PHINE'S POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nang umuwi ang mga ate Niña nang hinila niya ako papuntang kwarto at umaakto siyang parang may tinatagong kung ano.
"Bakit ba ate Niña parang taranta ka?Maaari namang mamaya na lamang.Ano ba iyon?"tanong ko sa kaniya.
"Phine atin atin lang 'to ha!"sagot naman niya.
"Ano nga iyon ate?Sabihin mo na at marami pa akong tatapusing projects."sabi ko habang nakatingin sa orasan.
"Kasi feel ko i like Patrick na e."sagot niya naman.Napatulala na lamang ako matapos niyang sabihin iyon.Hindi ko alam ang aking sasabihin nang bigla siyang sumigaw.
"Aaaaa!!What should I gonna do,Phine???Is this love?OMG!!" sabi niya habang yakap yakap ang unan.
"Ayun lang ba?Hays.Isang linggo pa lamang ay gusto mo na agad siya?wow ha."iyon na lamang ang sinabi ko at bumalik na ako sa aking ginagawa.
SA PAARALAN...
PATRICK'S POV
Bakit parang ang tahimik ni Phine o baka naman ay sadyang pagod lamang siya sa dami naming gawain.
"Phine,sinong kapartner mo sa RDL?"tanong ko sa kaniya.Maraming nag aya sa'kin para maging kapartner nila pero sinabi kong may kapartner na'ko kahit wala pa talaga.
"Ah,sa Research template ba?Wala pa e.Tinatapos ko pa yung sa MIL natin kaya baka si Marian na lang." matamlay na sagot niya.
"Naku,kapartner na ni Zein si Marian.Ang alam ko'y nagsimula na silang gumawa kahapon pa.Wala pa kasi akong partner,pwede bang tayo na lang?"dire diretso kong sambit.
"Ha?tayo?"sagot niya naman ng parang nag aalinlangan nang bigla niyang sinabi,
"Ah,partner tayo sa RDL.Oo sige,sige.Bukas na lang tayo magsimula ha.Tapusin muna natin lahat ng kailangang tapusin."saad niya at agad naman siyang nagbasa ng hawak niyang libro.
Parang may malalim siyang iniisip na kung ano pero masaya ako dahil siya ang partner ko sa thesis namin sa RDL.
Tumahimik at bumalik sa kaniya kaniyang upuan ang lahat ng dumating si sir Rodriguez.
"Good morning class.We have our visitors later so all of you must clean your room now.Observe politeness and greet them when they arrive.Is that clear?" sambit ni sir.
Pagkatapos naming mag "yes sir" ay agad na siyang umalis.Sino naman kayang bisita?Baka may katungkulan sa sch o kaya mayor?Yes,walang klase mamaya!
KHALIL'S POV
Natutulog ako nang gisingin ako ng adviser ko sa library.Tss,nakakainis at nagambala ang pagtulog ko.
"Bakit po ma'am?"tanong ko habang nagkukusot ng aking mata.
"Mr. Chavez please cooperate with us.You must join our team.Isa ka sa mga binoto ng mga kaklase mo para maging representative model ng ating school.Follow me."saad niya at agad naman akong sumunod.
Ano daw model?Tss ,bat ako?Andami namang gising diyan at 'di hamak na mas gustong maging ganon.Hays.
Kumain kami dahil lunch na at agad na sumakay sa van ng school namin.Nang naroon na kami sa school na Balele Integrated High school,napansin kong kaparehas ng mga uniform nila ang uniform ni Phine.Kaya sigurado akong narito si Phine.
Hahanapin ko pa sana siya sa lahat ng sections ng HUMSS strand nang tawagin na kaming lahat para pumunta sa assigned room kung saan mamimigay kami ng flyers at tatayo sa unahan para ipakita ang uniform ng aming school.
YOU ARE READING
Behind the Triumphs
RomanceBehind the Triumphs is a story full of friendships, valuing family and study at the same time finding love from unexpected persons.This is inspired by some true to life story of the author itself about family and friendships while the romance is jus...