Seventeen

1.2K 7 0
                                    

“NOT News.” basa ko sa naka-flash sa TV screen. Ano nanaman kayang balita ngayon?

Naupo ako sa sofa na kaharap ng TV namin at nilakasan ang volume.

“Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulisya ang kataka-takang biglaang pagkawala ng mga kalalakihan sa maliit na bayan ng Sta. Rita. Ayon sa mga pamilya ng mga biktima, sa gabi lumalabas ang kanilang mga lalaking kaanak dahil madalas mag kasiyahan ang mga tao sa lugar na ito. Hindi na raw umuuwi ang karamihan sa mga lalaki sa lugar na ito matapos ang gabing iyon at matatagpuan nalamang ang kanilang bangkay kinaumagahan sa ilalim ng tulay...” litanya ng reporter na naging dahilan para mangilabot ako.

“Tangina, ayoko na tuloy lumabas tuwing gabi.” bulong ko sa sarili ko habang patuloy na pinakinggan ang balita.

“...Walang suspek o kahit anong bakas ang makapagtuturo sa kung sino ang salarin at kung ano ang dahilan nito. Pinapayuhan ng mga pulisya ang karamihan na mag ingat na at huwag na lumabas lalo na’t tuwing gabi. Kaligtasan ang unahin bago ang kasiyahan. Nag babalita, NOT News.”

Pinatay ko na ang TV at tumayo para bunutin ang pagkakasaksak niyon. Iwinaksi ko na sa isip ko ang napanood at umakyat na sa kwarto. Mag isa pa naman ako sa apartment ko.

“Ano kayang nangyayari sa bayan namin?” tanong ko sa aking sarili.

Nakatulog nalamang ako sa kaiisip sa tanong na iyon at kung sino ang posibleng salarin sa nagaganap na krimen.


Kinaumagahan, maaga akong nagising para mag siyasat. Makiki-chismis ako sa mga nag iimbestiga para malaman ko ang mga dapat kong gawin.

“Oy, pareng Caleb!” rinig kong tawag sa akin ng kung sino man.

Hindi pa man ako nakakalabas sa bahay ko ay may sumasalubong na agad. Sinara ko ang pinto at kinandado ng husto bago harapin ang mga kaibigan ko.

“Oy,” ani ko. Ginawa namin ang handshake naming dalawa at tumawa na parang baliw.

“Oh ano, sa‘n ka niyan pupunta?” tanong nito nang mag simula kaming lumakad.

"Nanood ka ba ng balita kagabi?" I asked.

"Uh-huh," he answered while looking around.

"Gusto ko lang puntahan ‘yong tulay, naku-curious ako. Sama ka?" napatigil ito sa paglalakad at tinaas ang dalawang kamay.

"Mahal ko pa buhay ko, Caleb. Huwag ka na tumuloy, hindi ka ba natatakot?” seryosong tanong nito.

"Sus, para namang mamamatay ako. ‘Wag ka mag alala, tol, babalik din agad ako. Sisilip lang talaga ako sa lugar na ‘yon." sagot ko at tinalikuran na siya.

Kung hindi siya sasama, hindi niya rin ako mapipigilang pumunta.

Nag lakad lang ako mula sa bahay ko papunta sa tulay kung saan may mga nawawalang kalalakihan.

Bumakas ang pagtataka sa aking mukha nang wala akong naabutang pulis o bantay sa lugar na iyon. There is nothing, not even a barricade tape to warn people. This is strange.

I look down the bridge to look for something. I don't even know what I was looking for.

I look up the sky as I inhaled the fresh air. Nawala ang takot ko sa tulay na ito dahil sa biglaang pag presko ng hangin. Nang i-mulat ko ang aking mga mata, nabigla ako sa nakita.

Paanong nasa ilalim na ako ng tulay?!

Kumunot ang noo ko at tumayo mula sa pag kaka-upo sa mabatong lugar na ito. Luminga linga ako sa paligid para malaman kung may tao ba nang bigla akong kilabutan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now