10 including our class salutatorian and our class valedictorian."Top 10?O siya mamaya na ako tutulog mapakinggan muna.
"Sino kaya ang valedictorian natin?si Joseph kaya o si Phine?Feel ko si Joseph,mula noon ay Presidente na siya ng klase ,hindi malayo diba?"bulong ni Mitch kay Daisy.Hays, chismosa talaga."Bakit siya?Siguro si Phine kasi President naman siya ng SSG Department." agad namang sagot ni Daisy."Huwag nga kayong magchismisan at saka hindi nababase ang pagiging honor dahil lamang sa posisyon tss." pagputol ko sa usapan nila.Nakakairita talaga ang mga boses nila.
"Feeling may alam ka naman e lagi ka nga lang tulog."iritang sagot ni Daisy at may pag irap pa.Pa irap irap pa,'di naman maganda.
"The average of our top 10 are......"Pagtuloy na pagsasalita ni ma'am.Hanggang sa inanunsiyong si Rica ang top 4 habang top 3 naman si Trisha.Wala namang bago,masipag naman talaga sila kaso mga madamot sa sagot tss.
"With the average of 92.4,our class salutatorian is Joseph Gabriel Macalintal"saad ni ma'am kaya tiyak ko ng si Phine na naman ang top 1.Tinuloy na ni ma'am ang pag aanunsiyo dahil sabik na ang lahat pwera sa'kin syempre."And with the average of 96.2 ,our class valedictorian is no other than ,Josephine Micaiah Esmeralda"Sabi na nga,Makatulog na uli.
PHINE'S POV
"Yey!Bessy ko yan!"
"Yun oh,witwiw!"
"Talino yarn!!Congrats!"
"Yuhoooo,blow out ehem!"
"Baka nemen ,kahit libre lang mamaya sa canteen"
Sabay sabay na pang aasar at bati na lubos na ikinakilig ko.Thank you Lord sa knowledge and wisdom!"Thank you ma'am Sequijor!Thank you classmates ,congrats sating top 10 at sating lahat na magtatapos!" sagot ko sa kanilang lahat.
"Congratulations Grade 6-St.Mary!Class Dismiss!" Matapos iyon ay uwian na at sabik na akong ipamalita iyon kina inay at tatay lalo na kina mama at papa."Phine!Tara magcelebrate tayo!"paanyaya ni Rica at Trisha.Etong mga ito talaga oh hahaha.
"Uuwi na ako,saka na lang.Excited akong sabihin kina inay at tatay."sagot ko naman sa kanila.Gusto ko na kasi talagang sabihin agad.Tiyak na matutuwa sila!
KHALIL'S POV
Si Phine yun ah.Ang galing niya talaga simula noon.Nagbibisikleta ako at tumigil ako sa harapan niya.Gulat na gulat siya hahaha.Nanlalaki ang mga mata niya.
"Congrats!Kelan mo ko lilibre?"
"Khalil?Hahaha,sige ililibre kita bukas.Okay ba?"pagkasabi nito ay ngumiti na lamang siya at patuloy na naglakad pauwi.
Excited na ako bukas.Sana makasama ko rin siyang kumain.Lumiko na ako ng ibang direksyon pauwi sa amin.
YOU ARE READING
Behind the Triumphs
RomanceBehind the Triumphs is a story full of friendships, valuing family and study at the same time finding love from unexpected persons.This is inspired by some true to life story of the author itself about family and friendships while the romance is jus...