Ten

1.2K 9 0
                                    

REGRET

"Uwi na ako, pare." sabi ko sa mga kaibigan ko saka tumayo.

"Aga pa ah, mamaya na." sabi ni Abra sabay tingin sa relo.

"Anong maaga pa, umaga na." sabi ko at bahagyang kumunot ang noo, tanginang lasing 'to. Buti nalang hindi ako masyadong uminom.

"Ay, ala una na pala." anito sabay tawa, hinampas pa ang sariling hita.

Tumawa din iba ko pang tropa hanggang sa isa isa silang bumagsak at nawalan ng malay.

Mga sugapa sa alak.

Napailing nalang ako at nag ligpit, ako nalang talaga matino saamin.

Binuksan ko aircon sa sala nila at sinarado lahat ng bintana. Nang maayos na lahat ay lumabas na ako at sinugurong naka lock ang mga pinto para hindi pasukin ang bahay nila Abra.

Pagkalabas ko ay huminga na akong malalim. Madilim ang paligid at tanging mahinang liwanag lang ang magiging ilaw ko na galing pa sa buwan. Napailing nalang ako at nag simula ng mag lakad, hindi kopa naman dala ang phone ko dahil iniwan ko sa bahay.

Eskinita ang dadaanan ko, squater kami at masasabi kong sila Abra ang pinakamayaman saamin dahil bukod sa malaki ang bahay at may aircon, sila din minsan ang nag bibigay ng makakain sa buong lugar namin.

Bumuntong hininga ako at nag patuloy sa paglalakad. Nakapamulsa at bahagyang naka yuko ang ulo dahil nakaramdam ako ng hilo.

Nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad ng biglang umihip ang malakas na hangin, kinilabutan ako at napatigil sa paglalakad. Nilanghap ko ang hangin na patuloy sa pag haplos sa aking balat. Pumikit ang mata ko para lasapin ang lamig nito.

Hanggang sa hindi ko namalayang may babae nang naka kapit sa kamay ko.

Agad akong napalingon sakaniya at bakas ang takot, lungkot at galit sa kaniyang mga mata.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng humigpit pa ang kapit nito.

"Miss? Anong problema?" ang tanging tanong ko.

Lumingon ito sa likod ko at bigla akong hinila, papunta sa mas madilim na parte ng eskinita.

"Pwede ka bang umakto na para tayong magkakilala? Para naman tumigil na sila?" kabadong tanong nito.

"Oo naman, sino ba sila?" tanong ko.

"Pwede ka bang umakto na para tayong mag kakilala? Para naman tumigil na sila?"

Napakunot ang noo ko ng umulit siya.

"Miss?"

"Pwede ka bang umakto na para tayong mag kakilala? Para naman tumigil na sila?"

"M-miss?"

"T-tulungan moko."

Yayakapin na sana ako nito ng bigla akong magising. Mabilis ang tahip ng dibdib ko at kabado akong napalinga sa paligid.

Panaginip. Panaginip nanaman, bangungot nanaman.

Umiling ako ng ilang beses para i-waksi ang pangyayaring iyon sa isip ko. Sinabunutan kona din ang sarili ko habang nilulukob ako ng pagsisisi.

Isang taon na ang nakalipas pero nag sisisi pa rin ako. Hindi ko mapatawad ang sarili ko. Sana tinulungan ko ang babaeng iyon, sana pumayag ako sa gusto niya, sana buhay pa siya ngayon.

Ang babaeng iyon ang nakababata kong kapatid, hindi ko siya nakilala noon dahil sa marungis na katawan at sugatan ang kaniyang mukha.

Binalita kinabukasan ng gabing 'yon ang nangyari sa babaeng humihingi ng tulong. Nalaman ko lang na kapatid ko iyon ng makumpirma ng mga pulis na siya nga iyon.

Kung matino lang ang pag iisip ko ng mga panahon na'yon. Buhay pa ang kapatid ko.

One Shot Stories Where stories live. Discover now