CHAPTER 4: FRIENDSHIPS

3 0 0
                                    

SA PAARALAN...

JOSEPH'S POV

"Phine!"tawag sabay yakap ko kay Phine.Sobrang saya ko lang kasi.
 
"Bakit,Joseph?Anong nangyari?"takang pagtatanong niya.
 
"Maraming maraming salamat sa pagtulong samin.Thank you dahil binayaran niyo ng family mo yung utang namin sa pamilya nina Marvin.Ngayon ay hindi ko na kailangan pang magpakahirap sa paggagawa ng mga gawain ni Marvin dahil sa inyo!"pagpapaliwanag ko na hindi nawawala ang ngiti sa 'king labi.
 
"Ano?Wala akong alam sa mga sinasabi mo."Nagkakaila pa siyang hindi niya alam.Napakabuti talaga niya.
 
"Hindi mo kailangang ikaila Phine.Ikaw lamang ang bukod tanging may alam ng tungkol samin ni Marvin kaya't sigurado kong ikaw ang tumulong sa amin.Sige ha,may tatapusin pa akong project natin sa MAPEH.Uuna na ako sayo,salamat ulit!"sabi ko sa kaniya sabay takbo.Marami pa kasi akong hindi natatapos na gawain.

PHINE'S POV

Wala na kong nasabi kay Joseph at tumakbo na siya papuntang silid aralan.Nakakapagtaka lang,sino kaya ang tunay na nagbayad ng utang ng pamilya ni Joseph?Wala naman kaming kakayahang magbayad ng ganoong kalaking halaga at wala rin naman akong sinabihan bukod kay Khalil.Oo nga,natunghayan lahat ni Khalil!

Wala siya sa silid-aralan.Baka naman kumakain siya sa canteen.Hays,wala pa din.Saan naman pupunta iyon?E wala naman siyang ginagawa kundi matulog.Matulog,oo nga!Sa library!

SA LIBRARY...

Sabi na at narito siya.Nadatnan ko siya rito habang nakaub ob sa isang libro.Noong una ay tinitigan ko lang siya habang ito'y mahimbing na natutulog.Hanggang sa magising na ito at hinawakan ang bibig kung ito'y may tumulong laway sa kaniyang pagkakatulog.Nakakatawa siya hahaha.
 
"Bakit mo ko tuong tinitignan habang tulog?Crush mo ako no?"asar na sabi nito.
 
"Ang totoo ay kanina pa kita hinahanap.Umamin ka,ikaw ba yung nagbayad ng utang nina Joseph sa pamilya nina Marvin?"diretsong tanong ko.
 
"Hindi ako pero si dad.Sinabi ko kasi sa kaniya na kaibigan ko si Joseph at kinuwento ko yung problema sa kaniya.Naawa si daddy at siya mismo ang kumausap at nagbayad sa mga magulang ni Marvin.Bakit ba ha?"
 
"Bakit mo ginawa yon?"
 
"Ano naman?Diba yun ang gusto mo para hindi na mabully si Joseph edi ayun."
 
Nagulat ako sa kabaitan ng kaniyang ama.Hindi ko akalain na masosolusyunan nila ng ganoong kadali yun."Thank you ha",seryosong sambit ni ko sabay ngiti sa kaniya.

"O siya sige na,alis na.Tutulog na uli ako.Tss,istorbo"sabay irap nito sakin.Hays,balik sa dati ang ugali niya.

SA SILID ARALAN...

PHINE'S POV

"Kring,Kringggggg!!!!!"Uwian na.Buti naman ,gusto ko na ring umuwi.
 
"Bye Phine,una na kami ni Rica sayo ha.May dadaanan pa kasi kami."pamamaalam ni Trisha sa'kin.
 
"Oo nga Phine,ingat ka na lang pauwi.Kailangan pa kasi namin magpaprint dun sa English natin."pagsang ayon naman ni Rica sa sinabi ni Trisha.

Tumango na lamang ako sa kanila habang inaayos ko ang mga gamit ko nang makita ko ang panyong nakatiklop sa bulsa ng aking bag.Iyon ay ang panyong pinahiram sa akin ni Patrick noong umiyak ako.Napangiti ako dahil kahit na hindi kami masyadong magkaibigan ay pinahiram niya pa rin ako nito.Oo nga pala,matagal na noong dapat ibinalik ko ito sa kaniya.Kaya naman agad akong  nagtungo sa lugar kung saan niya ako dati nakita na umiiyak.

PATRICK'S POV

Sana naman ay maalala na ni Phine yung panyo.Hindi naman dahil sa panyo kaya gusto ko siya pumunta rito,hays.Ayun,si Phine nga iyon!Malayo pa lamang ay kita ko na si Phine.
 
"Patrick!"pagtawag ni Phine sa'kin.
 
"Tss,dumating ka rin.Akala ko ba nung isang araw mo pa isasauli sa akin ang panyo pagkalaba mo?"Dapat lang akong magalit,araw araw kaya akong naghihintay rito.
 
"Pasensya na,masyado kasi akong naging abala.Pero heto"sabay inaabot niya sa'kin ang panyo.Tinignan ko lamang ito.
 
"Joke lang,anong akala mo sa akin?Iisa lamang ang panyo?Sayo na yan baka kailanganin mo uli."
 
"Ha?Pero bakit mo ko hinihintay dito?"
 
"Andami mong tanong.Kamusta ka na?Yung galos mo,ayos na ba?"seryosong tanong ko sa kaniya.Gusto ko lamang malaman kung kamusta na siya.Nginitian lamang ako ni Phine.

Tinuloy ko ang aking pagsasalita.
 
"Saka nga pala yung dati na nasabi ko,tss,sorry nasaktan ka ata.Hindi ko alam kung bakit ka umiyak noon hinusgahan agad kita.Huwag kang mag alala ,hindi na mauulit.Pramis!"sabay taas ko ng aking kanang kamay.Pagkatapos noon ay umuwi na si Phine sa kanilang bahay.Hindi ko na kinuha sa kaniya yung panyo,ang gusto ko lamang ay makita siyang muli.

SA PAARALAN...

PHINE'S POV

Lumipas ang ilang linggo at sumapit na ang araw ng aming pagtatapos.Araw kung saan matatanggap na namin sa wakas ang aming mga diploma at maisusuot na namin ang aming mga toga.Nagsimula na ang programa at isa isa nang tinatawag ang mga magsisipagtapos kasama ang aming mga magulang.
 
"De Chavez,Gian Khalil L."Kasama niya ang kaniyang ama na si Kapitan De Chavez.Masaya ako kahit na patulog tulog lamang siya sa klase ay nakapasa siya.Nagpapalakpakan ang lahat.

Hanggang sa ang mga huwarang mag-aaral na ang tinatawag.
 
"Sarmiento,Rica Jane P.,Second Honorable Mention."
 
"Saguan, Trisha Angela F.,First Honorable Mention"
 
"Macalintal,Joseph Gabriel M.,Salutatorian."Kasama niya ang kaniyang ina na bakas sa mukha na ipinagmamalaki si Joseph sa natamong parangal.Samantalang patuloy na nagsalita ang M.C. Ako na ang sunod na tatawagin.
 
"Esmeralda,Josephine Micaiah L.,Valedictorian."Kung noon ay sina mama at papa ang kasama ko sa tuwing sasabitan ng medalya,ngayon ay si mama na lamang.Ganoon pa man ,pilit ngiti pa rin ako dahil ako ang valedictorian ng aming klase.

Bago tuluyang matapos ang programa ay naghandog ako ng aking speech bilang class valedictorian.Nagpalakpakan ang lahat at nagbatian.
 
"Congrats,Phine!Angas ng speech mo kanina!"pamumuri ni Joseph sakin.Proud rin ako sa kaniya.Biruin mong dobleng mga gawain pala ang ginagawa niya rati.
 
"Thank you,Joseph! Congrats din sayo ,Mr.Salutatorian ,naks!" sagot ko naman.

RICA'S POV

Nag uusap si Joseph at Phine.Aba ,dapat masulit namin ang graduation namin.
 
"Phine!Tara picture tayo sa stage pang post ba sa FB ,Hahaha"paanyaya ko habang hawak ang kamay ni Phine.
 
"Aba ayos yan,picture tayong apat!Isali na rin natin si Joseph,diba Phine?"pagsali naman ni Khalil sa aming usapan.Hays,epal pero graduation naman kaya ayos lang.The more,the merrier ika nga.

Lahat kami ay nakatingin kay Phine na naghihintay ng sagot nito.
 
"Lezzgoo!"sambit niya sabay umis sa amin.Masayang masaya kaming lahat ng araw na iyon na kung titignan ay para bang mga matatalik na kaibigan kaming lahat.Pagkatapos naming magpakuha ng mga litrato ay nagkaroon pa kami ng salo salo at doon namin ipinagdiwang ang aming pagtatapos ng elementarya.
 

Behind the TriumphsWhere stories live. Discover now